*****

244 10 0
                                    

"Pasok ka." Rinig kong sabi ni Ryu sa pintuan. Sandaling tumigil ang paghinga ko nang pumasok si Gio at magtama ang mga mata namin.

"Kenzo.." Nilagpasan nya si Ryu na nabitin ang tangkang pagtapik sakanya at lumapit sakin.

"Upo ka-" Ani Lucas na agad na isinara ang bibig nang makitang nasa harapan ko na si Gio.

"Let's go home." Masuyong sabi niya saka ginagap ang kamay ko.

Paano ba ako makakatanggi sakanya? Kung isang tawag nya lang, hindi ko na sya agad mahindian.

Ito ba ang gusto mong mangyari, Gio? Ang mabaliw ako sayo hanggang sa hindi na kita kayang saktan pati ang ama mo?

"Please.."

Masuyo ang boses nya pero kita ko sa kilos nya ang pagmamadali.

Napasulyap ako kay Ryu na nasa likod ni Gio.
Tinanguan nya ako at isinenyas si Lucas.
"Sige na. Kami na ang bahala dito."

"Tawagan mo nalang kami kung may problema." Sabi ni Lucas.

Tumango ako at nauna nang lumabas habang hawak pa rin ni Gio ang kamay ko.
Nang nasa loob na ng sasakyan ay pareho lang kaming tahimik, naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

Sinulyapan ko sya nang hindi nya parin paandarin ang makina at mahigpit lang na nakahawak sa manibela.
"I set an appointment for you and Miguel Tiangco.."

May kung anong bumundol sa dibdib ko saka dahan dahang napalingon sakanya sa narinig na pangalan.

"P-para saan?" Kunwa ay tanong ko kahit sa loob ko ay alam ko na ang sagot.

Nakita ko ang paggalaw ng panga nya at ang mariing pagtikom ng bibig nya.

"Gio."

Hindi sya agad sumagot at hinintay na makadaan ang ilang mga sasakyan.

"Don't doubt me just because I didn't tell you what I know." Aniya.
Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nya kaya hindi ko masiguro kung ang iniisip ko ba at sinasabi nya ay iisa.

May bumahid na desperasyon sa mukha ko,
"Bakit kailangan kong..kitain si Miguel Tiangco?"

"Because you already know the truth. You just need a confirmation." Sinulyapan nya ako at malungkot na ngumiti. "Nalaman mo yun sa iba kasi hindi ko yun kayang sabihin sayo.."

"Kung ganon, alam mo ang lahat?"

Natahimik sya at naging mailap ang mga mata.

"Simula palang alam mo na ang lahat hindi ba?"

Nagtagis ang panga ko at pilit syang hinigit paharap saakin. Bigla ang pag ahon ng emosyon ko sa nakikitang reaksyon nya.
"Bakit hindi mo sinabi saakin agad? Gusto mo ba akong magmukhang tanga!? Nakita mo akong galit kay dad, sa daddy mo, SAYO!"

Sinalubong nya ang mga mata ko at walang kahit anong bahid ng pagsisising hinawakan ang braso ko,
"Would you believe me? If I told you that your mother was the one who plotted all that happened in the past? That she was the one who gave that drugs to my father? Kenzo, you hate my dad, even me! Being honest with you is never a problem with me, but how can I do that if all you can see were your mother's lies?"

Unti unti, lumuwag ang kapit ko sa damit nya.
Ang isang bagay na ayaw kong aminin sa sarili ko ay narinig ko mismo sa bibig nya.

Na si Beatrix Soleil, ang taong pinaniwalaan ko buong buhay ko ay ang taong may kasalanan ng lahat.

"Kung ganon kasalanan ko? Kasalanan ko na naniwala ako kay mommy?" Mahina kong tanong. Hindi ko alam kung sya ang tinatanong ko o ang sarili ko.

Sinabi nya noon na si dad ang nang iwan saamin, ang nanakit sakanya at sumama sa lalaki. Pinakita nya saakin na totoo yun, nang gabing yun. Kahit hindi ko maintindihan, tumatak saakin ang katotohanang iniwan nya kami. Kaya habang lumalaki, kahit gustong gusto kong puntahan si dad para makasama sya ay hindi ko magawa. Siguro nga swerte nang maituturing na sya ang may-ari ng The Farm, kaya kahit galit ako sakanya, may dahilan parin akong makita sya pero pilit parin yung inaalis ng taong dapat ay syang gumagawa ng paraan para magkaayos kami ni dad.

I love her because she is my mother. But how...how can a mother take advantage of her child's pain?

Naniwala ako sakanya kahit sa araw-araw na nakikita ko si dad ay sumasampal saakin ang katotohang nasa harapan ko lang. Sya at si William Marfori. Pilitin ko man silang paghiwalayin, hindi ko yun magagawa dahil mahal sya ni dad.

Everything is a lie.
She's a liar. A fucking liar!

"No. It's not your fault. That's why you have to listen to me." Mariin nyang sabi.

Pinalis ko ang kamay nya.
"I'll talk to her." Wala sa loob na sabi ko habang kinakalas ang seatbelt.

"NO." Marahas nya akong pinigilan. "Talk to Miguel Tiangco. Not to your mother."

Galit na nilingon ko sya,
"May ayaw ka pa bang malaman ko? May tinatago ka pa ba saakin na dapat kong malaman?"

Mahigpit nya akong hinawakan sa kamay habang kita sa mga mata ang pakikiusap at pagsusumamo,
"Kenzo, kung gusto mong maging malinaw pa sayo ang lahat, si Miguel Tiangco ang dapat mong kausapin. Listen to me.."

"Bakit? Kung alam ni Miguel ang lahat, alam rin yun ni mommy!"

"Because your mom might lie to you again! Don't you understand?" Halos ay maluha nang sabi nya.

Kahit halos manlambot na ako pagkakita sa mga mata nya ay hindi ko parin naiwasang hindi makaramdam ng pagkadismaya sa sinabi nya,
"You're unbelievable. You think she can still lie to me? I'm still her son!" Binuksan ko ang pinto at padabog na lumabas kahit pa pilit nya akong hinihila papasok.

"Come back here!" Matigas nyang sabi pero buo na ang pasya ko. "Fuck! KENZO!" Rinig kong sigaw nya at bago pa sya makalabas ng kotse ay napara ko na ang isang taxi at mabilis na sumakay.

********

( End Of The Chapter )

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now