Chapter 46

249 10 0
                                    

Obligated

*

"So, what's this all about?" Tanong ni Beatrix sa kanina pang naghihintay na si Liam. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkainip na ikinatuwa naman ng babae.

Imbes na sumagot ay itinaas ni Liam ang isang kamay sa waiter at may isinensyas nang hindi man lang tumitingin sa kaharap.

Inis na napairap si Beatrix.
Wala parin pinagbago ang dating asawa. Kung ituring sya nito ay para bang sya na ang pinaka ayaw nitong makita sa mundo. At siguro nga ay isa iyon sa mga nagustuhan nya dito noon, mahirap itong makuha, kailangan mo pang idaan sa sapilitan.

Liam, it's been a while..

Lihim na napangiti si Beatrix pero napalis rin iyon nang ilang sandali lang ay dumating ang waiter na may dalang mamahaling wine.

"Have a drink." Ani Liam. Kinuha nito ang baso ni Beatrix at sinalinan ng alak. Alam nitong ayaw nyang umiinom nang walang kinain dahil bumabaliktad ang sikmura nya. "What's wrong? You don't like the wine? Should I order another one?" Mahinahong tanong nito.

Nauuyam na natawa si Beatrix.
"Cut the crap, Liam. What do you want?"

Aside from pestering me.

Nabitin ang pag inom ng huli at tumingin kay Beatrix.
"Are you in a hurry? You don't like seeing me anymore?" Malambing nitong tanong.

Sarkastikong napangisi si Beatrix sa sinabi ni Liam. May kung anong dating ang tono ng boses nito sakanya na kung narinig nya lang iyon noon ay baka mas nahirapan syang kalimutan ito.

"Don't use that tone on me. Kung pipilitin mo akong huwag ituloy ang acquisition, magsasayang ka lang ng oras, Liam." Kalmadong sabi ni Beatrix.

****

[ LIAM POV ]

Sandaling napatitig si Liam sa dating asawa. Wala parin itong pinag-bago, maayos pa rin itong manamit, magarbo, maluho. Pero maganda parin ito, hindi iyon maitatago kahit ng nakakunot nitong noo.

"I have a favor to ask. Not about the acquisition but this will be the last favor I will ask from you." Kalmadong sabi nya. Siguro nga ay hindi kahit kailan magiging maganda ang katapusan ng isang pagsasamang hindi kahit kailan nabahiran ng kahit kaunting pagmamahal.

Dumaan ang antisipasyon sa mukha ni Beatrix pero agad na napalitan iyon ng pagkagulat sa sunod nyang sinabi,

"Iwanan mo si Kenzo. Leave him, completely."

Napakurap ito at umawang ang mga labi,
"What the hell are you saying?" Naguguluhan nitong tanong.

"My son is already happy living with me. With us. He doesn't need you anymore."

Nitong mga nakaraang buwan, hindi nya man laging nakikita ang anak ay ramdam nyang kuntento itong kasama si Gio. Malayo sa buhay na kinalakhan nito kasama si Beatrix. Nang mga panahong iyon, sa malayo nya lang ito nakikita, at sa tulong pa ng ibang tao. Sa mga litratong pinapadala sakanya, bilang nya lang sa mga daliri na makita nya itong masaya. At hindi rin lingid sakanya ang ginawa dito ng sarili nitong ina.

Kenzo has been through a lot. Bearing all the pain by himself.

"Liam!"

"I've had enough of your schemes, Beatrix. Kaya ang gusto ko, iwanan mo nalang si Kenzo. Hindi ka na nya kailangan sa buhay nya. He is now moving on from the past. Let him be."

Kumuyom ang mga palad ng babae sa ibabaw ng mesa at bahagyang nanginig,
"Do you even know what you're asking me to do? You're basically telling me to forget him!"

"If you refuse, I will make him hate you. I will tell him everything. Do you want me to tell him what you did before? Aside from our forced marriage, you also cheated on me the day after our wedding day with another man."

Nawalan ng kulay ang mukha nito. Sa tagal ng panahon, ngayon lang nabanggit ni Liam ang tungkol doon. Kahit nang maghiwalay sila ay wala itong narinig na kahit ano mula sakanya.

"Are you blackmailing me?"

Hindi iyon pinansin ni Liam at pinagpatuloy ang pakay nya dito.
"You don't really love our son, Beatrix. We both know that."

"I-I love him!" Maging ang boses nito ay nanginig.

"But you never treated him as your son! Ilang kasinungalingan ba ang sinabi mo sakanya para magalit saakin? At sa mga taong walang kaalam alam!"

"You are the one who ruined our family! Mas pinili mo ang lalaking yun kesa saamin ni Kenzo baka nakakalimutan mo!"

"Matagal na tayong tapos bago pa naging kami ni William, Beatrix. Taon na tayong hiwalay! Dahil mula nang sinubukan mong ilaglag si Kenzo, doon na rin nawala ang natitira pang respeto ko sa kasal natin!" Mariing sabi ni Liam.

Nanlaki ang mga mata ni Beatix sa narinig.
Hindi nito inaasahang ibabalik pa iyon ng dating asawa.

"You tried to kill him. Dahil ayaw mong malaman ng lalaki mo na buntis ka at may asawa na. You love partying, going out with your friends during your pregnancy. And when I decided to leave you, you blamed me for everything!"

"It's all in the past why are you bringing it back?!" May kalakasang singhal ng babae.

Tiningnan nya ng diretso sa mga mata si Beatrix. Wala kahit anong emosyong makikita sa mga mata ni Liam para sa kaharap.
"Leave Kenzo. Iwanan mo na sya at huwag nang lapitan pa. Mangibang bansa ka, wala akong pakealam kung saan ka pumunta basta malayo sa anak ko."

"Are you i-insane? Why would I do that?!" Pasigaw na tanong ni Beatrix kasabay ang malakas na paghampas sa mesa.

"You won't?" Ngumisi si Liam. "Then I will tell him the real reason of our separation and about what you did more than 10 years ago. That you drugged me. Na palabas mo ang lahat ng iyon para magalit saakin si Kenzo."

"You son of a-!" Tuluyan nang kumawala ang pinipigilang emosyon ni Beatrix. Dinampot nya ang baso ng wine at isinaboy kay Liam. May ilang napatingin sa mesa nila at nagbulungan marahil ay dahil kilala ito ng marami.

Kalmadong dinampot ni Liam ang tissue at pinunasan ang mukha bago pabalyang hinagis  ang isang sobre sa mesa,
"20 million pesos. Yan ang hiningi mo saakin noon nang gustuhin kong kunin sayo si Kenzo. Now I'm giving it again to you, just leave him alone. Start a new a new life faraway from us."

"Do you think I still need that? I have money now, Liam. Enough money to buy all the rights I can have for my son!"

"Not your money. Alam natin kung kaninong pera ang hawak mo ngayon." Malamig na sabi ni Liam at tumayo na. "Kenzo is matured enough to understand that you left him to build a new family with your fiancé. He will live with me and I will make him forget about you like you're just a painful memory from his past."

Napalunok ito at lumambot ang mukha,
"I-I can't do that. I love my son.." May takot sa mga matang sabi nito.

"Don't try to convince me because you can't change my mind anymore. Leave him or I will make him hate you for the rest of your life. Don't try me, Beatrix. I gave you many chances to love our son but you just wasted all of it!"

Mabilis itong lumapit sakanya at mariing kumapit sa damit nya. Nangingilid ang mga luha nito pero hindi iyon alintana ni Liam.
"HOW CAN YOU DO THIS TO ME?" Mangiyak ngiyak nitong tanong. "Nasayo na si Kenzo ngayon, hindi pa ba yun sapat?!"

"No, how can you do that to our son!? You manipulated him, you hurt him, you used him!" Nanlalaki ang mga matang bulyaw ni Liam. Hanggat maari ay ayaw nyang makakuha ng atensyon ng mga nasa paligid.

"If you don't do what I said, I will do everything to ruin Miguel Tiangco and make him blame you for it. It's all up to you."

Mahigpit na hinawakan ni Liam ang kamay nitong nakakapit sa braso nya bago iyon pabalyang binitawan.

"Liam!"

Makailang ulit pa syang tinawag ni Beatrix pero parang walang narinig na lumabas na sya ng restaurant.

You're not a good mother, Beatrix. You don't deserve to be a mother.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon