Chapter 49

282 11 2
                                    

Just you and me again..

*

"We're home." Mula sa pananahimik ay napalingon ako sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na kami ng The Farm. Madilim na. "Everyone went home early so we're all alone tonight.." Aniya saka nag alis ng seatbelt, lumuwag rin ang seatbelt ko at nakitang inalis nya rin iyon sa pagkakalagay.

Napatingin ako sakanya at sa mga kamay naming magkahawak parin mula nang mag drive sya paalis sa seaside.

"Kung ganon...pumasok na tayo." Sabi ko na may tipid na ngiti sa mga labi.

Agad syang tumango at sabay na kaming lumabas ng kotse. Bago buksan ang pinto ng The Farm ay muli nyang inabot ang kamay ko.
"Baka umalis ka ulit.."

Bahagya akong napangiti at hinayaan syang hawakan iyon hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Wala kaming imikan.
Pasulyap sulyap lang sa isa't isa pagkatapos ay marahang matatawa at mahigpit na pipisilin. ang kamay ng bawat isa.

I found it...sweet...and cute.

"Ipagluluto kita." Biglang sabi nya bago kami pumasok sa bahay.

Hindi ko ipinakita sakanya ang pagkunot ng noo ko pero nahuli nya parin iyon.

"What? You don't like me to cook for you?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong nya.

Bahagyang tumagilid ang ulo ko,
"I didn't say that."

"Pero yung mukha mo....wala kang tiwala sa luto ko?"

Mahina akong natawa saka hinubad ang jacket ko at isinampay sa armrest ng sofa, hinubad ko rin ang tshirt ko at dinampot ang remote ng air conditioner.
"Wala akong sinabing ganon."

"Hindi mo kakainin ang niluto ko?" Dagdag nya na para bang may kinukumpirma.

Napapangiting ini-on ko ang aircon nang hindi tumitingin sakanya,
"Kakainin."

"Pano kung hindi masarap?"

"Kakainin pa rin." Sagot ko.

Nang lumingon ako sakanya ay may paghihinalang nakahalukipkip sya,
"Ang ibig mong sabihin, hindi ako masarap magluto."

Wala sa loob na natawa ako at ginaya ang pagkakahalukipkip nya.

Shit.........so cute.

"Gusto mo bang sagutin ko yan?" Nanunudyo kong tanong

Naningkit ang mga mata nya at humakbang palapit saakin,
"Yes." Sagot nyang parang naghihintay ng hatol mula sa mga judges ng Master Chef.

Nang nasa harapan ko na sya ay malawak akong napangiti at hinigit sya palapit sa magkabila nyang bewang.

Gumuhit ang ngiti sa labi nya at humawak sa magkabila kong braso.

"Hindi masarap ang luto mo." Sabi ko.

Tumaas ang dalawa nyang kilay at tumatango tangong hinintay ang sunod kong sasabihin.

Ngumisi ako at gigil na hinalikan sya nang mariin sa labi,
"Pero ikaw masarap."

Napawi ang ngiti nya sa labi pero nandoon parin ang kislap ng mga mata. Masuyo nya akong pinagmasdan bago lumipat ang kamay sa gilid ng ulo ko at magaang humaplos,
"I know." Aniyang walang kangiti ngiti. Idinikit nya ang katawan saakin hanggang sa wala nang daraanan ang hangin sa pagitan namin. Bumagal ang paghinga ko, hindi dahil sa higpit nang pagkakahila nya saakin kundi dahil sya ang kaharap ko at katawan nya ang nakadikit saakin, mga simpleng bagay na sakanya ko lang nararanasan.

"I'm happy...to see that look in your eyes again."  Aniyang bakas ang saya sa mga mata.

"What are you seeing?" Pabulong kong tanong, sa puso ko ay ang kakuntentuhan at kapayapaang ngayon ko lang naramdaman.

"I'm not sure but...I like it." Aniyang may pagdadalawang isip sa boses.

Napangiti ako at magaan syang hinalikan sa gilid ng labi,
"It's you, stupid. All I can see right now is only you, and what you're seeng in my eyes..is my love for you...I'm glad you like it."

Bahagya syang lumayo at napapakurap na tumitig saakin nang ilang segundo.

Napakunot ako nang bigla syang mapahawak sa dibdib nya bago napapatikhim na nag iwas ng tingin.

Natawa ako sa reaksyon nya at bumitiw sakanya,
"Ano nga ulit ang iluluto mo?" Pag iiba ko sa usapan habang naaaliw na nakamasid parin sakanya.

Napapatikhim na napakamot sya bago hindi mapakaling tumalikod,
"I...forgot. L-let me check it for you." Aniya saka naglakad papunta sa kusina.

Nakangiting namulsa ako at napapabuntong hiningang sinundan sya ng tingin nang mahuli ko syang napangiti.
"Gio, sobrang mahal kita sana alam mo yun.."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now