Chapter 8

423 20 0
                                    

KENZO POV

*

Matapos humupa ang emosyon ko ay ang pagdaan ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Alas sais na ng gabi base sa malaking wall clock sa itaas ng pinto.

Saka lang sya lumayo at walang imik na tumalikod. Naglakad sya papunta sa study table at dinampot ang isang canned beer.

May halong hiya na inayos ko ang sarili ko at tumayo na, kinuha ang bag at naglakad papunta sa pintuan.

"You're leaving?" Hindi tumitingin sakin na tanong nya. Nakatalikod sya sa gawi ko at nakatayo paharap sa malaking bintanang salamin.

Natigil ako sa paghakbang at lumingon sakanya.

Kahit hindi nya makikita ay tahimik akong tumango.
Ngayon ko sinusubukang kumbinsihin ang sarili ko na hindi dapat ako nandito.

Tama na ang mga nakita nya.
Tama nang hinayaan ko syang makita ang ganong parte ng pagkatao ko.

Naglakad sya papunta sa isang cabinet at may kinuhang puting botelya.

"Take this with you."

Pero aminin ko man o hindi,

May kakaibang init ang bahay nya.
Init na hindi mo na gugustuhing alisan pa dahil masarap sa pakiramdam.

Nang hindi ako kumilos ay sya na ang naglakad  papunta sa akin.

Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, nasasanay na ako sa presensya nya.

But this strange warmth could be an enemy's trap.

"Drink this to calm you down.." Inabot nya iyon sa akin at mahinang nagsalita. "..after having those nightmares."

Agad akong natigilan.

Paano nya..

Lumapit ako sakanya at malamig na tiningnan sya sa mga mata.
"Paano mo nalaman ang tungkol dun?" May diin kong tanong.

Ang banayad kong paghinga ay unti-unting na namang nagkakabuhol buhol dahil sakanya.

Nang hindi sya umimik ay marahas kong hinawakan ang kwelyo nya.
"Sumagot ka." Mahina pero mariing sabi ko

Maliban sa mga kaibigan ko na alam kong hindi magsasabi kahit kanino, wala nang may alam pa tungkol dun.
Kaya paano nya nasasabi ang tungkol sa mga bangungot ko?

Ang lalaking 'to..

Hanggang saan ba ang nalalaman nya?

Kalmadong hinawakan nya ang kamay ko pero hindi sinubukang alisin sa damit nya.
"If you want to know.."

Gumuhit ang mapanganib na ngisi sa mga labi nya at mabigat ang kamay na hinaplos ang buhok ko.
"..you stay here. With me."

Bahagya akong nagulat.

Patulak na binitawan ko sya at tinabig ang kamay nya.
"At sino namang gago ang papayag sayo?"

Sarkastiko syang tumawa
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" Kumislap ang mga mata nya.
"Holding my hand like that, is enough to answer your question."

Sa isang kisap mata ay mabilis na nahila nya ako sa kwelyo ng damit ko at bumangga sa katawan nya.

Sa pagsalubong ng init ng mga katawan namin ay hindi na ako nagulat sa naging reaksyon ng katawan ko.
Kung ano man ang reaksyong yun, iyon ang pinakahuli nyang malalaman.

"Kenzo, you are surprisingly stupid. Too many questions in your head, but you already know the answers.."

Marahas akong napasinghap nang bahagyang dumampi ang bibig nya sa pisngi ko habang nagsasalita.

"You know it all along. Since the first time you heard my name.."

Bigla ay hindi ako makapag isip ng isasagot. Magkahalo ang emosyon ng mga mata naming nakatitig sa isa't-isa. Parehong walang balak na umamin kung ano ang mga nasa loob kahit na kung susuriin ng kahit sino ay malalaman agad na may koneksyon ang mga iyon.

Ang mga kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa magkabila nyang balikat para pigilang mas dumikit pa ang mga katawan namin, ang kaliwa nyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng damit ko habang ang ulo nya ay nasa gilid ng ulo ko.

Sa ganong posisyon kami inabutan ng isang pamilyar na babae.

"Sir Gio?"

Mabilis ko syang itinulak at hindi na nag aksaya pa ng oras na maglakad papunta sa pinto at lumabas.

"Don't you know how to fucking knock? You really want to lose your fucking job huh?"

Rinig kong sabi nya sa cashier bago ko pabalyang isinarado ang pinto at makailang beses na humugot nang malalalim na paghinga.

Sa tuwing nakakaharap ko sya pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin sa katawan at hindi ko alam kung bakit.

Gio Marfori, ang sumama sayo ang pinakahuli kong gagawin.

Hindi pa nawawala ang mga sinabi nya sa isip ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki sa isang sulok at nakikipag tawanan sa ilang may mga edad pang lalaki.

"Kenzo." Kahit hindi ko narinig ay alam kong yun ang sinabi ng lalaki nang magtama ang mga mata naming halos magkapareho ng kulay at hugis.

Agad na nabahiran ng pagkasuklam ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kasama nya.

Kumuyom ang kamao ko at agad na binawi ang tingin sakanya.

Kung kanina ay hindi nailabas ni Gio ang galit ko, ngayon ay halos umikot ang sikmura ko makita ko lang ang mukha nya.

Bago nya pa ako masundan ay mabilis na akong pumasok sa elevator.

"KENZO!"

Rinig kong sigaw nya bago tuluyang sumara ang pinto.

Malakas ko iyong sinipa at mabigat ang paghingang itinukod doon ang mga kamay.

"It's been a while." Mahinang sabi ko. "Dad."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now