****

211 17 0
                                    


"Bigat ng awra mo, bro." Ani Ross habang nakaupo kami sa pahabang couch sa balcony ng bar. Ako ang nauna dahil ako ang pinaka-malapit at hinihintay pa ang iba.

"Inom ka muna." Aniya saka iniusog sa tapat ko ang isang shot glass na may lamang vodka.

Tinanggihan ko iyon dahil bahagya akong tinamaan ng anim na beer kanina. Nasa first floor kami ng L3wdhole kaya tahimik at tanging mangilan-ngilang umiinom lang ang kasama namin.

"Problema ba yan?" Tanong nya.

Ipinatong ko sa armrest ng couch ang siko ko at nilaro ng daliri ang mga labi. Ilang ulit akong napabuntong hininga.
"Kumusta ang negosyo?" Bagkus ay tanong ko.
Sinuyod ko sya ng tingin at napansin ang mapungay nya nang mga mata at namumulang mukha. Mukhang kanina pa sya umiinom.

Nagkibit balikat sya at kinuha ang basong inaabot sa akin,
"Doing well.  Mas marami ang nagkakaproblemang mayayaman ngayon." Marahan syang tumawa, "Sa negosyo, pamilya, kahit sa politika. Lalo na at malapit na ang eleskyon."

Negosyo..

Sa sinabi nya ay bumalik saakin ang mga narinig ko sa The Farm.

Napatingin ako sakanya nang paulit-ulit nyang ibukas-sara ang takip ng hawak nyang lighter.

"What?" Nakangising nyang tanong.

"Hindi ba..naging kliyente mo dati si William Marfori?"

Natigil sya sa ginagawa at nanliit ang mga mata.

"Noong nasa Ilocos tayo, sabi mo pinabantayan ni William si Gio sayo."

Tumango-tango sya.
"That's right."

"Paano mo ba nakilala si Senator Marfori?"

Pahiga syang sumandal sa upuan at ipinatong sa mesa ang isang paa,
"Well, you know my dad. During their younger days, they are close friends. My father have this..long list of influential friends. Noong nagsisimula palang akong gumawa ng kumpanya, ang mga kaibigan ni Dad ang una kong niligawan. At isa na dun si Senator Marfori."

"Paanong niligawan?"

Nagkibit-balikat sya.
"Laro sa gambling house, pusta ng marami. Matunog ang apelyido ko dahil kay Dad kaya napansin nya ako kaagad at inaya ng one-on-one."

"Nai-kwento ko sakanya ang tungkol sa 'lost and found' agency ko at naging interesado naman agad sya. Hindi sya ang una kong kliyente pero isa sya sa pinaka-malaking magbayad."

"Unang beses, limang milyon. Sa pangalawa, dahil mas mahirap at medyo...delikado, sampung milyon."

Lalong nadagdagan ang kuryosidad ko.
"Dalawang beses syang may pinahanap sayo?"

"Pinahanap? Hindi nya pinahanap, pinasundan, oo." Inisang lagok nya ang alak habang nakamasid sa akin.

"Sino?"

Natawa sya na parang pinaparating na hindi nya iyon sasagutin pero lalo lang nun nadagdagan ang kagustuhan kong malaman ang sagot sa tanong ko lalo pa at alam ko na marami syang alam.

Kinuha ko sa mesa ang electronic cigarette nya at humithit ng isa, tinatantya kung paano ipagpapatuloy ang usapan.

"Let's drink." Aniya saka initsa saakin ang hindi pa bukas na bote ng classic beer. Siguradong malalasing ako kaagad kapag dinagdagan ko ang ininom ko kanina kaya matagal bago ko iyon ininom habang sya ay naubos agad ang laman ng isang bote.

"Paano kung ako naman ang may pasundan sayo? Papayag ka ba?" Tanong ko. Nagbubukas ulit sya ng isang bote.

Naningkit ang mga mata nya,
"Why not? Magkano ba ang laman ng bank account mo?"

Agad akong napaisip.
Sa tanong nya ay ngayon ko napansin na ilang buwan ko na rin yung hindi natitingnan,
"Huling tingin ko, nasa 60."

"60,000?"

"60 Million."
Alam ko na patuloy ang pag-deposit ng mga magulang ko ng pera sa account ko dahil noong mag isa akong nanirahan sa boarding house ay napansin ko na laging nadaragdagan ang pera kahit marami akong i-withdraw. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-withdraw dahil laging nilalagyan ni Gio ng pera ang wallet ko.

Napasipol sya at manghang natawa.
"Big time, Kenzo my friend."

Ngumisi ako at bahagyang dumukwang sakanya,
"Magkano ba?"

Winagayway nya ang kamay nya,
"Come on, dude. Magkaibigan tayo. Hindi problema saatin ang pera. Just tell me, and I will do it."

Umatras ako at umayos ng upo.
Isa lang naman ang gusto kong pasundan kung gugustuhin ko, pero mas may gusto akong malaman sakanya ngayon.

"Nagbibiro lang ako." Sabi ko.

Dire-diretso syang lumagok sa bote at isinenyas ang hawak kong beer,
"Nakadalawa na akong bote, pero hindi mo pa yan nababawasan. Wag mo akong dinadaya, bro. Uminom ka."

Mahina akong natawa saka uminom ng kaunti sa bote,
"Hinihintay ko lang sina Lucas."

Lumipas ang ilang minuto ay mas lalo pa syang nalasing na hindi ko alam kong sinasadya nya ba dahil sa sunod sunod nyang pag tagay ng tequila.

"Ikaw yata ang may problema, tol." Sabi ko na nakatingin sa mga boteng wala nang laman.

Kunot noo nyang tinuro ang sarili na parang pati sya ay naguguluhan,
"Ako? May problema?" Natawa sya at ilang ulit na tumikhim. "Ako nga ang umaalis ng problema ng iba, hindi ba?"

Malalim akong napabuntong hininga at tumingin sa entrance,
"Nasaan na ba sina Lucas?"

"Hindi na sila tutuloy." Kaswal nyang sabi.

Napamaang ako,
"Bakit?"

"Gusto kasi kitang masolo."

Napaatras ako nang umusog sya sakin at isinandal saakin ang halos lahat ng bigat nya.
"Ross." Saway ko sakanya.

"Kenzo, alam mo ba na paminsan-minsan ay naku-konsensya ako kapag naiisip kita?"

"...."

"Kasi may ginawa ako dati. At para kitang trinaydor dahil dun." Nakapikit nyang sabi.

Biglang kumabog ang dibdib ko,
"Ano ba ang ginawa mo?"

Mahina nya akong tinampal sa pisngi,
"Kung gusto mong malaman, bigyan mo pa ako ng alak."

Dahan dahan ko syang itinulak palayo hanggang sa makaupo sya nang maayos.

Kumuha ako ng tequila at pinuno ang isang mataas na baso.

"Inom."

Natawa sya at inilapit saakin ang mukha,
"Alam mo ba na napaka-gwapo mo nang sabihin mo yun?" Kinuha nya ang baso at diretsong ininom ang lahat ng laman. "Hindi na ako nagtataka na baliw sayo ang kaibigan ko."

Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang tinapik,
"Kenzo, this might be the last time you're going to see me so listen very carefully. What you're going to hear...is mind-blowing."

**********

( To Be Continued )

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now