****

477 24 2
                                    

"Magtatanong ba ako kung kilala ko?" May bahid nang inis na sabi ko sa cashier dahil sa tagal nyang sabihin ang pangalan nung lalaki.

"I know, sir. But what I mean is, outside. Tingin ko nakita ko na kayong kasama si sir sa labas."

Natigilan ako dahil imposible ang sinasabi nya.
Ang una naming pagkikita ay sa gymnasium. At kami lang ang tao doon sa mga oras na yun.

"That's impossible. Isang beses palang kaming nagkikita. At hindi mo yun nakita."

Sya naman ang napakunot noo. Puno ng pagkalito ang mukha nya.

Ilang sandali pa,
"O-okay?" Napapaisip paring sabi nya na parang may inaapuhap parin sa isip bago muling ngumiti. "But, still, I'm not allowed to disclose any personal information. I hope you understand, sir. It's one of our rules."

Mahina akong napamura.
Bakit ba ang hirap nyang kumbinsihin?

"But rules are made to be broken."

"Sir, that phrase only applies to rich people. But I'm not rich. I can't afford to lose my job."

Napasinghap sya nang mariing haklitin ko ang braso nya.
"Just tell me his name. Pangalan nya lang ang kailangan ko. Hindi ko sasasabihing sinabi mo."

Sinubukan nyang alisin ang kamay ko sa braso nya.
"S-sir, kung hindi po kayo titigil, mapipilitan akong tumawag ng guard."

Lumingon ako sa dalawang guards sa pinto at napansing napapasulyap sila sa amin. Alam kong isang sigaw lang ng cashier ay hindi sila magdadalawang isip na kaladkarin ako palabas.

"Kung ayaw ng babae, wag mong pilitin."

Sabay kaming napalingon sa may ari ng boses na nanggagaling sa likuran ng cashier.

Lumagpas ang tingin ko sa balikat nya at diretsong tumama sa mga mata ng lalaking kanina lang ay gusto kong malaman ang pangalan.

"I heard you're asking for my name." Aniya habang hindi pinuputol ang tingin sa mga mata ko.

Nang magsimula syang maglakad papunta sa diresyon ko ay biglang dumaan sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng pabango.

Napatiim bagang ako bago napalunok.
Hindi ko alam kung bakit may partikular na parte ng katawan ko ang nabubuhay sa tuwing naaamoy ko ang pabango nya.

Gusto kong malaman..kung ano ang nilagay nya sa pabangong suot nya kaya ganon ang epekto sakin.

Pagbilis ng kabog ng dibdib, pagbilis ng paghinga at kakaibang pakiramdam.

The scent is...fucking addicting..

"Excuse me." Sabi ng cashier.

Ngayon ko napansin na naka-ordinaryo syang damit. Nakakapanibagong hindi sya makitang nakasuot ng school uniform. Ang buhok nya na laging maayos, ngayon ay kapansin pansin ang pagiging magulo. Pero kahit ganon, sa itsura nya ngayon, hindi ako magtataka kung mga babae na mismo ang unang lumalapit sakanya.

Nang makarating sya sa harapan ko ay inilahad nya ang isa nyang kamay.
"My name is Gio." Ilang sandali kong tinitigan ang kamay sa harap ko at akmang tatanggapin nang muli syang magsalita. "Gio Marfori."

Marahas na bumalik ang tingin ko sa mukha nya.

"Marfori?"

Umangat ang gilid ng labi nya at sya na mismo ang kumuha sa kamay ko.
"Yes, Marfori. Gio Marfori."

Nagtagis ang panga ko kasabay ang paghigpit ng pagkakahawak ko sa kamay nya.

Isa syang..Marfori.

"Nice meeting you." Bahagya syang ngumisi.

Hinablot ko ang kamay kong hawak nya at sarkastikong natawa.

Ang kaninang kagustuhan kong makilala sya ay unti-unting napalitan ng pagkadismaya.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now