Chapter 11

399 18 0
                                    

KENZO POV

*

"The Farm? Magtatrabaho ka sa The Farm?" Takang tanong ni Lucas nang makarating ako sa 'L3wdhole' kung saan sila nag iinom.

Jax, "Hindi pa naman sembreak, tol. Bat ka nagmamadali?"

"O baka naman gusto mo lang magkaroon ng quality time sa daddy mo?" Natatawang sabi ni Ryu.

Hindi pa ganon kaingay sa loob ng bar dahil hindi pa happy hour. Maliit lang ang bar, pero maraming palapag. Habang paakyat ka ng paakyat, palapit ka rin nang palapit sa langit.

"Ang dami nyong sinabi eh gusto ko lang namang magtanim." Nilagyan ko ng yelo ang baso ng alak sa harap ko at diretsong ininom.

Ngumisi si Ryu at mahinang nagsalita.
"Magtanim...kanino?"

Hindi ako sumagot pero nagpalitan kami ng makahulugang tingin.

Saka naman may  lumapit na babaeng nakasuot ng maikling damit. Sa ganitong lugar, normal na ang mga kagaya nya, ang pinagkaiba lang, dito sa L3wdhole ay bawal silang bastusin.

"Hey. Gusto nyo ng kasama?" Tanong nya . Nakapulang damit na hanggang kalahati ng hita. Maganda at mukhang mamahalin. Alam kong nagkita na kami at hindi ko inaasahang dito ko ulit sya makikita.

"Later, baby girl. Come find me and let's come together." Sagot ni Lucas.

Natawa ang babae at tumingin sa akin.
"Kenzo, long time no see?"

Umangat ang gilid ng labi ko. Para sa isang babaeng hindi maganda ang naging karanasan sa akin, nakapagtatakang nagagawa nya parin akong ngitian.
"New job? The Farm fired you?"

May dumaang pagkagulat sa mukha nya pero agad ring nawala.
"Well, the boss has a very high standards." Sabay sabay na ngumisi sina Ryu nang gumapang ang kamay ng babae sa balikat ko. "Sorry about last time, trabaho lang. Walang personalan."

Awtomatikong humawak ang kamay ko sa bewang nya.
"What do you mean?"

Napasipol si Lucas nang hilahin ko ang babae paupo sa kandungan ko.

"Hindi mo parin alam? You saw my nametag." Nakangiting sabi nya.

Adriana, The Farm Garden Store. Ang nametag na naiwan nya sa boarding house.

"What about your nametag?"

Umakbay sya sakin at nakangising nilaro ang buhok ko.
"Poor, Kenzo. Someone is obsessing over you, pero hindi mo alam?" Natatawang sabi nya.

Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Get straight to the point." Seryoso ko nang sabi dahil nagsisimula na makuha ang buong atensyon ko.

Lumapit sya sa tenga ko.
"Gio Marfori."

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko pagkarinig sa pangalan.
"What about him?

"Do you know why he fired me?"

Tumikhim ako.
"Why?"

Ngumuso sya.
"I won't tell. But I'm telling you, he's crazy, Kenzo. He looks clean and kind outside but...he's not."

"Tell me why he fired you." Sabi ko na hindi pinansin ang sinabi nya dahil hindi na ako dun nagulat.

Si Gio, alam ko nang marami syang tinatago. Na kahit ang pagngiti nya ay hindi mo kakikitaan ng sinseridad.

Natawa sya saka inilahad ang kamay.
"Pay me. Wala nang libre sa mundo."

Sarkastiko akong natawa.
Kinuha ko ang wallet ko at nilagyan ng pera ang kamay nya.
"Now, speak."

Nakangiting tumaas ang mga kilay nya.
"Well, Gio Marfori, he told me to-"

"Adriana!"
Sabay kaming napatingin sa isang lalaking malakas ang boses na tumawag sakanya. Nakita kong bigla syang namutla pagkakita sa lalaki.

"Are you okay?" Tanong ko bago sya tumayo at muling inabot sa akin ang pera.

"Let's play it fair. Wala kang nakuha sakin, kaya wala rin akong kukunin sayo."

Mabilis ko iyong tinanggihan at inalis ang tingin sakanya.
"May utang ka sakin." Sabi ko kahit nanghihinayang na hindi nya naituloy ang sasabihin nya.

Bahagya syang napapitlag nang muli syang tawagin ng lalaki pero mabilis na lumapit ulit sakin at nagsalita.
"Gio Marfori is crazy about you. So be careful."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now