Chapter 6

415 19 1
                                    

The ties that bind our twisted fate

*

"Where are we going, mom?" Tanong ng walong taong gulang na si Kenzo sa babaeng may hawak sa kamay nya.

"We're going to see your dad." Sagot nito

"He's dead."

"In your heart. But not in flesh."

Hindi nya naintindihan ang ibig sabihin ng babae dahil sa mura nyang pag iisip.
Sumakay sila sa sasakyan at ilang oras ring bumyahe bago iyon huminto sa isang maingay na lugar.

Maraming tao sa labas at magulo.
May mga nagsasayaw at may mga hawak na bote ng alak.

Bago lumabas ng sasakyan ay hinawakan sya ng babae sa magkabilang balikat.
"Kenzo, listen to me. Your dad is the one who broke our family. He's the reason why mom is always crying."

Kumunot ang noo nya pero hindi na sumagot pa. Sa isip nya ay walang iba kundi pagkalito.
Namulat sya na hindi madalas makita ang daddy nya. Minsan isang linggo itong nasa bahay nila, hanggang sa naging tatlong araw nalang, at naging dalawa. Hanggang sa hindi nya na makita pa at sinabi ng mama nya na patay na ito at hindi nya na makikita kahit kailan.

Inakay sya ng babae palabas ng kotse at pumasok sa maingay na kwarto.
Mausok, mabaho at magulo.

Halos hindi na sya makahinga at nasusuka pa nga dahil sa halo halong amoy pero patuloy lang sa paghila sakanya ang babae.

Hanggang sa wakas ay tumigil sila sa tapat ng isang pinto. Sa parteng ito ay wala nang tao at malinis kumpara sa dinaanan nila pero madilim parin.

May kinuha ang babae sa bag nito at itinapat sa lock ng pinto.

Malakas nitong itinulak ang pinto at bumungad sa mga mata ni Kenzo ang hindi nya maipaliwanag na nangyayari sa loob.

Ang daddy nya..

Bakit ganon ang..

Ang kaninang pinigilan nyang pagsuka ay tuluyang lumabas habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga taong nasa harapan nya.

"Kenzo.."

Malakas na pagtapik.

"Fuck! KENZO!"

Isang mahabang paglanghap ng hangin ang una kong ginawa nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na pagsampal sa pisngi ko.

"Dude, kinabahan ako sayo.." Nag aalalang sabi ni Ryu habang tinatapik ang likod ko.

Habol ang hiningang napahilamos ako at tinapik sya.
"T-tubig." Mahinang sabi ko dahil sa panunuyo ng lalamunan kahit basa ako ng pawis.

Biglang nanginig ang mga labi ko at halo halo ang emosyong umubob sa mga tuhod.

"Kalma lang, tol.." Rinig kong sabi ni Lucas na tinatapik rin ang likod ko.

Kumuyom ang kamay ko habang patuloy na bumubuhos ang emosyon.

Umiiyak ako alam ko. Gaya ng dati. Pero hindi dahil malungkot ako kundi dahil sa galit.

Why, ma?
Why did you let me see that?

WHY?!

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now