*****

290 17 0
                                    

SOMEONE'S POV

*

"Trey? You mean, Third Sy?" Takang tanong ni Shaun Ayala.

Tumango si Gio at inabot sakanya ang isang pulang invitation card.
"One of the sons of Xiang Jian Sy. Come with me in Ilocos."

"Sasabihan ko si Psyche at Hendrix. Nakasama na nila dati si Trey pumarty." Sabi nito. "Good thing he didn't hold a grudge against you when your father stole their stocks."

Malamig na natawa si Gio.
"Stole?"

Kumunot ang noo ni Shaun dahil sa nanunuya nitong tawa.

"Why?" Tanong nya.

Ngumisi si Gio.
"A gambler never makes the same mistake twice. It's usually three or more times."

Tumayo sya at kumuha ng dalawang canned beer sa ref. Initsa ang isa kay Shaun na nagtatanong parin ang mukha at naupo sa harapan nito.

"Wag mong sabihing ipinusta nila lahat ng shares nila sa poker?" Natatawang sabi nito pero agad ring napalis nang sumeryoso si Gio.

"His father goes all in when they played poker and bet all of that stocks. He started spreading rumors to cover up his name after that."

Nalaglag ang panga ni Shaun.
"What?"

"We tried to sell it again in a lower price for the sake of friendship and loyalty but they refused because of their stupid pride."

Napahimas si Shaun sa baba nya.
"Even my father doesn't know about that."

"Isn't that the reason why he didn't invest in our company?" Ngumisi si Gio. "My father is despicable but what I can guarantee you, he will never steal money."

Tumikhim si Shaun.
Totoong hindi nag invest sa company nina Gio ang daddy nya dahil sa ganong usap usapan na kumalat sa corporate world. Maliban doon, kilala ring tuso si William Marfori kaya marami ang naniwala at nag pullout ng shares sa kumpanya nito.

"Sorry about that, bro."

Hindi sumagot si Gio at nginisihan lang ang kaibigan.
"Let's meet at the airport the day after tomorrow."

Tumango si Shaun at nabaling ang pansin sa isang pares ng sapatos sa ilalim ng center table.
"By the way, Psyche told me about that guy." Aniya habang nakatingin sa sapatos. Alam nya na hindi iyon pagmamay-ari ng kaibigan.

Umangat ang dalawang kilay ni Gio.
"And?"

"Don't tell me he's living here with you?" Tanong nito. Nananantya kung ano ang isasagot nya.

"That's right."

"Why?"

"Why do you care?" Tanong ni Gio. Naglakad sya papunta sa kama hawak ang lata ng beer. "He's the son of Liam Oliveros, he also have the right to stay here."

"Saan? Dito sa unit mo?" Tanong nito. May paghihinala ang boses. "The Farm has a lot of space. Bakit kailangang dito sya sa kwarto mo?"

Mahinang natawa si Gio at kinuha ang electronic cigarette sa side table.
Tiningnan nya ang kamang may kaunting mga gusot at hindi nakaayos ang dalawang unan.

"Because I'm lonely..." Aniya saka idinantay ang dulo ng daliri sa unan ni Kenzo habang malinaw sa isip nya ang mukha nito kapag tulog. "And when men are lonely, they need someone to ease their sadness."

Ngumisi si Shaun habang nakatingin kay Gio.
"So he already made one of those lonely nights happy?"

Lumingon sakanya si Gio at bumuga ng usok. Ang ganoong itsura nito ay kahali-halina sa paningin nya.

Hindi ito sumagot pero sapat na iyon para masagot ang tanong nya.

"Alam ba ng daddy mo na nandito si Kenzo?" Tanong ni Shaun habang matamang nakatingin dito.

"Of course."

"He did nothing?"

"Wala akong pakialam sa mga ginagawa nya, kaya bakit sya makikialam sa mga ginagawa ko?" Umupo si Gio sa sofa at iminuwestra ang pinto. "Go home."

"What the hell?" Ani Shaun. Ngayon lang sya nito pinaalis sa bahay nito.

Natawa si Gio at ipinikit ang mga mata matapos isandal ang ulo sa headrest ng sofa.
"It's almost seven in the evening."

"So what?"

"Just go home." Mariing sabi nito.

Naiiling na tumayo na si Shaun at ibinato pabalik kay Gio ang invitation card. Alam nya kung ano ang ibig nitong sabihin lalo na nang bumukas ang pinto at kaswal na pumasok ang kanina lang ay pinag uusapan nila.

He is really the younger version of Liam Oliveros.
Dumaan lang ang mata nito sakanya at walang imik na nilagpasan sya.

"What a snob." May halong inis na sabi ni Shaun sa sarili. Lumabas sya at bago isarado ang pinto ay nakita nyang nakangiti ito kay Gio.

"I'm hungry." Sabi nito bago nya iyon tuluyang isara.

Hindi nya inaasahang magiging malapit ang dalawa sa ganon kaikling panahon.
Alam nyang interesado dito si Gio noon palang  pero hindi nya inakalang makukuha nito si Kenzo sa kabila ng mga nangyayari sa pagitan ng mga magulang ng mga ito.

Kahit saang anggulo nya tingnan, mayroong mali sa mga nangyayari o kung wala man, siguradong hindi rin magiging maganda ang kalalabasan nito.

*

END OF SOMEONE'S POV

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now