*****

236 15 0
                                    

Ang bigat ng pakiramdam ay biglang nawala nang makapasok kami sa isang palapag na bahay na may kulay dilaw na pintura. Katamtaman lang ang laki, isang set ng sofa, maliit na kusina at isang kwartong may isang kama.
Kabaliktaran iyon ng bahay nya sa The Farm. Kung sa 7th floor ay madilim, kulay itim ang pintura ng pader, dito ay puro maliwanag at magaan sa mata ang pintura, kahit ang mga gamit.

"It's a normal house. Nothing is special. Only you."

May mainit na humaplos sa puso ko.
"Sino ang pumili ng mga gamit?"

"Doesn't matter. Do you like it?" Isinandal ko ang ulo sa balikat nya nang yakapin nya ako sa likuran.

"Nagustuhan ko." Sabi kong may tipid na ngiti sa mga labi. "Maganda."

"Many stressful day will come. So I chose light colors to cheer you up during those times."

"Lover boy." Natatawa kong tudyo.

"Only to you."

Dahan dahan akong humarap sakanya. Sa isip ko ay ang kakuntentohang sya ang kasama ko ngayon.

Inangat ko ang kamay nya. Dahan dahan, hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Inilapit ko iyon sa labi ko at masuyong hinalikan,
"Thank you." Puno ng sinseridad na usal ko.

Hindi sya nagsalita pero punong puno ng mensahe ang mga mata nya, na kahit hindi nya ibuka ang bibig nya, ay maiintindihan ko kung ano ang nandoon.

Mahigpit ko syang niyakap,
"Gio Marfori.."

"Hm?"

"Akin ka lang, ha?"

"Always."

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghaplos nya sa likod ko.
"Do you trust me?" Tanong nya.

Tumango ako ng ilang beses.

"I trust you too. So don't worry about me and just do what you have to do.." Bulong nya

"Hug me to sleep.." Parang batang kumapit ako sa balikat nya.

Lumayo sya nang bahagya at masuyong ginulo ang buhok ko.
"You told me to stop spoiling you but here you are acting spoiled."

"Only to you."

Nang gabing iyon, ay tahimik kaming natulog. Hindi ko alam kung pareho lang kaming pagod o ramdam nyang wala ako sa huwisyong magsalita. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ngayong araw ay malalim parin ang naging pagtulog ko habang nasa loob ng mga yakap nya.

******

( End Of The Chapter )

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now