*****

346 21 1
                                    

𝗡𝗼𝘁 𝘀𝗼 𝘀𝘄𝗲𝗲𝘁 ~

*************

Bigla akong nagising dahil sa bigla kong pag ubo kasabay ng pagbahing.

Hindi ko alam kung anong oras na pero alam ko na hindi pa umaga.

Tiningnan ko ang itsura ko at nalukot ang mukha nang makitang hindi nya man lang ako binigyan ng kumot habang nasa kama sya at balot na balot dahil halos mag yelo na ang buong bahay sa lakas ng aircon

Dinampot ko ang unan at malakas na binalibag sakanya. Tumama iyon sa tabi nya na mabilis pa sa alas kwatrong sinandalan nya ng paa.

"Matapos mo akong patirahin dito, ganito lang pala ang gagawin mo?" Nagpupuyos ang loob na bulong ko pero agad ring napangiwi nang muling manuot sa katawan ko ang lamig.

Napaubo ako at napatingin sa wall clock.
Ala una na ng madaling araw. Mahaba pa ang gabi.

Wala akong unan.
At wala rin akong kumot.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kama.
Siguradong mainit ang ilalim ng makapal na kumot na iyon.

Fuck.

You really left me with no choice.

Tumayo ako at naglakad papunta doon pero muli ring bumalik sa sofa at naupo.

Tumayo ulit pero umupo ulit.
Hanggang sa mapagod ako at lalong nainis.

Damn it!

Pinilit mo akong tumira dito kaya may karapatan akong pumili kung saan matutulog!

Mabilis na sumampa ako sa kama at patalikod na hinila ang kumot nya.

Hindi pa umiinit ang katawan ko nang marinig ko ang mahina nyang pagtawa.
"What took you so long?"

Bahagya akong nagulat dahil gising pa sya kahit rinig kong inaantok ang boses nya.

"Akala ko ba gusto mo sa sofa?" Natatawang tanong nya.

"Fuck." Inis kong sabi saka mas binalot pa sa kumot ang sarili. Masyadong malamig para pagtuunan ko pa ng pansin ang pang aasar sa boses nya.

Muli akong napaubo nang ilang beses dahil hindi parin umiinit ang pakiramdam ko.

Pero bago ko pa maisiksik ulit ang sarili sa ilalim ng kumot ay naramdaman ko na ang mga braso nyang yumakap sakin.

"You should know by now, that my arms are better than these blankets." Bulong nya bago unti-unting uminit ang katawan ko dahil sa katawan nyang nakadikit sa likuran ko.

Hindi na ako umangal lalo pa at unti-unti nun naibalik ang antok ko. Wala akong naramdamang kahit anong pagkailang o hiya dahil mukhang hindi nya rin naman yun nararamdaman.

Humawak ako sa braso nyang nakapaikot sa tiyan ko at parang kumot na hinigpitan ko pa iyon.
"Then what took you so long?" Panggagaya ko sa tanong nya kanina na may bahid parin ng inis.

"Sino ba ang natulog sa sofa?"

"Sino ba ang nagpalakas ng aircon?"

"Now it's my fault?!"

"Kanino pa ba?"

"You refused to sleep with me."

"Then should I say sorry?"

Tumikhim sya at siniksik ang mukha sa batok ko.
"No need, you're already beside me. Let's just sleep because I'm very sleepy."

"Sino bang may sabi na wag kang matulog?"

"Then who will bring you to the hospital in case you died because of the cold?"

Malakas na hinampas ko ang braso nya sa tiyan ko.
"What an asshole."

Mahina syang natawa bago inaantok na nagsalita.
"Next time...just sleep with me...." Marahan nyang hinawakan ang kamay ko.
"I just need your warmth..is that..too much to ask?"

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ