Chapter 16

378 21 0
                                    

"Where are you going?" Tanong ni Gio matapos kong magbihis.

"May pupuntahan lang."

Umupo sya sa sofa habang hawak ang tasa ng kape.
Naka-simpleng jogging pants at puting T-shirt lang sya pero papasa na syang endorser ng kape sa TV sa itsura nya.

"Where exactly?"

"Personal matters." Sagot ko bago damputin ang bag na may lamang pamalit na damit.

"How personal?"

Sarkastiko akong natawa,
"Why do you want to know?"

Hindi sya umimik at nagpatuloy lang sa pag inom ng kape habang sinusundan ako ng tingin

"I have to go." Paalam ko bago naglakad papunta sa pinto.

Hindi na sya nagsalita kaya binuksan ko na iyon at lumabas.

Sa labas, habang hawak ang doorknob ay ilang sandali akong natigilan.

Bakit parang dapat sinabi ko sakanya kung saan ako pupunta?

Napabuntong hininga ako at binitawan ang pinto.

Bakit ba masyado akong nag aalala sa magiging reaksyon nya?
Wala naman sa usapan namin ang malaman ang galaw ng bawat isa. Hindi rin naman ako nagtatanong sakanya.

Bago ko pa maisipan ulit na pumasok at idetalye sakanya kung saan ako pupunta ay mabilis na akong lumayo sa pinto at pumasok sa elevator.

***********************
( 𝗧𝗶𝗮𝗻𝗴𝗰𝗼'𝘀 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 )

"Kenzo!" Mula sa main door ay napatingala ako sa mataas na hagdan kung saan nanggaling ang malakas na boses na iyon.

"Ma."

Gaya ng dati, magarbo parin ang suot nya. Parang laging may pupuntahang lakad. Kung magtatabi kami, hindi ako pagkakamalang anak nya.

"Glad you came." Nakangiting sabi nya bago ako niyakap. Mabilis na hinaplos nya ang buhok ko bago kumapit sa braso ko.
"Come, I'll introduce you to your Tito Miguel."

Hindi na ako umangal at nagpahila sakanya papunta sa kung saan.

Malaki ang bahay namin, pero mas malaki ang bahay ng mga Tiangco. Hindi na nakapagtataka dahil maliban sa maraming investment companies, isa rin sila sa may pinakamalaking wine distillery sa bansa. Kung saan co-founder si dad.

"Kenzo!" Tipid akong ngumiti nang makita ko si Hera na nakaupo sa pahabang dining table na pang labindalawang tao kasama ang isang may edad na lalaki.

Si Miguel Tiangco.

Agad na tumayo ang lalaki pagkakita sa amin.

"Kenzo, this is your Tito Miguel. Miguel this is my son, Kenzo." Pakilala ni mama.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang una naming pagkikita. Ang mabait nyang mga mata ay nandun parin, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon magawang pagkatiwalaan.

"Nice meeting you again." Sabi nya habang tipid na nakangiti. Inilahad nya ang kamay nya na agad ko namang tinanggap.

"Nice meeting you again, sir."

Iminuwestra nya ang mesa.
"Join us. We're having breakfast."

Hindi na ako tumanggi dahil hindi pa naman ako kumain sa bahay ni Gio. Hindi mabigat ang paligid, at gaya ng bahay ni Gio, mainit rin yun pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tirahan.

"So, did you receive my text?" Tanong ni mama matapos umupo sa kaliwa ni Miguel Tiangco habang ako ay naupo sa tabi ni Hera na agad akong kinalabit sa braso pagkaupo ko.

"Nice meeting you again." Sabi nyang puno ng sarkasmo ang boses.
Hindi ko sya masisisi dahil ang huling naaalala ko ay iniwan ko sya sa restaurant at pinagmaneho mag isa gamit ang kotse ko.

"What text?" Tanong ko matapos kumuha ng pagkain.

"That Hera will come with you today. Hindi pa sya tapos magsukat ng damit nya for our wedding. Right, Hera?"

"Yes, tita. Actually, parang hindi na po kailangan kasi baka may biglaang lakad na naman si Kenzo at bigla na naman akong iwan."

Napatikhim ako dahil sa pagpaparinig nya.

"Na naman?" Tanong ni Miguel Tiangco.

"Yes, dad. We've already met." Sagot ni Hera.

Tumango tango ang daddy nya.
"I'm glad that you guys are getting along with each other as brother and sister."

Muntik na akong mabulunan.
Brother and sister?

Good thing I didn't fuck your daughter.

"That's why I told him to visit more often. Para naman magkaroon tayo ng quality time." Sabi ni mama.

Miguel, "Your mom's right, Kenzo. You're always welcome here. You can live here if you want."

Rinig ko ang sinseridad sa boses nya pero hindi parin yun sapat para pumayag ako.

"Thank you, sir. But I also have a house." Sagot ko na bahagya nyang ikinatawa.

"Kenzo.." Saway ni mama.

"It's okay, Beatrix. Youngsters nowadays like to be independent. But in case you want to visit your mother, the door is always open."

"Thank you, sir." Sagot ko bago uminom ng tubig.

"So you are an accounting student." Aniya

"Yes, sir."

"That's a very good choice."

Marahan akong tumango.
Ilang sandali pa ay nagpatuloy ang mga tipid naming pag uusap habang ang dalawa naming kasama ay nakikinig lang at minsan ay may sarili ring usapan hanggang sa matapos kaming kumain.

"I preserved this for 10 years now.." Sabi ni Miguel Tiangco habang nakahawak sa isang bote ng wine. Matapos kumain ay inaya nya ako sa wine cellar na hindi ko naman tinanggihan. Puno iyon ng samut-saring bote ng alak. Nakakamangha at napakaganda. Ang amoy ay parang amoy ng isang alak na itinago ng ilang taon, naghalo halo hanggang sa naging isa at pumuno sa buong kwarto. Hindi ganon kabango pero hindi rin masakit sa ilong. Ang bawat bote na maayos na nakasalansan sa wine rack ay naglalarawan lang ng ilang taong paghihirap at tagumpay.

"I was the one who carefully picked and crushed all the grapes to make this wine." Tumingin sya sa akin nang diretso. "I'm giving this to you."

Bahagya akong nagulat at kumunot ang noo,
"But this is-"

"I heard you love drinking." Tipid ang ngiting tiningnan nya ang bote. "During my younger days, kagaya mo rin ako. Kami ng daddy mo. I had intended to give this to him but because of busy schedules, I never had the chance to do so." Inilapit nya iyon sa akin matapos ang malalim na pagbuntong hininga.

"Take it, there's a lot of hidden memories in that bottle." Mapait syang ngumiti. "Who knows, by drinking that, you might unfold something."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon