****

170 9 1
                                    

Sa bilis na 150 kilometer per hour ay mabilis naming narating ang Patapat Viaduct na isa rin sa mga tourist spot ng Ilocos Norte. Pagkalagpas nami  dito ay mararating na namin ang Pagudpud.

Mabilis na inalis ko ang helmet na suot ko at manghang dinama ang malamig na hanging humahampas sa mukha ko.

Ang malawak na asul na dagat at mga maliliit na isla ay kitang kita na gugustuhin mo munang tumigil at tumitig. Mga bagay na bihira lang kung makita sa Maynila.

Kinalabit ko sya sa balikat nang may madaanan kaming mga sasakyang nakatigil at kumukuha ng litrato. Konti nalang ay madilim na at siguradong hindi na namin makukuhaan sa litrato ang dagat.

"Tumigil muna tayo!" Pasigaw na sabi ko nang mangangalahati na kami sa tulay.

Mukhang wala talaga syang balak tumigil at tumingin man lang sa paligid!

Nakahinga ako nang maluwag nang bumagal ang pagpapatakbo nya at iginilid ang motor.
Agad akong bumaba at pumunta sa gilid ng tulay.

"Angganda diba?" Nakangiting tanong ko sakanya nang alisin nya ang helmet nya.

Tipid ang ngiting tumango sya at tumingin sa akin.

"Let's take a picture." Sabi ko saka kinuha sa bulsa ng jacket ko ang cellphone.

Biglang lumikot ang mga mata nya at umatras ng isang hakbang.
"I'll...I'll just take your picture." Aniya saka akmang kukunin ang cellphone pero inilayo ko iyon sakanya

"Sinong may sabi na ako lang ang kukuha ng litrato? Come here." Natatawang aya ko sakanya.

Napakurap sya habang mahigpit ang hawak sa helmet.

Napahawak sya sa ulo at umiling
"I don't like taking..pictures." Aniya

Inabot ko ang kamay nya at pwersahan syang hinila.
"Can't you do it for me?"

Napangisi ako nang hindi sya sumagot
Mahigpit na inakbayan ko sya at tumalikod sa dagat.
"Smile!" Udyok ko sakanya saka ngumiti sa camera.
Matapos ang ilang click ay kumunot ang noo ko nang makitang wala man lang syang kahit anong ekspresyon.

"Gio-" Tawag ko sakanya pero nasa motor na ulit sya at naglalagay ng helmet.

Napabuntong hinininga ako at matapos tingnan ulit ang litrato ay naglakad na ako palapit sakanya.
"Malapit na tayo, wag ka nang mag helmet." Sabi ko kaya isinabit nya nalang iyon sa  kaliwang manibela.

"You know you're the boss." Aniya bago pinaandar ulit ang makina.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakita na namin ang malaking arko na may nakasulat na pangalan ng Pagudpud.
Tuluyan nang lumubog ang araw pero ang araw namin ay magsisimula palang.

********

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now