Chapter 34

287 13 0
                                    

Let's get back to business

*

"Welcome to The Farm, Mr. Oliveros. I'm here to train you about everything that you need to know, inside and out of this store."
Walang emosyong tumingin ako sa babaeng nakasuot ng business attire, matangkad at hindi pa ganon katanda, elegante at siguro ay nasa late twenties na. May nametag sya ng The Farm pero ngayon ko lang sya nakita.

"By the way, I'm Selene Leventis.-" Lahad nya ng kamay. "I'm going to serve as your trainer."

"Trainer? Kailangan pa ba yun?" Tanong ko matapos makipag-kamay sakanya.

"Yes, sir-"

Natigilan sya at napakurap bago marahang natawa.

"I mean, yes, Mr. Oliveros. But we are not going to start the training, yet. For today, I'm going to give you a special tour, but first," Sinensyasan nya ang isang lalaking lumapit at kinuha dito ang ilang piraso ng tela.

"Here's your uniform. Please change your clothes, I will wait for you outside." Aniyang puno ng kumpyansang tumalikod at lumabas ng pinto.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa damit, isang maroon na polo shirt gaya ng suot ng cashier at may nakasulat na 'The Farm' sa bulsa. Hindi na ako nagtanong pa at nag desisyong magbihis na.

******

"As you already know, the entire first floor is the garden store. If the management decided to assign you here, all you have to do is to maintain the plants, keep the surroundings clean, assist the customers and look good." Inilibot ko ang paningin. Ngayon ko nakita kung gaano kalaki ang garden store. Madalas ay hindi ako nakakaabot sa kaliwang dulo nito pero ngayong nalibot namin ay mas maganda iyon kesa sa lagi kong nakikita.

Magkakahiwalay ang mga halamang namumulaklak at sa hindi, mga local plants at mga galing sa ibang bansa.

Bahagya akong napangiti nang makita ang isang pamilyar na halaman. Nilapitan ko iyon at marahang hinawakan.

Isang uri ng calathea plant.
Hindi ito kapareho ng nasa bahay, ang halamang unang binigay saakin ni Gio.

"Do you like plants?" Tanong ni Selene nang makabalik kami sa cashier.

"Hmm." Tipid kong tango habang nasa mga halaman parin ang pansin.

"Address me as 'ma'am'."

Napatingin ako sakanya at napatikhim.
"Yes, ma'am."

"Good. Then it's going to be easy."

******

"The second floor is where we process all the transactions from the first floor."

Maraming computer. Para akong pumasok sa isang security room ng isang buong siyudad pero kaunti lang ang tao. Lahat sila ay may kausap sa telepono at tumitipa sa kanya kanyang computer na kaharap.

"Why are you showing me this? Are all of the employees allowed to enter this place?" Takang tanong ko dahil hindi man ako maalam sa ganong trabaho, lahat ay transaksyon sa pera ang nasa mga monitor.

"No, only to those who are privileged." Makahulugan nyang sabi. "Only five professionals in money are working in this place. No one is allowed to enter specially during Harvest time. Harvest time is when-"

"Alam ko na ang tungkol doon." Putol ko sakanya.

Kung kailan pumapasok ang mga kilalang tao sa gambling house para maglaro at magbayad ng utang.

"You sure know a lot." Nakataas ang dalawang kilay na sabi niya. Hindi ko iyon pinansin. Sa simula palang ay may kahulugan na ang paraan ng tingin nya at mga pananalita.

Muli kaming pumasok sa elevator paakyat at sandaling tumigil sa isang malawak na espasyo. Walang kahit anong laman.

"The 3rd floor is vacant for the meantime. Still no plans about it, but I'll let you know kung meron man."

Dumilim ang mukha ko sa tono ng pananalita nyang may ibig ipahiwatig.
"No thanks."

"Okay." Sabi nya, natatawa.

Marahas akong napabuntong hininga nang pumasok sya ulit sa elevator at wala akong choice kundi ang sumunod sakanya.

This woman..is a weirdo.

"The 4rd floor is the first floor of the gambling house. It's where you play all types of gaming machines." Iminwestra nya ang iba't ibang uri ng mga sinasabi nyang machines na madalas ko lang nakikita sa mga casino. "Slot machine, Pachinko, Video poker and such.."

Malinis na nakaayos ang mga iyon kahit na magulo tingnan dahil sa hindi pare-parehong laki. Aakalain mong nasa loob ka lang ng isang computer shop pero hindi nga lang computer ang lalaruin kundi mga slot machines na pwedeng magbaon sayo sa utang.
Sa dami ng mga machines, siguradong libo libong pera ang pwedeng makuha mula roon at kahit ang 4th floor lang ay sapat na para magkamal ng pera si William Marfori.

Umakyat kami papunta sa sunod na palapag.
"5th floor is for table games. Poker, Blackjack, Roulette, Baccarat, name it." Aniya.
Nang lumabas kami sa elevator ay bumungad saamin ang hindi bababa sa dalawampung mesang ginagamit sa sugal.
Napakaganda. Hindi iyon gaya ng tanawin sa Ilocos Norte na mapapatitig ka sandali, pero para sa isang negosyanteng manginginabang doon, higit na mas maganda iyon.

"The sixth floor is the bank. It is the most secured floor in this building." Aniyang isinenyas ng kamay ang ilang security guards at ang pintong may digital lock. Hindi na kami pumasok pero nahihinuha ko na kung ano ang nasa loob nun.

"You can ask the bank teller for cash when something went wrong downstairs. Talk to them if you want to use your house, car or even your business as collateral, we will accept it, as long as it's still profitable."

"Ano naman ang meron sa 7th floor?" Tanong ko na matamang nakatingin sakanya nang akma nyang pipindutin ang button ng elevator pabalik sa unang palapag.

Humalukipkip sya at bahagyang naningkit ang singkit nya nang mga mata.

"Oh, if the 6th floor is the most secured floor, the 7th floor is the most restricted area, off-limits. It's a house. And as far as I know, only those who are allowed by the owner can enter that floor."

Tipid na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at hindi ko iyon itinago sakanya dahil pakiramdam ko ay marami rin naman syang nalalaman.

"You can enter that, though." Mahina nyang sabi pero nahuli parin iyon ng pandinig ko.

Tumango tango ako at inilibot ang paningin sa paligid.
"Have you ever..entered that floor?"

Mas malawak na ngiti ang bumahid sa mukha nya,
"Of course. The owner allowed me to enter." Lumapit sya sa akin at pumantay sa mga mata ko. "Who can resist me?" Nakangising tanong nya. "of course, NO ONE." Nawala ang ngisi nya at muling sumeryoso.

Napalis ang ngiti sa mukha ko at nagtagis ang panga sa narinig.

"That's it and we are done." Peke ang ngiting sabi nya. "Bukas, bumalik ka ulit dito at sasabihin ko sayo kung saan ka ba magtatrabaho. Sa garden store o sa gambling house." Inilahad nya ang kamay nya. "Good luck, Mr. Oliveros."

Tumaas ang gilid ng labi ko at mabigat ang loob na tinanggap iyon.
"Thank you.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now