Chapter 21

282 21 0
                                    

Sa loob ng aking BMW Sedan

*

"Welcome to Ilocos Norte." Nakangiting bati saamin ng isang lalaking nakasuot ng itim na semi-formal suit sa airport pagkarating namin. May nakasulat na initials ng shipping company ng mga Sy sa maliit na name tag na nasa bulsa ng suot nyang coat.

Napakabilis lang ng naging byahe namin at napaaga pa nga kaya mag aalas-sais palang ng gabi ay nakarating na kami.

"Thank you." Ani Lucas saka naglakad na papunta sa isang Mercedes-Benz na naghihintay sa amin.

Umakbay sa akin si Jax kasunod si Ryu.
"This should be good." Aniya.

Ngumiti lang ako at lumanghap ng hangin. Agad kong naamoy ang pinagkaiba ng hangin dito kumpara sa hangin sa Maynila.

Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa sasakyan at ilang dipa nalang kami mula roon nang may humintong isang itim na 2022 BMW M5 Sedan sa likod ng Mercedes-Benz. May ilang napatigil at napalingon pa dahil sa gara ng mga kotseng nakaparada.

"Nice car." Ani Lucas sa BMW bago pumasok sa sasakyan namin.

Sinulyapan ko lang iyon at sumakay na rin sa kotse. 5 seater kaya sakto lang kami sa loob.
Sa hotel na kami di-diretso kung saan kami matutulog bago ang birthday ni Trey bukas.

"Gio Marfori is really something." Natatawang sabi ni Jax pagkaupo nya.

Tiningnan ko sya sa bigla nyang pagbanggit sa pangalan ni Gio.
"Bakit?"

"Nothing. I just noticed he's the one driving that BMW."

Kumunot ang noo ko,
"What?"

Sunod sunod syang tumango.
"The windows are not tinted. So it's easy to recognize the driver. And a guy like that.." Natawa sya. "..it's impossible not to recognize a face like that."

Lumingon ako sa likod at nakitang nandoon parin ang BMW.

"Let's go." Sabi ni Lucas sa driver.

Ibinaba ko ang bag na hawak ko at muling napalingon sa sasakyan nang umandar na ang makina.

Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang wala naman syang text o tawag.

Hindi naman siguro sya nandito dahil sa akin?

"Where's Ryu?" Tanong ni Jax.

Saka nama bumukas ang pinto sa gawi ko at dumungaw si Ryu.
"Kenzo, saglit." Aniya habang nakakunot noo saka ako sinenyasang lumabas.

"Bakit?" Tanong ko pagkalabas ko ng sasakyan.

Sinenyas nya ng ulo ang nakaparadang BMW.
"Someone is looking for you." Tinapik nya ako sa balikat.
"Men should always choose the nicer car if they have a choice." Umangat ang gilid ng labi nya at pumasok na sa Mercedes-Benz.

Napamaang ako nang bumusina ang sasakyan at umandar na paalis. Saka naman bumusina ang BMW.

Paglingon ko ay nakita ko ang driver na nakasuot ng sunglasses. Kahit hindi ko makita nang maayos, alam ko na agad kung sino iyon.

Napangisi ako at naglakad papunta sa kotse.
Nang bumaba ang salamin sa tabi ng driver's seat ay ipinatong ko ang braso sa gilid ng pintuan at dumungaw sa driver.
"Excuse me, sir. You have a nice car. Can I ride?"

Nahuli ko ang bahagya nyang pag-ngiti.
Tinanggal nya ang sunglasses nya at narinig ko ang pag unlock ng pinto,
"Get in."

Umayos ako ng tayo at pumasok sa sasakyan.
Sumalubong sa akin ang magandang interior ng sasakyan nya at ang pamilyar na amoy ng pabango.
"Miss me?" Tanong ko habang nakadukwang sakanya. Isang dangkal lang ang layo ng mukha ko sakanya pero nang lumingon sya ay naging kalahati nalang.

"Yes." Diretsong sabi nya.

Kumabog ang dibdib ko nang ngumiti sya.

His smile is very breathtaking.

Napatingin ako sa labi nya at tumaas ang dalawa nyang kilay nang hindi ko napigilang halikan sya nang mabilis sa gilid ng labi.

"Welcome to Ilocos Norte, Mr. Oliveros." 

"Thank you, sir." Sagot ko.

Nang paandarin nya ang makina ay sabay pa kaming napangiti at inabot ang kamay ng isa't isa.

*********

( * To Be Continued *)

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now