Chapter 48

260 10 0
                                    

If home is a person

*

"Where do you want to go?" Tanong ni Gio nang malayo na kami sa sea side. "Do you want to eat ice cream?" Tipid ang ngiting itinuro nya ang ice cream stand sa di na kalayuan.

Lumingon ako sakanya at malayang naglakbay ang mga mata sa mukha nya. Pinapagaan nya ang loob ko at lalo lang akong sinampal ng kunsensya ko.

"Hmm?" Masuyo nyang untag saakin bago marahang idinampi ang likod ng kamay sa pisngi ko.

Kanina ay hindi ganito kabigat ang naramdaman ko kahit pa napakabigat ng mga sinabi ni Miguel Tiangco, pero bakit ngayong nasa harapan ko si Gio at tinatanong lang ako kung saan ko gustong pumunta ay parang dinaganan ng malaking bato ang dibdib ko. At alam ko na hindi yun dahil sa mga nalaman ko, kundi dahil sa kung paano nya ako itrato sa mga oras na'to.

Posible bang magmahal nang ganito ang isang tao? Na kahit may mga mali akong nagawa dati, kaya nya parin akong tingnan nang may pagmamahal sa mga mata nya?

"Kenzo.."

Nakakamangha, na makita iyon habang saakin sya nakatingin, kung paano nun pinapabilis ang tibok ng puso ko at kung paano nun lalo pang dinagdagan ang labis labis ko nang nararamdaman para sakanya..

Suminghot ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang muntik nang malaglag sa mga mata ko.

"K-kung saan mo gustong pumunta." Sabi kong nakaiwas ang tingin sakanya.

"Look at me." Aniya.

Mariin akong lumunok at kinagat ang pang ibabang labi bago tumingin sakanya.

Ngayon ko lang napansin na itinigil nya ang sasakyan.

Masuyo syang natawa matapos akong titigan at dumukwang palapit saakin,
"Why are you suppressing your cry?" Sinuklay nya nang mga daliri ang buhok ko.

Muling nag init ang mga mata ko nang bumaba ang kamay nya sa pisngi ko at matagal akong halikan sa noo,
"Are you tired?" Tanong nya habang magkadikit ang mga noo namin.
Napapikit ako at marahang tumango.

Ang pagod na nararamdaman ko ay hindi pagod ng katawan. Kundi pagod sa mga emosyong kinimkim ko nang ilang taon, mga galit at mga planong paghihiganti na simula palang ay wala nang saysay. Kay mommy at sa mga kasinungalingang binuo nya sa isip ko.

Hinaplos nya ang likod ng ulo ko at dinampian ng magaang halik ang mga labi ko,
"You can cry on me until you're okay. You can wet my shirt, punch me to release your pain. You have me, Kenzo. Share your pain with me, I'm okay with that.."

Habang sinasabi nya iyon ay sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko dahil kahit gusto  ko syang makitaan ng galit, alam ko na yun ang sasabihin nya sakin.

"B-bakit?" Pabulong na tanong ko sa bahagyang garalgal na boses.

Kumislap ang mga mata nya dahil sa nagbabanta ring emosyon doon.
"You don't know?" Marahan syang ngumiti, "Because I love you. I love you so much..I love you very much.."

Mabilis ko syang hinigit at niyakap nang mahigpit. Impit akong umiyak sa balikat nya at hinayaan syang pagaanin ang loob ko nang mas mahigpit nyang yakap.

"I don't care what you did before, I don't want to talk about it anymore. You don't need to explain. You just need to love me back and never leave me, that's enough for me. All I need is you, Kenzo. Nothing else matters in my world, only you.." Puno ng pagmamahal na sabi nya.

Ang ilang taong bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga nangyari noon ay unti-unting naglaho.

Ang galit sa puso at isip ko ay tuluyang nawala at ang tanging natira nalang....ay sya.

Si Gio.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now