4 years ago..

330 18 0
                                    

"When I saw you, I smiled."

*

[ FLASHBACK ]

"Your dad is probably very busy right now. Gusto mo bang lumabas muna?" Aya ni Liam Oliveros sa labing anim na taong gulang na si Gio Marfori, na kanina pa naghihintay sa labas ng opisina ng daddy nito.

"No, thanks." Tanggi ng binata.

Hindi na nagpumilit pa si Liam dahil alam nyang hindi nya rin naman iyon pwedeng gawin. Kahit nag uusap sila nito ay hindi sila ganon kalapit, kahit gustuhin nya pa dahil nakikita nya dito ang anak nya na halos ka-edad lang ng binata.

"Birthday mo na bukas."

Hindi ito tumingin sakanya pero marahang tumango.
"I'm going to ask him for a gift."

"What kind of gift?"

"I don't know."

Tumango-tango si Liam. Madalas ay hindi ito nakikipag usap kahit kanino at maswerte na kung makakakuha ka dito ng ilang mga salita. Alam nyang ang paghingi nito ng regalo sa ama ay walang malalim na dahilan, gusto lang nitong inisin si William dahil siguradong hindi biro ang hihingin nito. Noong mga nakaraang taon ay humingi ito ng kotse kahit hindi pa ito pwedeng mag drive, nang sumunod ay humingi ulit ito ng kotse pero mas mahal ang halaga. Nito lang nakaraang taon ay hiningi nito ang buong 7th floor ng The Farm na muntik nang hindi pagbigyan ni William kung hindi nya lang pinilit na ibigay.

Minsan ay hindi maiwasan ni Liam na matuwa kapag ginagawa iyon ng binata. Matured kung mag isip si Gio pero sa tuwing pumupunta ito sa opisina ng ama para humingi ng mga walang kabuluhang bagay, ay pinapaalala lang nun sakanya na bata parin ito. At kung sya ang magde-desisyon, mas gusto nya na manatili itong ganon hanggang sa tumuntong ito sa tamang edad.

Napatayo si Liam nang bumukas ang pinto at iluwa si William. Maayos pa ang damit nito, wala pang gusot kaya alam nyang hindi pa ganon karami ang ginagawa nito sa loob.

"Hey." Agad itong lumapit sakanya. Nag iwas ng tingin si Gio nang akmang hahalik ang ama sa lalaki.
"Gio, why are you here?"

Hindi agad nakasagot ang huli. Nangingibabaw ang pagkailang kahit pa nga lagi nya nang nakikita ang dalawa na magkasama.
Nang mahalata iyon ni Liam ay marahan syang lumayo kay William.

"Wait, I forgot something inside."  Sabi ni William at akmang papasok ulit sa loob nang pigilan ito ni Liam.

"Let's eat outside. Isama natin si Gio."

Natigilan si William at tumingin sa anak.
"Do you want to come?"

"No." Walang gana nitong sagot bago tumayo at diretsong pumasok sa opisina ng ama para makaiwas na sa dalawa.

"Gio-!" Pigil ni William pero huli na dahil tuluyan na itong nakapasok. Mabilis na bumaling sya kay Liam.

"Mauna ka na sa baba. Kukunin ko lang ang mga naiwan ko sa loob."

Kumunot ang noo ni Liam pero hindi na nagtanong pa.

Sa loob ay napakunot ang noo ni Gio sa nakitang kalat sa mesa ng ama. Ayaw nito na nakakakita ng makalat at madumi pero ngayon ay kataka takang wala iyon sa ayos.

Akmang uupo sya sa mahabang sofa nang may mahagip ang mga mata nya sa mesa.

Maraming litrato maliban sa mga papel na nailaliman na. Lumapit sya doon at dumampot ng isa.

Isang lalaki.
Siguro ay ka-edad nya.

Hindi nya iyon kilala pero hindi nya alam kung bakit parang meron itong kamukha.
Pamilyar ang paligid sa litrato pero hindi nya sigurado dahil medyo malabo iyon. Nakatagilid ang lalaki habang tumatawa at halatang wala itong alam na may kumuha na dito ng litrato. Ngayon nya lang napansin na isang tao lang lahat ang nasa ilang piraso ng litratong nasa mesa.

Ibinaba nya ang hawak at kinuha ang isa pa.
Nakaharap na ang lalaki, walang ekspresyon ang mukha habang may sigarilyo sa bibig.

Masyadong malapit.
Napakalinaw ng mukha nito na para bang isa itong modelo ng sigarilyong hawak.

Unti unting nawala ang pagkaka-kunot ng noo ni Gio at napalitan ng mga tanong ang isip.
Pamilyar sakanya ang lahat ng tao sa The Farm at sigurado syang hindi ito empleyado doon.

Kinuha nya ang isa pa at wala sa sariling umangat ang gilid ng labi nang makita itong nakikipag-tawanan sa kung sinumang kausap nito.
Ang kislap ng mga mata nito ay hindi nakatakas sa kuha ng camera na syang tuluyang umagaw sa pansin nya.

"Don't touch my things." Bigla nyang nabitawan ang hawak at napalis ang ngiti sa mga labi.

"Who is this?" Tanong nya kay William Marfori na agad na inimis ang mga nasa mesa.

"Mind your own business." Matabang na sagot nito.

Agad na nakaramdam ng inis si Gio at hinablot ang isang litratong natira sa mesa.
"Don't tell me he's one of your playmates because he looks 20 years younger than you!"

Nanlaki ang mga mata ni William sa narinig at hinablot ang kwelyo ng anak.
"What the hell are you saying? Put down the goddamn picture now!"

Imbes na bitawan ay humigpit ang hawak doon ni Gio.
"Tomorrow is my birthday."

Kumunot ang noo ni William nang alisin nito ang kamay nya sa kwelyo nito. Hindi nya iyon nakalimutan pero sandaling nawala sa isip nya dahil sa dami ng ginagawa.

"I'm not going to ask you for a gift. Just be nice to me and tell me who he is."

Mataman nyang tiningnan ang anak at ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa litrato. Hindi ito nakikialam sa kahit anong ginagawa nya o kahit nagtatanong sa mga nakikita nito sa The Farm, maliban ngayon.
"Why are you interested? He's nothing but an employee."

Natawa sa isip si Gio.
Liar.

Ngayon ay mas lalo nya lang gustong malaman kung sino ito.

"Do you want a new car? A house? What?" Tanong ni William na pilit inaalis sa isip ni Gio ang tungkol sa litrato.

Hindi ito umimik at matigas na kinunutan lang sya ng noo. Ang ganoong ekspresyon nito ay nagpapahiwatig na wala na itong pakialam sa kung anuman ang sasabihin nya at ang tanging kailangan nya nalang gawin ay ang ibigay ang gusto nito.

Bumuntong hininga si William at naghahamong tiningnan ang anak.
"Fine. If you want to know, find out yourself."

Ilang sandali ring natigilan si Gio sa sinabi ng ama. Alam nyang inaasahan nito na hindi nya yun gagawin dahil madalas ay yun naman talaga ang ginagawa nya. Ang walang gawin. Pero ang makita nya ang ganong reaksyon mula rito nang makita nitong hawak nya ang litrato ay nagbigay lang sakanya ng paghihinalang hindi lang basta empleyado ang lalaki.

Sa paglabas ni Gio sa opisina ng ama ay ang muli nyang pagtingin sa litrato at ang hindi nya maipaliwanag na pakiramdam.

Kailan nya nga ba huling naramdaman ang sarili nya? Hindi nya na maalala kung kailan sya huling nakaramdam ng saya at pagkasabik.

Ang mga ngiting nasa mga labi ng lalaki, ay ang mga ngiti na hindi nya kahit kailan naranasang gawin. Sa mga mata nito ay makikita ang saya na para bang walang pakialam sa paligid.

Bumuntong hininga si Gio at matamang tinitigan ang litrato.
"Why are you on my father's desk?" Humaplos ang hinlalaki nya sa mukha ng lalaki at mahinang nagsalita.

"Who are you?"

* END OF FLASHBACK *

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now