Chapter 29

264 15 0
                                    

Nakarating kami sa isang lugar na malayo na sa siyudad. Marami nang punong kahoy, malawak at walang kahit na isang bahay sa dinaraanan. Magda-dalawang oras rin kamimg bumyahe nang walang tigil. Sa isang tingin ay masasabi agad na isa itong private property dahil sa bakod at malinis na daan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko nang tumigil kami sa harap ng isang napakalaking pulang gate. Malayo layo ang distansya nun mula sa entrance na pinasukan namin kanina. Sa harap ng gate ay tatlong security guards na naka-uniporme at may nakasukbit na baril sa bewang.

"This is our vineyard." Isinenyas nya ng kamay ang malawak na taniman sa kaliwa naming bahagi. May ilang mga tao doon at mukhang mga trabahador dahil sa mga dala nilang basket. Hindi na bago sa akin ang makarating sa isang vineyard. Noong bago palang na karelasyon ni mama si Miguel Tiangco ay minsan nya na akong isinama sa vineyard na pag aari rin dati ni dad. "Those are grapes, this is where we produce wine for our winery."

Nauna syang naglakad papunta sa gate at kinausap ang isang guard.
"Puno ang garahe. Hindi na natin ipapasok ang kotse." Aniya saka ako hinawakan sa braso. "Come with me."

Bumukas ang malaking gate at magkasunod kaming pumasok doon.
Isang napakalaking bahay ang bumungad sa amin. German style. Ang kulay abong brick wall ay mukha pa ring bago ganon rin ang kulay itim na roof tiles kahit siguradong luma na ang bahay. May dalawang palapag pero hindi iyon ganon kataas, sa balcony ay may apat na upuang gawa sa rattan na nakapaligid sa mesang gawa sa makintab na kahoy. Nahaluan na ng modernong disenyo ang bahay dahil sa mga bintanang gawa sa reflective glass at sa marble na sahig.

Pagkapasok ay makikita ang isang napakalaking painting na parang eksaktong replika ng bahay at ng taniman ng ubas sa labas.

"I'll go find my dad. You can do whatever you want, but never leave without me. Kung makita ko man si Li-" Sandali syang natigilan. "I mean your dad, I'll tell him you're here."

Tumango ako.
"Dito lang ako."

Hindi agad sya umalis at sandali akong hinaplos sa gilid ng ulo.
"Go home with me, okay?" Aniyang may pakikiusap sa mga mata. Kung para saan iyon ay hindi ko alam.

Mahina akong natawa,
"Saan paba ako uuwi?"

Nawala ang pagkabahala sa mukha nya at sabay pa kaming natigilan.

"Home..." Naguguluhan kong sabi. Nabanggit nya rin yun kanina kahit nasa The Farm kami kung saan sya nakatira. "You're not talking about the 7th floor."

Tumikhim sya at napaiwas ng tingin,
"That's...that's not the only house I have."

Hinintay kong dugtungan nya ang sinasabi nya dahil hindi ako kuntento sa sagot nya.

"I...I bought a house," Tumaas ang dalawa kong kilay nang muli syang mapatikhim. ", under your name."

Napalitan iyon ng pagkagulat.

"Let me explain it." Sabi nya nang akma akong magsasalita. "I know you're not comfortable living with me at The Farm-"

"Bakit kailangang sa pangalan ko?" Naguguluhang tanong ko. "Mas hindi ako kumportableng binili mo iyon at ipinangalan sakin. Ano nalang ang sasabihin ng d-"

"That's my money. That's going to be OUR house, what's wrong with that? That 7th floor is also the most uncomfortable place I've ever lived in, alam mo ba kung kailan lang iyon naging kumportable? Nung tumira ka lang doon."

Mariin nyang itinikom ang bibig saka marahas na napabuntong hininga.
"But you're not comfortable at all, especially that day when you met my dad."

"Pero hindi mo naman kailangang-"

"I need to. I WANT to." Mariing putol nya sa sasabihin ko. "What if you can't bear it anymore? The feeling of being uncomfortable living with me? You're going to leave me, right?"

Kumunot ang noo ko at lumapit sakanya.
"Bakit mo ba yan iniisip? I told you I'm not going to leave you...no matter how uncomfortable I am."

Kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nya, alam kong may dahilan iyon. Pero hindi ko alam kung bakit ganon iyon kalalim.

Tiim bagang na nagbaba sya ng tingin,
"We will talk about this later." Aniya. "I'll...I'll talk to my dad first."

Akmang hahawakan ko sya para pigilang umalis pero agad ko ring ibinaba ang kamay ko nang makita si dad na lumabas galing sa isang pintuang nasa ibaba.

"Kenzo?" Patanong na tawag nya. Nilagpasan sya ni Gio at pumasok sa kwartong pinanggalingan nya. "What are you doing here?"

Hindi ako sumagot at sinundan si Gio ng tingin hanggang sa makapasok ito sa kwarto at isarado ang pinto.

Sa isip ko ay ang pagkalito sa mga sinabi nya.
Saan ba nanggaling ang lahat ng yun?

Malalim akong humugot ng hangin at dahan dahang bumuga.

You don't trust me.

You don't really trust me.

***********

( To Be Continued )

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now