*****

336 20 0
                                    

Alas-siete na ng gabi nang makarating ako sa The Farm at napansin na nandun na rin ang sasakyan ni Gio.

"Good evening, sir." Bati ni Monique na mukhang naghahanda na sa pag uwi.

"Good evening." Ganting bati ko bago pumasok sa elevator. Wala nang ibang tao maliban sa akin kahit nakita kong nakabukas pa ang mga ilaw sa 6th floor.
Gusto kong makita ang gambling house na sinasabi ni Gio, pero masyado akong napagod ngayong araw kahit pa meron nang pagkakataon.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa pader nang bumalik sa isip sa isip ko sinabi nya.

"Step brother?"

Malamig akong natawa.
Kung ganon para kaming nasa isang teleserye. Ang pinagkaiba lang, wala kaming direktor at script writer. Kaya walang kasiguraduhan kung magiging maganda ba ang finale namin.

Malalim akong humugot ng hangin bago lumabas sa elevator at kaswal na naglakad papunta sa unit nya.

May liwanag na nagmumula sa siwang ng pintuan.
Kumunot ang noo ko nang makitang nakabukas iyob, para lang makitang hindi sya nag iisa pagbukas ko.

"Don't go home." Rinig kong sabi ni Gio kay Psyche Laude habang magkatabi silang nakaupo sa sofa.

Kunot ang noong nilagpasan ko sila at naupo sa gilid ng kama. Ni hindi man lang nila ako napansin.

"Oh, you have a visitor?"

"Visitor?" Tanong ni Gio bago ako tinapunan ng mabilis na tingin

"Hey, bro." Tinaas ni Psyche ang kamay nya habang ang isa ay nakapatong sa balikat ni Gio.

Tipid ko syang tinanguan bago kaswal na hinubad ang sapatos dahil mukhang wala na syang balak na pormal na magpakilala.

Hindi ko alam kung bakit pareho ang naramdaman ko sakanya sa naramdaman ko noon kay Shaun Ayala. Parang ayoko nalang magsalita at gusto ko nalang syang sipain palabas.

"Let's call Shaun next time. I miss playing with him too." Mahina pero malinaw na sabi ni Psyche.

Bahagya kong naibagsak ang sapatos ko sa sahig.
Kung ano ang nilalaro nila ngayon, ayoko nang malaman.

Tahimik na pumunta ako sa closet at kumuha ng T-shirt nang hindi tumitingin sakanila.
Walang kahit anong harang ang kwarto kaya wala akong magagawa kundi ang magbihis sa harapan nila.

Hinubad ko ang T-shirt ko at isinunod ang sinturon bago ibinaba ang pantalon kaya maluwag na boxer shorts nalang ang natirang suot ko.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa.
"You're looking at him like he's a work of art." Mahinang sabi ni Psyche.

Umangat ang gilid ng labi ko.

That's right. Look at me.

Mabilis na isinuot ko ang T-shirt at maluwag na shorts bago humarap sa direksyon nila.

Nagtama ang mga mata namin ni Gio.
"Lalabas lang ako."

"Personal matters?" Seryosong tanong nya.

Nag iwas ako ng tingin dahil alam ko kung ano ang pinupunto nya.
"Yeah."

Wala naman talaga akong balak umalis.
Gusto ko lang magpahangin dahil biglang nakakabanas ang hangin sa loob ng unit nya.

Nang makarating ako sa ground floor ay wala nang tao at nakapatay na ang mga ilaw kaya sa emergency exit na ako dumaan.
Naglakad ako papunta sa convenient store na malapit sa The Farm at bumili ng dalawang bote ng beer at isang pack ng sigarilyo saka naglakad ulit pabalik.

"Gabi na boss ah." Sabi ng security guard na nakabantay sa entrance ng The Farm.

Inabot ko sakanya ang isang bote ng beer pero tinanggihan nya.
"Duty pa, sir."

Nginisihan ko sya at naupo sa bench na pag umaga ay pinapatungan rin ng mga halaman.

"Matagal ka na dito?" Tanong ko sakanya bago buksan ang sigarilyo. "May lighter ka?" Agad syang dumukot sa bulsa at inabot sa akin ang lighter. Kumuha sya ng isang stick nang iabot ko sakanya ang kaha.

"One year palang, boss."

"Malaki ang sahod?" Tanong ko sa kawalan ng itatanong.

"Malaki, boss."

Hindi na ako nagtanong pa at inubos ang sigarilyo. Madilim na at rush hour kaya marami-rami ang dumadaang sasakyan.
"Madalas ba dito si Liam Oliveros?"

Ngumiti lang sya at hindi sumagot gaya ng inaasahan ko.

Lumagok ako ng beer.
"Pasensya na. Gusto ko lang ng kakwentuhan."

Inikot-ikot ko ang laman ng beer.

Iniisip kung nasa itaas pa ba si Psyche Laude.

"Madalas kayo dito, sir." Sabi ng guard na hindi nagtatanong ang tono.

"Pansamantala lang." Hawak ang dalawang bote ng beer, ang isa ay walang laman, tumayo na ako at tinanguan sya. "Akyat na 'ko."

Tumango lang sya at muling tumingin sa paligid.

Napailing ako.
Para sa isang garden store, napakahigpit naman ng pagbabantay nyo.

"You can enter now." Napatingin ako sa gilid ng elevator.
Nakatayo roon si Psyche Laude habang may nakaipit na sigarilyo sa bibig.

Marahan ko lang syang tinanguan at pinindot na ang open button ng elevator. Hindi naman kami magkaibigan para mag-kwentuhan pa.

"Kenzo Oliveros." Usal nya.

Sandali akong natigilan.

Hindi dahil sa pag banggit nya sa pangalan ko kundi dahil sa boses nya.

Alam kong narinig ko na iyon kahit imposible dahil ngayon lang kami nagkausap.

"You're entering a very dangerous door, brother." Makahulugang sabi nya saka mahinang tinampal ang pinto ng elevator. "You know this elevator is quite old, so goodluck." Nakangising sabi nya.

Kumunot ang noo ko nang tapikin nya ako sa balikat at naglakad na palayo.

Pagkarating ko sa unit ni Gio ay hindi ko sya naabutan sa sala at narinig ang tunog ng tubig sa banyo.

Sandaling napako ang tingin ko doon.
Frosted glass ang pintuan kaya nakikita ko ang bawat galaw nya.

Nakatukod ang isa nyang kamay sa pader at ang isa naman ay binabasa ang buhok nya habang nakatapat sa shower.

Uminom ako ng beer habang nasa pintuan parin ang tingin.

Who the fuck unzipped your pants?

Inubos ko ang beer at naglakad papunta sa CR.

Did that bastard unzip it?

Nagtagis ang panga ko at akmang papasok nang bigla iyon bumukas.
"Where do you think you're going?" Walang kangiti-ngiting tanong nya.

**************

(To Be Continued)

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now