******

249 14 0
                                    

EARLIER| SOMEONE'S POV

*

Nang maihatid ang pagkain sa bahay at makitang tulog pa si Kenzo ay agad ring umalis si Gio at tinawagan si Helios. Sa mga oras na ganito na may gusto syang ipahanap, wala syang magagawa kundi ang humingi ng tulong dito.

"Yes, boss. Nasa Benelli Shooting Range si Miguel Tiangco. Nirentahan ang buong lugar kaya makakapasok ka lang kung meron kang appointment."

"Gawan mo ng paraan."

Narinig nya ang marahas nitong pagbuga ng hangin.
"Dude, sino naman ako para makipag kita kay Miguel Tiangco?"

Napakamot si Gio sa kilay at napatiim bagang,
"Tawagan mo si Ross at sabihan mong gawan nya ng paraan. I need it, NOW!"

"Copy." Mabilis nitong sagot nang hindi nya itinago ang inis sa boses.

Nang maputol ang linya ay pinasibad nya ang kotse papunta sa lugar na binanggit ni Helios. Sa labas ng mataas na gate at bakod ay makikita agad na malawak ang nasa loob nun. May ilang guards sa labas na alam ni Gio na ang ilan ay bodyguards ng VIP na nasa loob.

Hindi sya bumaba sa kotse at hinintay ang tawag ni Helios. Sumindi sya ng isang sigarilyo habang pinagmamasdan ang gate. Maririnig sa labas ang mga putok ng pistol. Paisa isa at galing lang sa iisang tao.

Tumunog ang cellphone kasabay ng pang huling hithit nya sa sigarilyo.

"Boss, hindi mo na kailangang magpakita ng appointment card. Tinawagan na ni Ross ang may ari at sinabing pupunta ang anak ni Senator Marfori. Pumayag si Miguel Tiangco na may gumamit sa isang firing lane pero hindi nya alam kung sino." Ani Helios

Nakahinga nang maluwag si Gio.
"Thank you."

"No worries."

"Helios." Mabilis nyang tawag dito.

"Boss?"

"May ginawa ka ba kay Kenzo kagabi?"

Nakarinig si Gio ng pigil na pagtawa,
"Boss, malalaman mo rin yan magtiwala ka sakin. Kapag naramdaman mong lumuwag, ibig sabihin meron akong ginawa."

"SON OF A BITCH!"

Malakas itong humalakhak ,
"Sige, boss. May kailangan pa akong gawin."

Malutong na napamura si Gio bago ibinato ang cellphone sa dashboard.

Bastard!
You'll see. Leeg mo ang lalaslasin ko oras na malaman ko na may ginawa ka kay Kenzo.

Kinuha ni Gio ang sunglasses sa dashboard at kalmadong isinuot. Kaswal na bumaba sya ng kotse at naglakad papunta sa gate kung saan agad na may humarang sakanya.

"Sir, pasensya na pero sarado po ang-"

"I'm Gio Marfori. Senator Marfori's son." Seryoso at kunot noo nyang pakilala.

Hindi nya iyon ginagamit kahit saan pero iba ang sitwasyon ngayon.

Nanunuring tiningnan sya ng guard mula ulo hanggang paa at pinindot ang suot na earpiece.
"Nandito ang anak ni Senator Marfori."

At ilang segundo lang mula sa pakikinig sa kung sinumang kausap nito,
"Pwede na po kayong pumasok, sir." Sabi nito sa mas magalang na tono

Tinanguan nya ito at nilagpasan.
Bago pa makausap ni Kenzo si Miguel Tiangco ay sisiguraduhin nya munang hindi iyon malalaman ni Beatrix Soleil. Baka kung ano na namang kasinungalingan ang sabihin nito kay Kenzo.

"Welcome to Benelli, sir." Salubong sakanya ng isang babaeng naka puting polo shirt at  visor hat. "Please follow me."

Dumaan sila sa makitid na hallway at lumusot sa isang pinto kung nasaan ang firing range. Air-conditioned at kulob pero hindi soundproof ang mga pader. Wala ngang ibang tao maliban sa isang may edad na lalaking nakatayo sa pangatlo sa limang firing lane, mag isa lang ito pero may apat na bodyguards sa hindi kalayuan.

"This is the only lane available, sir. You can choose your preferred guns in the shelves and-"

"It's okay. I know what to do. You can leave." Putol ni Gio sa babae.

Kimi itong ngumiti at tumango,
"O-okay, sir. Enjoy."

Tumingin ako sa mesang nasa katabi ni Miguel Tiangco na may dalawang air pistol.

Nang damputin nya ang isa sa mga iyon ay agad na tumigil ang mga putok na nanggagaling sa baril ng lalaking kaharap at ang paglapit ng isa sa apat na bodyguards.

"Anong ginagawa mo?" Maangas na tanong ng bodyguard. Nakahawak ito sa braso ni Gio na may hawak sa baril.

Nag angat sya ng tingin at tumingin kay Miguel Tiangco na mataman syang tinititigan na para bang pilit syang kinikilala.

"It's been a while, Mr. Tiangco." Nakangiti nyang bati sa lalaki na agad na nabahiran ng rekognasyon ang mukha.

Kumunot ang noo nito,
"Aren't you the only son of Senator William Marfori?"

Ngumiti si Gio,
"Yes, sir. I am." Pasimple nyang binawi ang braso sa bodyguard at inilahad ang kamay kay Miguel. "I'm Gio Marfori."

"Nice meeting you." Magiliw ang ngiting tanggap nito sa kamay nya at napatingin sa baril na hawak nya. "You like that gun? You can use it."

Tumango si Gio.
"Do you mind?"

"No, not at all. Go ahead."

Tumango tango si Gio at kinasa ang baril.
"I saw you having a meeting with my dad last week." Sabi nyang nakatutok ang tingin sa target. Ibinaba nya ang baril at tumingin sa shooting glasses na nasa mesa.

"Oh." Lumingon ito sakanya at tipid na ngumiti. "I am...planning to acquire that store."

Palihim na nangngalit ang panga ni Gio at isinuot ang shooting glass.
"Do you do this often, sir? Firing a gun?" Pag iiba nya sa usapan.

Narinig nya ang pagkasa nito sa baril.
"No, not that often. Kapag may oras lang at gustong maglibang."

"You do this alone?" Humarap si Gio sa target at tinantya iyon.

*BANG!*

"Nice shot." Puri sakanya ni Miguel nang makitang muntik na syang maka-bullseye

Tipid na ngumisi si Gio.
"That's weird. I don't like touching guns because I might fire it to innocent people."

"That's why we are in a shooting range. You can fire it to anything when you're here."

"Like this?"
Agad na naalerto ang mga bodyguards ni Miguel Tiangco nang iangat nya ang kamay at itutok sa huli.

Hindi man lang nabahiran ng kahit anong takot ang mukha nito bagkus ay biglang naging seryoso malayo sa nakangiting mukha nito kanina.
"What do you want?" Tanong nito na para bang alam nang may iba pa syang pakay maliban sa mag aral bumaril.

Ngumisi si Gio at ibinaba ang hawak na baril.
"Someone wants to talk to you."

Gaya nya ay kalmado rin nitong binitawan ang hawak na baril.
"Who?"

"I will bring him here so I'll go ahead and you wait here." May bahid ng otoridad na turo nya sa mas nakakatatandang lalaki.

May halong pagkaaliw na tumingin lang ito sakanya.

"And make sure to answer him honestly. That's all you can do to redeem yourself after what you did more than 10 years ago."

Napalis ang kaunting ngiti ni Miguel Tiangco sa narinig at matamang tiningnan si Gio.

"Tell him lies, I will tell everyone that one time in your life, you drugged two people and tolerated someone to abuse her child. Everyone will believe me, do you know why?"

Naningkit ang mga mata ni Miguel nang lumawak ang ngisi ng binata.

"Because I was there, that night, when you gave that testing bottle to my father."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora