****

248 16 1
                                    

SOMEONE'S POV | EARLIER..

*

"Who are you looking at?" Nakangising tanong ni Trey habang bahagyang nakapatong ang ulo sa balikat ni Gio. Nasa poolside sila at nag iinom ng alak. Nakatagilid ang ulo nya at sinusundan ng tingin ang tinitingnan ng lalaking katabi.

Hindi sumagot ang huli at muli lang tumingin sa balcony na nasa second floor ng bahay.
May ngilan ngilang tao doon pero dalawa lang ang pamilyar kay Trey.
Si Ross Delaviere at si Kenzo Oliveros na parehong nakapatong ang mga braso sa railings habang may hawak na alak.

"Now I know who." Sabi nya saka tumingin sa mukha ni Gio. Sa ginawa ay sandali syang napatitig dito. Napaka-gwapo. Sa tuwing nakikita nya ito ay lagi syang natitigilan at napapatitig sa perpekto nitong mukha. "It's Kenzo Oliveros." Bulong nya sa tenga nito.

Napalunok ito pero hindi sumang-ayon.
Sapat na kumpirmasyon na iyon kay Trey.

Nang makita nya ang mga ito na magkahawak kamay sa hotel ay alam nya nang may namamagitan sa mga ito.

Napailing sya.
So there are still things that I can't get.

Pero sadyang may mga bagay na hindi mo makukuha.

Kaya kailangan mong idaan sa sapilitan.

"Can I have another bottle?" Tanong ni Gio matapos sairin ang laman ng bote ng alak. Lasing na ito at mapungay na ang mga mata.

Palihim na natawa si Trey.

Sinenyasan nya ang isang lalaki na lumapit hawak ang isang bote. Hindi lang iyon basta alak. Ang puting tableta na hinulog nya doon kani-kanina lang ay tunaw na at humalo na sa lasa ng beer. Maging sa una nitong ininom.

Ibinigay nya iyon kay Gio.
"Slowly, bro. You'll get drunk."

Nabitin ang pag-inom nito ng alak,
"If I'm not drunk, things will not be easy for you." Makahulugan nitong sabi.

Naningkit ang mga mata ni Trey dahil sa tono nito. Kung bibigyan nya ng kahulugan ay baka isipin nyang alam nito kung bakit nya ito inimbitahan.

Lumingon sakanya si Gio at mahinang nagsalita. Hindi iyon marinig dahil sa ingay ng paligid.

Bago inumin ang alak ay may dumaang talim sa mga mata ng lalaki,
"Happy birthday."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now