*****

266 9 1
                                    

Comfort food

*

"Babe..."

"Hm?"

"Ilang...kutsara ba ng asin ang nilagay mo dito?" Malumanay kong tanong matapos humigop ng niluto nyang sinigang. Pinilit kong pigilang wag maubo dahil ayokong maalis ang ngiti sa mukha nya.

"Bakit? Matabang ba?" Aniyang pinapanuod akong humigop. Hindi pa sya tumitikim kaya mukhang hindi nya pa alam kung ano ang lasa ng niluto nya.
"Gusto mo bang dagdagan ko pa?" Inosenteng tanong nya.

Agad akong umiling at pinigilan syang tumayo,
"Wag!" Nagtatanong ang mga matang kumunot ang noo nya. "Masarap na." Nakangiti kong sabi.

Tinitigan nya ako bago muling naupo at ngumiti,
"Okay."

Bumalik ako sa pagkain at muling sumubo ng sinigang na agad kong sinundan ng malamig na tubig dahil sa magkahalong alat at asim na para bang kumain ako ng isang dakot ng asin at isang pack ng sinigang mix na tinunaw sa isang baso ng tubig.

Napatingin ako sakanya nang marinig ko ang pigil nyang pagtawa.

"Bakit?" Maang kong tanong.

Natatawang umiling sya,
"Kumain ka pa." Aniyang malawak ang pagkakangiti

Maang na kumunot ang noo ko pero ibinuka rin ang bibig nang sumandok sya ng sinigang at isubo saakin.
Hindi ko na naitagong hindi mapangiwi nang dumaan sa lalamunan ko ang maasim na lasa.

"What's wrong?" Natatawa paring tanong nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at mariing nagpunas ng bibig nang makahalata na ako sa kinikilos nya.
"You fuck-"

"Hahahaha"

Tuluyan syang napabunghalit ng tawa at napatayo para pigilan akong makalapit sakanya nang subukan ko syang abutin para batukan. Natawa na rin ako nang mahawakan ko sya sa dalawang brasong pilit nyang isinasalag sa bawat subok kong abutin ang ulo nya.

"Maasim?" Tumatawang tanong nya bago hawakan ang dalawa kong kamay at hilahin ako palapit.

Napakagat ako sa pang ibabang labi at hinawakan sya sa likod ng ulo,
"Bakit hindi mo tikman?"

Hinila ko sya at pigil ang tawang mariin syang hinalikan sa mga labi. Ibinuka ko ang bibig ko at pilit na ipinasok sa bibig nya ang dila ko, hindi nya naman iyon tinanggihan at ibinuka ang bibig nya kaya malaya kong naipasok sa loob ang natirang lasa ng sinigang.

Sa una ay nagbibiruan lang at nagtutuksuhan lang ang mga dila namin. Hanggang sa unti unting bumagal ang bawat paglapat ng mga labi namin at napalis ang mga tawa at ngiti.

Unti unting namuo ang init sa pagitan namin. Init na kinasabikan kong muling maramdaman,

at ang panunuksong sinimulan ko ay tuluyang nauwi sa kama.
Parehong nagmamadali ang mga kamay na maalis ang mga telang sagabal na madama ang init ng katawan ng isa't isa na ilang gabi ring hindi nagdikit at naglapat.

Tumayo ang lahat ng buhok sa katawan ko nang humaplos ang mainit nyang kamay sa kabuuan ko.
"Hmm..."

"You taste better than what I cooked..." Paanas na sabi nya matapos maglakbay ang dila sa leeg ko.

Ngumisi ako saka nanunuksong umungol sa tenga nya.
"Ahh ahhh.."

Agad na dumoble ang init ng katawan nya at lalong tumigas ang kanina pang bumubundol sa pagitan ng mga hita ko.
"Fuck-" Tiim bagang nyang usal saka ako siniil ng halik. Bahagya pang nanginig ang mga labi nya sa pagkasabik habang patuloy na ikinikiskis ang katawan saakin na mas lalo pang nagpapaalab sa apoy na unti-unting tumutupok saamin.

Sinalubong ko nang may kaparehong gigil ang bawat paghalik nya sa mga labi ko..

At nang may kaparehong init ang bawat pagsalubong nya sa katawan ko..

"Ahh.."

Ang bawat sabik at mariin nyang pagpasok sa loob ko,

"Kenzo..."

Ang bawat pagsigaw nya ng pangalan ko sa tuwing mararating nya ang sukdulan,

"Ahh...ahh.."

At ang paulit ulit nyang pag angkin sa katawan ko ay labis na nagpabaliw saakin hanggang sa ayoko na syang tumigil at gusto ko nalang na lalo pa syang galitin hanggang sa maubos namin ang buong magdamag.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now