Chapter 2

621 30 4
                                    

GIO

*

"Kenzo, diba kasama ka sa mga nagtago nung mga mono block chairs sa gymnasium? Pwede bang pakuha?" Tanong ni Hershey nang makasalubong ko sya sa corridor.
School president.

Tinaasan ko sya ng mga kilay.
Mono block chairs?

Kakarating ko lang sa school at sya agad ang nakita ko.

"Kenzo, please. Favor naman.." Pumungay ang mga mata nya at humaba ang ngusong puno ng lipstick.

Mahina akong natawa habang pasimple syang sinusuyod ng tingin. Matangkad, maputi, maganda. Kilala bilang IT girl ng school.

EX ng lahat.

"Pwede ko namang kunin. Pero magkano?"

Pumisil ang kamay nya sa braso ko. Sumandal din sya sa balikat ko at nilaro ang kwelyo ng damit ko.
"Kailangan ba may bayad? Bubuhat ka lang naman ng upuan eh, gusto mo samahan nalang kita?"

Nahuli kong napangiti sya nang umakbay ako sakanya.
Hinawakan ko ang hibla ng buhok na nasa balikat nya at dahan dahang inamoy.

Cheap shampoo.

"I'm not talking about the chairs, I'm talking about how much is your one night if I want you to spend it in my bed?"

Nanlaki ang mga mata nya at napaatras ako ng malakas nya akong itulak.
"What are you talking about?"

Sarkastiko akong ngumisi.

"Asshole!  Tingin mo papatulan kita?"

Pasimple ko syang hinaklit sa braso.
"Why not? That should be my line. Tingin mo ba papatulan kita? At ano naman ang gagawin ng mga monoblock chairs sa gymnasium?"

Napalunok sya at umatras.

"Alis." Mariing sabi ko matapos syang bitawan.

Walang lingon lingon na mabilis na tumakbo sya palayo.

Napapailing na inayos ko ang kwelyo ko at pumihit papunta sa talagang pupuntahan ko bago nya ako hinarang.

Do you really have to stoop down that low?

******************

"Kenzo, son? Where are you?" Tanong ng boses sa kabilang linya.

"School."

"Oh, right. Do you want to have dinner with me? I'm with the Tiangcos, you know, gusto kang makilala ng youngest daughter ng Tito Miguel mo.."

Puno ng disgustong nalukot ang mukha ko.
"No, thanks, Ma. Kasama ko sina Ryu mamaya."

"Ryu? The son of-"

Pinatay ko na ang tawag dahil alam kong pipilitin nya lang akong pumunta. Isang Tiangco ang boyfriend nya. Mayaman at prominenteng pamilya.
Hindi ko alam kung bakit gusto nyang ligawan ko ang anak ng lalaking yun.
Binabalak nilang magpakasal tapos gusto nyang maging syota ko ang magiging kapatid ko?
Anong klaseng kademonyohan yan?

Pumasok na ako sa gym at inilibot ang paningin.

Walang tao.

Pero may mga monoblock chairs.

Shit.

Biglang dumaan ang konsensya ko nang maalala si Hershey pero agad ring nawala.
Kung gusto nya lang humingi ng pabor, bakit kailangan nya pang sumandal sakin at laru-laruin ang kwelyo ko?
Kasalanan nya yun.

Umakyat ako sa bleacher at pumili ng magandang pwesto para matulog.

Saka ko lang napansin ang isang lalaking naka-earphone sa pinakadulong upuan. Tutok na tutok sya sa cellphone nya at hindi man lang ako namalayan.

Lagi ko na syang nakikita. Madalas pa nga, nakakasalubong ko sya. Pero hindi ko alam ang pangalan nya.
Hindi sya sikat, o baka hindi ko lang talaga sya kilala dahil madalas akong absent.

Imbes na humiga na para matulog ay bigla akong na-curious sa kung anong pinapanuod nya na ganon nalang kumuha sa atensyon nya.
Nakaupo sya pangalawa sa pinakataas na layer kaya may isa pang layer sa itaas nya.

Nakangising inakyat ko iyon at dahan dahang pumunta sa mismong likuran ng lalaki.

Bigla kong nalanghap ang pabango nya.

Expensive.

Dahan dahan akong sumilip sa cellphone nya at bumulong kahit alam ko na hindi nya ako maririnig,
"Masyado ka naman yatang busy."

Pero napawi ang ngisi ko at biglang napaupo nang makita ko kung ano ang pinapanuod nya.

"What the fuck?" Gulat na lingon nya dahil bahagya kong nasipa ang likuran ng upuan nya sa bigla kong pag upo. "W-Who are you?" Biglang namutla ang mukha nya saka mabilis na inalis ang pagkakasaksak ng earphone sa cellphone kaya biglang umalingawngaw ang mga ungol sa pinapanuod nya.

Sa labis na pagkataranta, imbes na i-off ang cellphone ay bigla nya iyong binato para tumigil.

Sa ginawa nya ay hindi ko napigilang matawa.

"Why the fuck are you laughing?" Inis na tanong nya.

"Why the fuck are you shy?" Natatawang balik tanong ko.

Kumunot ang noo nya at sumama ang tingin.
"None of your business."

Prenteng sumandal ako sa upuan habang nakangising nakatingin sakanya na padabog na nilalagay ang headset sa bag.
Hindi naman sya mukhang nahihiya, pero may takot sa mga mata nya.
Lumibot ang tingin ko sa mukha nya at masasabi kong hindi iyon normal dahil parang walang mali ang bawat parte.

"You have a hard taste. Do you want to fuck like that or be fucked like that?" Tanong ko na walang halong kahit ano dahil basta lang iyon lumabas sa bibig ko habang nakatitig parin sa mukha nya.

Sinuyod ko sya ng tingin.
Alam ko na mayaman sya dahil sa bag na dala nya na nagkakahalaga ng daang libo.

Wala akong nakikita kahit konting lambot sa kilos nya. Kaya alam ko na agad na hindi sya ganon.

O baka...akala ko lang?

"Can't you mind your own business?" Inis na tanong nya saka naglakad na pababa ng bleacher.

Hindi ko na sya tinawag dahil alam kong hindi rin naman sya lilingon.

"Nanunuod rin naman ako ng gay porn. Kaya bakit ka nagagalit, ha?" Mahinang tanong ko bago sya nawala sa paningin ko.

Napapangising sumandal ako sa upuan.

Gaano kaya...kataas ang sex drive nya?
Papasok kaya sya mamayang gabi sa kwarto, mahihiga sa kama at hahawakan ang sarili habang iniisip na hindi nya kamay ang humahawak sakanya at kamay ng lalaki ring kagaya nya?

Pansamantalang nawala ang antok ko pero nagpasya paring humiga at piliting matulog.

Nang akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay may nahagip ako ng tingin sa inupuan ng lalaki kanina.

Nang abutin ko ay isang pabango.
Mamahaling pabango dahil sa brand at alam ko na agad kung sino ang may ari.

"Lahat nalang ba sakanya ay mamahalin?"

Inalis ko ang takip.

Nag spray ako ng isang beses sa likod ng kamay ko at inilapit sa ilong.

Napapikit ako nang pumasok ang mabangong amoy sa pinakasulok sulukan ng ilong ko na pakiramdam ko ay pumasok rin sa utak ko kaya kahit hindi ko na iyon maamoy pa ay alam kong hindi ko na yun makakalimutan.
Hindi pangkaraniwan ang amoy, parang sinadyang haluin hanggang sa makuha ang ganito kaperpektong bango na hindi mo na gugustuhong alisin pa sa ilong mo.

Sa pangalawang pagsinghot ko sa pabango ay dahan dahan akong nagmulat at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung ano ang nakahalo sa pabango kaya ganon nalang ang bilis ng pagtibok ng dibdib ko.

Muli kong inamoy ang kamay ko at tumitig sa pintong nilabasan ng lalaki kanina.

May naglalarong ngiti sa mga labing inikot ko ang bote at nakita ang nakaukit na pangalan,

"Gio."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon