Chapter 25

271 15 1
                                    

"Please save yourself.."

*

"𝗜 𝗹𝗼𝘀𝘁 𝗵𝗶𝗺 𝗮 𝘄𝗵𝗶𝗹𝗲 𝗮𝗴𝗼. 𝗕𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲'𝘀 𝗮 𝘀𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁 𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗵𝗼𝘂𝘀𝗲. 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗳𝗹𝗼𝗼𝗿, 𝘁𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗱𝗼𝗼𝗿 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝗹𝗲𝗳𝘁. 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗽𝘂𝗺𝘂𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗶 𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱, 𝗱𝗼𝗼𝗻 𝘀𝘆𝗮 𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶."

Kumunot ang noo ko nang maalala ang sinabi ni Helios.

Secret room...

Bumalik ang tingin ko sa pintuang pinasukan ko kanina. Yung lalaki kanina, wala namang kakaiba sakanya. Kahit sa buong kwarto ay wala naman akong napansin.

Napalis ang pagkakakunot ng noo ko.
Pero makalat ang buong kwarto, ang amoy ng alak kanina ay hindi lang amoy ng isang alak, maraming bote at baso na para bang may kasama sya doon bago nya pa buksan ang pintuan.

"Right.." Usal ko sa unti-unting paglinaw ng lahat. "It's not called a secret room, if you noticed it easily.."

Marahas akong napatingin sa seradura ng pinto nang mapansin ko ang paggalaw nun na parang may pumihit mula sa loob.
Tumakbo ako papunta doon at malakas yung sinipa pabukas.

"What the f-?!"

Kumunot ang noo ko.

Walang ibang tao kanina dito maliban sa lalaking makapal ang eyeliner pero hindi na sya ang kaharap ko ngayon at ibang lalaki na. Walang pumasok kanina at wala rin lumabas, kaya paanong..

"Shit." Mahinang sabi nito

Bago nya pa maisara ulit ang pinto ay malakas ko na syang itinulak papasok at sinundan ng malakas na suntok sa pisngi bago pa sya makabawi sa pagkagulat. Natumba sya sa sahig kaya mabilis ko syang kinubabawan at mariing itinukod ang tuhod sa dibdib,
"NASAAN SI TREY!?" May panggigil nang tanong ko.

Mariing syang umiling at itinikom ang bibig. Sa ginawa nya ay alam kong may alam sya.
Hinaklit ko sya sa kwelyo at hinila patayo, doon ko napansin ang isang malaking picture frame sa likuran nya. Mula sa kisame hanggang sa sahig ang taas nun. Gaya sa entrance ng resort, litrato iyon ng isang lalaking nasa karwahe at hila ng apat na kabayo, nasa ibaba ng litrato ang pangalang 'Helios' na nakasulat sa greek.

Dahil nawala ang atensyon ko sakanya ay hindi ako nakailag nang ako naman ang suntukin nya sa pisngi.
Napaatras ako pero agad na nakaiwas nang akma nya ulit akong susugurin at napangiwi sa kirot na sumirit sa gilid ng labi ko.

"Come on, dude. Just go out and I will forget you were here." Sabi nya

Ngumisi ako at napasulyap sa mga figurine na nasa vanity mirror. Maliliit ang mga iyon pero mabibigat.
Napatingin rin sya doon at nang maintindihan kung ano ang gagawin ko ay bumakas ang pagkabahala sa mukha nya.

"Y-you don't have to go t-that far.." Nauutal na sabi nya habang nakaharang ang mga kamay sa mukha

Dinampot ko ang isa at initsa paitaas at sinalo ulit.
"Kung sasabihin mo sa akin kung nasaan si Trey, hindi ito mababasag sa ulo mo."

Napalunok sya saka nanginginig ang kamay na sinensyas ang litrato sa likuran nya.

"Labas." Sabi ko.

Nakatingin sa akin na dahan dahan syang naglakad habang nakataas parin ang dalawang kamay hanggang sa tinakbo na nito ang distansya ng pinto at nagmamadaling lumabas.

Hawak ang figurine ay lumapit ako sa malaking picture frame. Inangat ko iyon mula sa dingding at hindi nga ako nagkamali dahil sa likod ng litrato ay ang isang kasing sukat nitong pintuan.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now