Chapter 10

368 18 0
                                    

When the thirst and hunger slaps you with the truth

*

"Apologize to Hera, Kenzo! Iniwan mo sya nang ganon lang sa lugar na hindi nya naman alam?"

"I lend her my car. It has a built in GPS, what's the problem?"

Narinig ko ang nagtitimpi nyang pagbuntong hininga sa kabilang linya.
"That's not the point!" Madiin nyang sabi. "She's your date! Hinatid mo man lang dapat sya! Ano nalang iisipin sayo ng daddy nya? Pinapunta ko kayo dun para mag usap at magkalapit para matuwa ang daddy nya sayo!"

Napatiim bagang ako at pinigilan ang sarili.
Hindi parin humuhupa ang emosyon ko simula ng nangyari kahapon sa pagitan namin ni Gio at ang pagtawag nya ngayon ay hindi nakakatulong kundi nakakadagdag pa nga.

"I'm sorry then." Sabi ko

"You come here and apologize to her in person! Now."

Humigpit ang hawak ko sa unan.
"I'm busy."

"Kenzo Oliveros!"

Marahas na binato ko ang unan sa sahig at inis na nagsalita,
"Damn it! If you want to apologize, just do it! That was your fault, isn't it? You set up that fucking date and now you're bugging me because of some bitch that I don't even know!"

"How dare y-"

"I'm too confused now, ma and you're not helping at all! Tell Hera to find another man or her future step brother will FUCK her right in front of your eyes." Mabilis ang paghingang sabi ko bago pinatay ang tawag at binato ang cellphone sa kama.

Tuluyang lumabas ang galit na kahapon ko pa kinikimkim. Nahagip ng kamay ko ang figurine na nasa bedside table at malakas na binato sa sliding door ng terrace. Nagkaroon iyon ng malaking bitak at isang bato pa ay tuluyang nabasag.
Hanggang sa ang kwartong maayos at halos ayaw kong madumihan ay naging parang dinaanan ng bagyo. Napuno ng mga sira at basag na gamit.

Nang wala na akong mabasag ay humahangos na naupo ako sa sahig at mariing napasabunot.

"No..I'm not like you.. I'm not gay.." Mahinang usal ko.

Sinipa ko ang gamit na nasa paanan ko at parang nananadyang lumitaw sa isip ko ang nakangisi nyang mukha, ang labi nya sa tenga ko at ang mga sinabi nyang parang sirang plaka gaya ng dati. Nang iinis, nanunuya at tumatawa.

"Be with me or become insane thinking why you're feeling that way.."

"Stop denying it, Kenzo.."

"Why I'm always in your mind.."

"And why I'm always making this
heart beat so fast.."

Malamig akong natawa. Magkahalong inis sa sarili at galit kay Gio na nag init ang mga mata ko.

I once planned of unraveling him, but end up, him unraveling me.

Mabilis akong bumangon at sinuot ang jacket ko. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numerong hindi ko kahit kailan man tinawagan.

"Hello?" Makalipas ang dalawang ring ay sagot ng kabilang linya.

"It's me."

"Kenzo?"

"Let's meet, dad."

**********

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now