Chapter 40

285 19 4
                                    

SOMEONE'S POV

*

Sa gitna ng mahabang mesa ay nakapalibot na nakaupo ang sampung may mga edad nang lalaki na lahat ay pormal ang kasuotan.

"This is not good for the gambling house. Kapag nagpatuloy ang ganitong setup, siguradong lilipat ang mga kliyente natin sa ibang pasugalan." Sabi ni Mr. Armani habang nakatingin kay William Marfori. May hawak itong 5% share sa gambling house.

"Senator, how about using your power and influence to legalized the gambling house? Nasa mataas kang posisyon, hindi ba at madali nalang iyon kung tutuusin?" Tanong naman ni Mr. Arison, kagaya ni Mr. Armani ay 5% rin ang hawak nitong share.

Bumuntong hininga si William na ngayon ay malalim nang nag iisip.
Kahit nasa mataas syang posisyon at may impluwensya, kung magsasama sama ang iba pang kagaya nya na harangin ang permit ay mahihirapan syang buksan iyon ulit.

"Mr. Aguirre is trying his best to close the company. Palibhasa ay meron rin syang ilegal na pasugalan." Dugtong ni Mr. Armani na sinang ayunan ng iba pa.

Sumulyap si William sa lalaking nakaupo sa kanan nya. Liam Oliveros. Ang makita itong nakasuporta sakanya ay sapat na para makahinga sya nang maluwag.

Tipid na ngumiti at tumango si Liam.
Alam nitong mahalaga kay William ang The Farm kaya kahit gusto nyang hayaan nalang nito ang negosyong magsara at magsimula sa legal ay hindi nya magawa dahil kahit sya ay mabigat rin sa loob kung yun ang mangyayari.

Napatingin ang lahat sa isang may edad nang lalaki na nasa kaliwang dulo ng mesa. Si Mr. Sovanna. 10% ang share nito sa kumpanya. Hamak na mas malaki kumpara sa iba.
"Senator, Mr. Miguel Tiangco called me this morning. Ayoko na sanang sabihin dahil hindi rin naman ako pumayag, pero sabi nya ay handa syang tumulong sa legalization ng gambling house pero sa isang kondisyon."

Nagkatinginan si Liam at William dahil sa nabanggit na pangalan. Hindi iyon kaaya-aya sa pandinig lalo na kay Senator Marfori.

"Anong kondisyon?" Bagkus ay tanong ni Mr. Armani nang hindi umimik si William.

"He wants to acquire the gambling house."

Napatayo si Liam,
"Hindi yun pwedeng mangyari. The Farm is not on the verge of bankruptcy. Hindi natin kailangan ng acquisition ng kahit sino."

Tumango ang ilan pero mas marami ang hindi nagpakita ng reaksyon.

"Pero kung hindi agad tayo makapagbubukas, mapipilitan akong ibenta ang shares ko. Hindi naman pwedeng hindi ako kikita at maghihintay nalang." Ani Mr. Arison.

Hindi na iyon ikinagulat ni William. Ganon naman ang negosyante, lahat ay tungkol sa pera.

"Give us one month to settle this problem. Kung hindi natin maaayos ang permit,"

Tumigil sya at napapabuntong hiningang tumingin kay Liam.

"Papayag akong i-acquire ni Mr. Tiangco ang The Farm."

******************

Matapos ang meeting ay agad na hinarang ni Liam si William.

Mabigat ang loob nya sa sinabi ng lalaki.
"Papayag kang kunin sa atin ang The Farm nang ganon lang?"

Mula sa pag aayos ng mga folders ay tumingin sakanya si William at niluwagan ang necktie. Mabigat ang pagbuntong hininga nito tanda na hindi nito gusto ang naging desisyon.

"I have no choice, love. Kung hindi tayo papayag, tuluyang magsasara ang The Farm." Mahinahong sagot nito.

Lumapit ito at humawak sa balikat nya. Malungkot ang mga mata nito pero maaaninag pa rin ang katigasan ng loob.
"The Farm...it's where we started. It's our first legacy together. Our love nest, our home. But life happens. Sometimes we need to let go to keep going."

Nagulat sya sa narinig at matamang tinitigan ang kaharap.
Hindi iyon ang inaasahan nyang sagot mula dito. Matigas ang ulo ni William. Ayaw nito nang nalalamangan at kinukuha ang mga bagay na mahalaga dito. Kaya bakit bigla ay ganon ang inaakto nito?

Nakaramdam ng pagkabahala si Liam, hinawakan nya ang kamay nito na nasa balikat nya.
"What's wrong? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Biglang naging mailap ang mga mata nito, tumalikod at kinuha ang ilang folders sa mesa.
"Let's talk about this some other time. How about eating dinner together?" Pag iiba nito sa usapan.

"Hindi naman nalulugi ang The Farm. Bakit papayag ka sa acquisition?"

"Liam."

"This is also my company, William. The garden store is more important to me than the gambling house, you know that. Pero kung magsasara ang gambling house, kailangan ring magsara ng garden store. Ano ba ang dahilan kaya papayag ka sa gusto ni Miguel?"

"It's a good offer. Gusto ko lang na mag bukas muli ang gambling house."

Napatiim bagang si Liam,
"Tama na ang pagsisinungaling, William. Sa lahat ng tao dito, ako ang nakakakilala sayo. At alam natin pareho na kahit kailan ay hindi mo nagustuhan si Miguel. Kaya bakit ngayon ay hahayaan mo syang magkaroon ulit ng koneksyon sa atin?"

Dating malapit na kaibigan at kasosyo sa negosyo si Miguel Tiangco, pero mula nang maging nobyo ito ng dati nyang asawa ay ito na mismo ang lumayo sakanila. Mayroon rin itong alitan at si William na hanggang ngayon ay hindi nya alam kung ano.

Muling lumapit si William sakanya at masuyo syang hinaplos sa likuran,
"You know that I care about you so much. I love you. Mahalaga sayo ang The Farm that's why I'm trying my best to save it. If you will trust me, I can do it within a month."

Hindi na umimik si Liam kahit hindi sya kumbinsido sa sagot nito.

Alam nyang may tinatago ito sakanya at hindi sya papayag na hindi nya iyon malaman lalo na at mukhang ang The Farm ang itinaya nito para lang maitago iyon.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon