*****

277 19 0
                                    

Old friend with an old secret

*

Alas-onse ng gabi at nagsimulang umingay ang loob ng resort. Bukas pa ang birthday ni Trey pero dahil marami ang tao, imposibleng walang maganap na party. Kanina matapos naming magkita ni Gio, na wala ring kinahantungang maganda, ay nakatanggap ako ng text mula kay Jax na pinapapunta ako sa resort.

Ilang minuto pa ay nagsimulang bumuhos ang alak. Nasa balcony ako na nasa second floor ng bahay kasama sina Jax. Sa pwesto namin ay kita ang mga nagpa-party sa swimming pool.

"Tol." Napatingin ako kay Lucas nang kalabitin nya ako sa balikat. "Look who's here." Natatawang sabi nya bago may sumilip na matangkad na lalaki sa likuran nya.

Nagliwanag ang mukha ko at sabay pa kaming napatayo nina Jax at Ryu.
"Ross!" Gulat kong sabi bago sya niyakap.

"Long time no see, brother." Sabi nya na malawak ang ngiti at gaya ng dati, mahilig parin sya sa alahas dahil sa mga nakasabit sa katawan nya. May suot syang kwintas, mga hikaw sa tenga at sa gilid ng labi.

Si Ross Delavière ang leader ng Havoc, ang pinanggalingan naming gang noon. Ilang taon rin bago kami umalis dahil nagkaroon sila ng problema ni Ryu, na naayos rin makalipas ang ilang buwan pero hindi na kami bumalik dahil na rin sa kailangang ingatan na pangalan ng mga magulang namin. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil na-kicked out sila kasama ang karamihan sa mga miyembro nang minsang magkaroon ng ramble sa school at muntik na nilang mapatay ang anak ng director na sya ring leader ng kalaban nilang gang. Mula noon ay hindi na kami nagkita-kita ulit dahil nawalan na rin kami ng koneksyon sakanila nang malaman namin na umalis si Ross at nangibang bansa.

"Jax, Ryu!" Malakas na sabi nya saka niyakap ang mga tinawag. "After abandoning me, here you are drinking and partying?!" Biro nya.

Natawa kami at muling umupo.
"How's everyone?" Nakataas ang mga kilay na tanong nya. Sa kabila ng ilang taong hindi pagkikita, dala nya pa rin ang awra ng isang taong kayang pasunurin ang kahit sinong gustuhin nya.

Nagkatinginan kami.
"Nothing has changed. We are still your brothers." Sagot ko bago sya binigyan ng isang shot glass.

***********

Lumalim ang gabi at kami nalang ni Ross ang natira sa terrace. Nasa ibaba na sina Jax at nagsasayaw kasama ang napakaraming babae na wala kaming kilala kahit isa. Karamihan ay lasing na at ang iba ay nalasing nalang ulit.

"Dikit pa rin kayong apat." Aniya. May hawak na lata ng beer na alam kong halos wala nang laman.

"Wala naman akong choice kundi ang dumikit sakanila." Sabi ko, natatawa.

Humarap sya sa akin habang nakatukod ang isang braso sa railings.
"How about you? How are you?"

Sa lahat ng miyembro noon ng gang, kami ang unang naging malapit. Kaibigan ko na noon sina Jax, pero may kung anong koneksyon kami sa isa't isa na pareho naming ayaw mawala.

"Not so good." Sagot ko. Palipat lipat ang tingin ko sa mga tao sa ibaba hanggang sa tumigil iyon sa dalawang tao na nasa gilid ng pool.

"How about joining me again, Kenzo?"

Napatingin ako sakanya.
"Joining you again? Saan? Sa gang?" Natawa ako at muling tiningnan ang dalawang lalaki sa ibaba.

Parehong may hawak na baso ng alak at parehong nakasuot lang ng summer shorts.

Ngayon ko lang sya nakita sa ganoong ayos.

Basa ang buhok.
Lasing ang mga mata.
At tatawa bago uminom sa baso ng alak.

Ang mahaba nyang lapi ay bumakat sa basa nya nang short at ang bawat pagtawa nya ay hindi dahil sa kausap nya kundi dahil sa tama ng alak.

Napalunok ako at nakagat ang ibabang labi.

Gio..

Ano ba ang ginagawa mo?

"Bro, we're not a low class gang anymore. Hindi na kami nambubugbog dahil lang gusto namin." Aniya

Pansamantala kong inalis ang tingin kay Gio at Trey.
"Ano na ba ang ginagawa nyo ngayon? Nambubugbog kapag may bayad?"

Natawa sya,
"Fuck no!" Tumingin sya sa ibaba at natatawang hinulog ang lata ng beer sa mga nagsasayaw. "Matapos kaming ma-kicked out sa school, my parents disowned me. And what do you expect me to do? Cry?"

Kumunot ang noo ko,
"Your parents disowned you?"

"For them, power and fame are more important than family. You know how fucked up our family, bro."

Hindi ako umimik.
Rinig ko ang pait sa boses nya.

Delavière is one of the most prominent families in the country. Trading companies at private banks ang panguhanin nilang negosyo. Ang mga magulang ni Ross ay parehong mataas ang katungkulan sa military at minsan na rin syang pumasok sa school na may mga pasa dahil lang sa maliit na pagkakamali kaya hindi na nakapagtataka kung itatakwil nga sya ng mga ito matapos ang nangyari noon.

"Ano na ba ang ginagawa mo ngayon?" Pag iiba ko sa usapan.

Nilabas nya ang isang maliit na metal na kahon at kumuha ng isang stick ng sigarilyo.
"Underground job."

"Tell me about it."

Ngumisi sya,
"We find people. We find and follow people for rich people."

Kinuha ko ang sigarilyo nya nang ialok nya iyon sa akin,
"Kailan ka pa naging detective?" Tanong ko bago humithit at ibinalik iyon sakanya.

"Detective? Bro, I'm telling you, we are better..than them."

Naningkit ang mga mata ko.

"Be our member again. Most of our members came from rich families. Ang mga dating miyembro ang tumatrabaho sa mga kliyente o kung sino pa ang gustong kumita. But mostly, they are here for protection." Aniya.

Itinukod ko ang magkabilang siko sa railings at ibinalik ang tingin kay Gio na ngayon ay mag isa nalang sa pool habang may katabing bote ng alak.

Nag angat sya ng ulo pero dahil may kadiliman sa parteng iyon ng pool kaya hindi ko alam kung sa direksyon ba namin sya tumingin.
Nakapagtatakang lasing agad sya kahit sa bilang ko ay nakakadalawang bote palang sya ng alak.

"Wala naman akong kaaway, bro." Pasimple kong tanggi.

Natawa sya at mataman akong tinitigan.
"Kahit ang pinakamabait na tao sa mundo, ay may kaaway, Kenzo. There will always be that one person who doesn't like you. Na galit sayo nang hindi mo nalalaman." Makahulugan nyang sabi. "One of our members is a son of a Philanthropist. An owner of several charity institutions. Now tell me, bakit nya inilapit sa amin ang anak nya at humingi ng proteksyon sa kabila ng mabubuti nyang gawa?"

Tumingin lang ako sakanya.

"Be our member again, bro. I will protect you."

Tipid akong ngumiti at kumuha ng beer sa mesa bago bumalik sa tabi nya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa seryoso nyang pag alok sa akin.

"Do you want to hear a secret?" Tanong nya sa matagal kong pananahimik.

Sumulyap ako sakanya at inilapit ang lata sa bibig,
"What kind of secret?"

Kinuha nya ang beer sa kamay ko at uminom.
"One time, there was this..big shot person, let's name him 'Mr. M' who asked for our service. He ordered me to follow someone, let's name that someone as 'Mr. O'."

Tumigil sya at tensyonadong humithit sa sigarilyo,

"You know what surprised me? Mr. O is familiar, no, I personally know him because he's the father of my friend. Years later, the son of Mr. M asked for our service too. You know what surprised me again?" Tanong nya. Mahigpit nyang hinawakan ang braso ko at diretsong tumingin sa mga mata ko,

"His son told me to follow the son of his father's lover who happened to be my friend.  But that friend of mine is unaware of everything that's happening behind his back."
Dahan dahang gumuhit ang ngisi sa mga labi nya at sa hindi malamang dahilan ay kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nya.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now