*****

344 19 0
                                    

"Gambling house?"
Tumayo ako at sinundan sya sa kusina.

"Yeah, a gambling house." Sagot nya habang naghuhugas ng kamay. Mabilis na tinapat nya iyon sa hand dryer at ipinagpag ang mga natirang tubig.

"Hindi ba senador si William Marfori?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Alam ko na marami syang ginagawang hindi maganda pero hindi ko inaasahang isasama nya  pati si dad

"And?"

Nalukot ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay wala lang sakanyang may ilegal na pasugalan ang tatay nya!
At imposibleng maliit lang iyon, dahil kung lalagyan ko ng presyo ang mga sasakyang nakaparada kanina, siguradong mas mahal pa ang halaga nun kesa sa halaga ng buong building ng The Farm

Tinapik nya ako sa balikat.
"Let's sleep."

Fuck! Matapos ang mga sinabi nya sakin, gusto nya nalang matulog?!

"Gio-"

"Let's not talk about it. Because I already gave you enough information."

Sandali akong naguluhan at hinawakan sya sa braso.
"Information for what?"

Gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa mga labi nya.
"You really love asking questions you already know the answer to."

Nilagpasan nya ako pero sinundan ko sya at nakitang nilagyan nya ng dalawang unan ang kama.
"Let's sleep." Lingon nya sakin saka binuksan ang lampshade.

Napamaang ako.
"Saan ka matutulog?"

"Where do people sleep?"

"Wag mong sabihing dito ka sa-"

"Hindi ako aso para matulog sa sahig at hindi rin ako bisita para matulog sa couch." Naghubad sya ng T-shirt at nahiga sa kama. "I'm the owner of this house so I will sleep in the bed."

Humakbang ako palapit at akmang kukunin ang unan,
"Kung ganon ako nalang ang-" Pero hinawakan nya ang kamay ko at bahagyang hinila.

"With you." Sabi nya sa tono na parang wala akong karapatang tumanggi.

Mabilis na binawi ko ang braso ko.
"Bisita ako dito, kaya sa couch ako matutulog." Matigas kong sabi.

Hindi sya umimik nang kunin ko ang unan at maglakad papunta sa couch.

"Fine." Bumangon sya at kinuha ang remote ng aircon. "You sleepwell."

Nagtagis ang panga ko nang isinagad nya ang lamig kahit alam nyang wala akong kumot, bumalik sa higaan at nagtalukbong.

Mahina akong napamura at padabog na inilagay ang unan sa sofa saka patalikod sakanyang nahiga.

Hindi ko alam kung kanino ako unang magagalit,
kay William Marfori na mas dumarami pa ang kasalanan sakin, sa magaling kong ama o sa kasama ko ngayon na hindi ko lang tinabihan ay gusto pa yata akong patayin sa lamig!

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon