Chapter 26

284 19 4
                                    

Crybaby

*

Sa pagmulat ng mga mata ko ay para akong bumalik sa mabaho, puno ng usok at maingay na lugar na napuntahan ko na noon. Awtomatikong sumama ang sikmura ko nang dumaan sa ilong ko ang usok ng sigarilyo.

"Look at your dad!"

Napapiling ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagtulak sa akin ni mommy mula sa likuran.

Madilim, pero kitang kita ko ang dalawang tao sa harapan ko.

Kilala ko ang isa sa mga iyon pero hindi ko nakita sa mukha nya ang recognasyon na nasa mga mata ko. Blangko ang mukha nya at bahagyang nakapikit ang mga mata.

"Does it feel good?"

Humigpit ang kapit ko sa kama sa narinig na boses galing sa lalaking nakapatong sa likuran ni dad.

"Does it feel good?" Ulit nito.

"M-mommy.." Hirap na usal ko.

Ang pamilyar na takot at pagkalito ang pumuno sa buong sistema ko.

Nasa harapan ko si dad at ang isang lalaki na parehong nakahiga sa sofa.

"D-don't-" Mabilis ang paghinga at pabaling baling ang ulo sa unan na pakiusap ko sa lalaki. Dama ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa nakikita.

Napaawang ang mga labi ko nang nakangising lumingon sya saakin. Matalim ang mga mata nyang nakatingin sa akin bago biglang bumangon.

"Engrave this in your mind, Kenzo. Never forget." Aniya saka dahan dahang ibinaba ulit ang katawan at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang marahas nyang ipasok ang pagkalalaki nya sa katawan ni daddy.

"Ahh!"

Napabalikwas ako ng bangon sa pagsigaw na iyon ni dad pero agad ring napahawak sa ulo dahil sa biglang pagkirot ng sentido ko. Para iyon mabibiyak sa sakit.
Mahigpit kong hinila ang buhok ko para maibsan ang sakit nun habang basa ng pawis ang mukha ko ganon rin ang likod ko.

That nightmare...never fail to take all of my strength..

Sa nanginginig na mga kamay ay inabot ko ang baso na nasa bedside table at parang ilang araw na hindi nakatikim ng tubig na sinaid laman. Gamit ang braso ay pinunasan ko ang mga natapon sa damit ko at kinalma ang paghinga.

"Engrave this in your mind, Kenzo. Never forget."

Halos mabasag ang baso sa higpit ng pagkakahawak ko.
Minsan ay may mga bagay akong hindi na naaalala sa mga nangyari noon pero ang marinig ulit ang boses nya sa isip ko ay parang bumibiyak sa isang parte ng utak ko at pilit na isinisiksik ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan.

"How I wish I never grew up, dad. How I wish I never understand what it was and never hated you.." Nakakuyom ang mga palad na sabi ko.

Halo ang emosyong umubob ako sa mga tuhod ko at mariing nakagat ang pang ibabang labi.

Alam ko na walang masamang nangyari sa akin. Maliban sa ulo ko ay wala nang ibang masakit sa akin. Malambot ang kamang kinahihigaan ko, rinig ang ugong ng air conditioner at amoy ko ang mabangong air freshener.

I'm safe and well.

Why?

Kahit ang isipin kung anong nangyari sakanya ay natatakot akong gawin. I'm useless. I'm fucking useless.

Nag angat ako ng ulo at napahilamos.

"Gio.."

Pilit akong bumaba sa kama kahit hindi ko maintindihan ang pakiramdam dahil sa hilo. Nang salatin ko ang likod ng ulo ko ay may nakapa akong nakatapal doon.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now