Chapter 33

256 14 0
                                    

𝗞𝗘𝗡𝗭𝗢 𝗣𝗢𝗩

********

"You're going to..what?" Maang na tanong sakanya ni Gio isang gabi pagkauwi nito galing sa school. Pinasadahan sya nito ng tingin at kumunot ang noo nang mapansin ang damit pambahay na suot nya.

"Hindi ka pumasok?" Tanong nya

"Nag-dropped out na ako sa school." Sagot ko habang hindi nakatingin sakanya at nilalaro lang ng daliri ang armrest ng sofa.

Naghubad sya ng polo at isinampay sa sofa na kaharap ko bago pasalampak na naupo doon,
"Why?"

Umiling ako at ngumuso.
Hindi ko pwedeng sabihin na ang ama ko mismo ang nag alis sa akin sa school para magtrabaho. Kapag sinabi ko iyon, itatanong nya kung bakit, at malalaman nyang ako rin naman ang may kasalanan.

"You don't want to study anymore? Just..work?" Tumaas ang dalawa nyang kilay.

Napatingin ako sakanya,
"Hindi sa ganon..kaya lang baka.."

Napakamot ako at sandaling nag isip.
Hindi ko ito inaasahang mangyayari kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot sakanya. Kahit kailan ay hindi nangialam sa buhay ko si Dad. Ngayon lang.

"Kaya lang?"

"Kaya lang baka..hindi kayanin ng oras ko kaya titigil muna siguro ako." Sagot ko.

Tumango-tango sya.
"Where are you going to work?"

"Sa The Farm."

Sandali syang natigilan pero tumango ulit at tumayo na.
"Good luck, then. Have you eaten?"

Kumunot ang noo ko sa reaksyon nya.
Ganon lang yun?
Hindi nya ako ku-kontrahin?

"Magta-trabaho ako sa The Farm." Ulit ko na pilit na kumukuha ng reaksyon mula sakanya.

"I know. You just mentioned it."

Naglakad sya papunta sa kusina at nagbukas ng ref.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nya.

Tumayo ako at lumapit sakanya.
"Wala kang..ibang sasabihin?"

Kumuha sya ng isang buong broccoli at chopping board, kinuha ang kutsilyo at nagsimulang hiwain iyon sa kung paano nya lang iyon gustong hiwain.

Hinawakan ko ang kamay nya at pinigilan sya bago pa iyon tuluyang hindi na makilala.
"Hindi ganyan ang paghiwa ng broccoli."

"We are going to chew it, anyway." Aniya saka nananadyang hiniwa nang malaki at patagilid ang kalahating natira. "The right way to cut it, it doesn't matter."

Napakamot ako sa pagitan ng mga kilay.
"Paano kung..wag ka na rin lang kumain tutal itatae mo rin naman?"

Malakas syang natawa saka tuluyang binitawan ang kutsilyo. Itinukod nya ang dalawang kamay sa counter at dumukwang palapit sa mukha ko.
"Look who's trying to be funny."

Pinitik ko ang noo nya,
"Look who's laughing like an idiot."

Muli syang natawa at pinisil ang baba ko.
"I'm not laughing because of the joke, I'm laughing because you look stupidly adorable." Ginulo nya ang buhok ko at lumabas sa kusina.

Tumabi sya saakin at pareho kaming tumalikod at sumandal sa counter. Marahas syang bumuntong hininga saka tipid ang ngiting nilingon ako,
"If you want to work, it's okay. The Farm is a good choice. Nandoon ako, madali kitang mahahanap. Your Dad is also there." Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

"You work, I'll study. After school, I'll pick you up and drive you home. Life is very simple, right?"

Napabuntong hininga ako at marahang tumango.

"If you get tired and don't want to work anymore, you can go back to school with me."

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya ay ang pag gaan ng loob ko kaya unti-unti akong napangiti.

"There are a lot of choices, Kenzo. As long as you have me, you have a choice. I can turn your 'No Choice' to 'I Have A Choice', remember that."

******

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now