Chapter 18

322 19 0
                                    

"What are you doing these days?" Tanong ni Jax nang maabutan ko sya sa boarding house.

Pinagpatuloy ko ang pagdidilig ng mga halaman sa labas na bahagya nang natutuyo.

"Nothing." Sagot ko.
Umayos ako ng tayo at pumasok sa loob.

"Where are they?" Tukoy ko kina Ryu at Lucas.

"I don't know. Maybe Lucas is haunting girls and Ryu is haunting boys."
Pinilipit nya ang hawak na magazine at pinalo-palo sa binti nya habang nakasunod ang tingin sa akin.

Kanina ko pa napapansin ang mga kakaiba nyang tingin.
"What's wrong?"

Ibinaba nya ang magazine at sa wakas ay nasabi rin ang mukhang kanina nya pa pinipigilang sabihin,
"I saw you with Gio Marfori."

Bahagya akong nagulat pero hindi ko iyon pinahalata.
"What about it?" Nilagpasan ko sya at inilagay sa ilalim ng lababo ang watering can.

"Anong 'what about it'? I know you, bro. Hindi ka lalapit sakanya nang walang dahilan."

Naupo ako sa kama habang nagpupunas ng kamay. Nakalingon sya sa akin at nakatingin sa reaksyon ko.
"Nagkataon lang na nagkita kami ulit. What's wrong with that?"

"There's no way that you're lying to me, right?" Tanong nya habang mataman akong tinititigan. "Because I saw your car in their parking lot, thrice."

"I was there for my dad. That's all."

Napahilamos sya.
"Come on, dude! Stop lying! Wag mong sabihing ginawa mo yung sinabi ni Lucas?"

Kumunot ang noo ko at pilit na inalala ang sinasabi nya.

"Fuck ass." Aniya na parang alam kung anong iniisip ko. "Gio Marfori looks stronger than you, there's no way that you're having that kind of relationship with him and then fuck him?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa habang nakatingin sa mukha nya.
Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.

That's right. He's stronger than me, that's why I was the one who got fucked.

"Kenzo." Untag nya

Inalis ko ang unan at umupo ulit.
"Wala akong ginagawa."

"I'm trying to believe you, bro. Pero parang ang hirap mong paniwalaan ngayon." Sabi nya.

"When did I lie to you?"

"Maybe right now."

Bumuntong hininga ako at binalibag sakanya ang unan.
"Then why the fuck are you still asking?"

Nalaglag ang panga nya at biglang natigilan.
Ngumisi ako at pabagsak na nahiga ulit.

"Why? You won't accept me anymore if I'm having that kind of relationship with him?"

Tumayo sya at hinampas sa akin ang unan.
"You can't be serious."  Sumeryoso ang mukha nya.

Bahagya akong ngumiti.
"I'm doing this for my dad."

Tumalikod sya at napakamot bago lukot ang mukhang humarao ulit.
"You're doing this for who? You think William Marfori is that easy?"

"I'm already inside. Gio lets me in. He's that easy."

"But not dumb. Marforis are businessmen. It runs in their blood. You can't fool a man who is already a fool. You know what his father did to my dad, right? He stole all of our stocks in their company and then tried to sell it again to us."

Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang iyon narinig.

"He what?"

"Ninakaw nya ang lahat ng stocks ni dad sa kumpanya nya!"

"How did that happen?" Naguguluhang tanong ko. Para sa isang malaking kumpanya, isang kahangalan ang dungisan ng mismong may ari ang kumpanya nito dahil lang sa stocks na siguradong hindi ganon kalaki.

"I don't know. Kaya ayokong humawak ng business. It's full of risks, full of traitors as well. So don't trust them too much." Aniya

Nakaramdam ako ng pagkadismaya at napailing.
Wala talagang sinasanto si William Marfori. Kahit ang mga kasosyo nito sa negosyo ay tinatalo parin.

"What are you trying to say?" Tanong ko.

"They're smart. Gio Marfori might already know all of your plans and is already one step ahead of you."

Natigilan ako. Hindi yun pwedeng mangyari. Kung alam nya simula palang, bakit hinahayaan nya parin akong pumasok sa bahay nya?

"That's impossible." Sabi ko na puno ng kumpyansa.

Sarkastiko syang natawa, "You'll see, bro.."

Aksidente lang ang pagkakakilala namin. Wala akong planong makipaglapit sakanya noon kung hindi ko lang alam na anak sya ni William Marfori.
Alam kong alam nya na anak ako ni Liam Oliveros pero kahit kailan ay hindi sya nagbigay ng interes na pag usapan ang tungkol doon. Kung ano man ang mga tinatago ko sakanya, alam ko na wala syang alam tungkol doon.

"By the way, may out of town party si Trey. Here."

Napatingin ako sa tinapon nya sa akin na pulang invitation card.
Ang nakatatanda nyang kapatid ang tinutukoy nya. Minsan na kaming nagkita sa mga party at mga high-end bar.

"Saan?" Tanong ko matapos kunin ang card.

"Ilocos Norte."

"Too far."

Tumikhim sya.
"He also sent an invitation card to Gio." Sabi nya. "Tell him to come."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Wala pang nababanggit sa akin si Gio tungkol doon at hindi ko rin sigurado kung babanggitin nya ba.

"Because Trey likes him."

Nalukot ang mukha ko.
Hindi kaila sakin kung anong klaseng lalaki si Trey.

"Why?" Tanong ni Jax habang natatawa.

"Nothing."

Tumaas ang mga kilay nya habang tumatango-tango.
"I don't know why Trey wants to talk to him. Sabi nya he prepared a special room for them to talk."

"Special room? What kind of room?" Tanong ko.

"Maybe a room with blindfold, handcuffs, rope and a bondage chair."

Malakas na hinagis ko sakanya ang invitation card. Sa mga sinasabi nya palang ay umiinit na ang ulo ko.
"Sabihin mo kay Trey na huling birthday nya na yan."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang