*****

331 18 0
                                    

Gio softie

*

Walang imikang nakaharap lang kami sa isa't-isa matapos humupa ang emosyon. Tahimik na ang kwarto at tanging kampanteng paghinga nalang namin ang maririnig.

"Are you jealous of him?" Pabulong na tanong nya habang mabagal na hinahaplos ang braso ko.

"I am." Sagot ko.

Mahina syang natawa.

Tumaas ang kamay nya sa ulo ko at napapikit nang laruin nya ang buhok ko.
"But I only have my eyes on you..."

Bahagya akong napangiti.
"You're lying."

"That day when I saw you.." Napamulat ako nang lumambot ang boses nya. "I smiled." Humugot sya nang malalim na paghinga,
"I thought the only one who can make me smile...is my mother. But when I saw you, I smiled." Tumingin sya sa akin na may ngiti sa mga mata.

"Gusto mo ba 'ko?" Wala sa sariling tanong ko.

Natigilan sya bago natawa.

"What?" Tanong ko saka sya hinawakan sa pisngi at pinaharap sakin. Napangiti ako habang nakatingin sa pagtawa nya.

"I don't like you." Tipid ang ngiting sagot nya. "Because what I'm feeling right now..." Napatigil sya at parang biglang nag alinlangan sa sasabihin.

"...is more than that."

Unti-unting napawi ang ngiti ko sa narinig at tumingin lang sakanya, sa bawat pagkurap ng mga mata nya at sa bawat kislap na nagmumula roon.

Sa pangalawang pagkakataon, nakita ko syang
mahina.. wala ang tinatagong galit sa mga mata at nakangiti na hindi ko nakikita kapag iba ang kasama nya..

Lumapit ako sakanya at marahan syang hinalikan sa mga labi.

Gio Marfori..

Did I finally...unravel you?

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon