*****

267 19 0
                                    

"Pupunta ka sa Ilocos?" Tanong ni dad nang kumakain na kami. Ang planong sinangag at itlog ay naluto naman nang maayos kahit hindi iyon kasing sarap ng mga nabibili sa mga tapsilogan.

"It's my friend's birthday." Sabi ko.

"Who's friend? If you don't mind me asking."

"Third Sy."

Napaangat sya ng tingin.
"Third Sy..the son of Xiang Jiang Sy." Aniya at inangat ang baso ng tubig. "Are you close with him?"

Umiling ako.
"My friend is his brother, Joaquin."

"I see." Tumango tango sya at inilibot ang paningin. "How's your stay here?"

"Comfortable."

"How's Gio as a housemate?"

Tinapunan ko sya ng tingin matapos sumubo ng pagkain.
"Boring." Sagot ko at tipid na napangiti.

Mahina syang natawa.
"Gio is a good person."

Kumpara sa pinagsamahan naming dalawa, mas matagal silang naging magkasama ni Gio at wala akong magagawa doon.

"He grew up alone in this big, spacious and lonely 7th floor.." Aniya na napapabuntong hininga. "Seeing him letting someone enter his life is quite new to me."

"He's a good friend." Sabi ko habang nasa pagkain ang tingin. Ayokong isipin nyang higit pa doon ang meron saamin ni Gio kahit hindi ako sigurado kung wala pa ba iyon sa isip nya.

"Friend?" Agad nyang sabi.

Tumikhim ako.
"Y-yes. A friend."

Bahagya syang natawa at pinagpatuloy ang pagkain.
"A generous friend."

Palihim akong napangiti at sumubo ulit ng pagkain.

"Say it again." Aniya

Natigil ako sa pagnguya at nagtatanong ang mga matang tumingin sakanya,
"Say...what?"

"That you and Gio are just friends." Sabi nya

Nag iwas ako ng tingin at uminom ng tubig.
"Why?" Tanong ko pagkatapos.

"I just want a confirmation."

Nilaro ko ang pagkain.
"We're...we...we're just friends.." Tumikhim ako

Nagbaba ako ng tingin nang tipid syang ngumiti.
"I believe you. But sometimes we forget that when the mouth refuse to tell the truth, the eyes will speak."

***********

(* End Of The Chapter *)

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now