Wakas

13.3K 207 18
                                    


"B! Gusto mong sumama sa bar mamaya? Paniguro maraming bebot dun." Tanong ni Paolo habang nakatayo ako sa freethrow line. Ngumiti lang ako. Nagdribble ako ng tatlong beses. Inasinta ko ang ring. Ishoshoot ko na sana ang bola ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Nakaupo ito sa bleachers katabi ng mga errand boys. She is wearing a spongebob shirt at kupas na maong jeans. Nakasuot din ng salamin sa mata. My heart started to beat erratically. Suddenly I felt the need to gasp for air dahil di ako makahinga. What the hell is happening to me?

I came to practice early ng sumunod na araw. Four pm ang call time namin but I came at three. Nandun na rin sina Jasper at Paolo. Nagwarm up game kami. Practice ng freethrow at three point shot. I saw her at the corner of my eyes. Pagpasok niya sa gym ay umupo sa bandang sulok ng bleachers. Dammit! Why am I feeling this way? Kumakabog ang dibdib ko. I don't know what got into me, mabilis ko siyang nilapitan. Kumakain ito.

"What's that?" Tanong ko. Tumingala siya at awang ang labing napatitig sa akin. This is the first time na makita ko siya ng malapitan. My heart is slamming againts my chest.

"Po?" Her voice sound so sweet. It almost took my breath away. Huminga ako ng malalim.

"What's that?" Tinignan ko ang hawak niyang pagkain.

"Gusto mo?" Tanong nito sabay lahad ng hawak niya. Di ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis bilis ng heartbeat ko. Lumapit ako at yumuko. Kumagat ako sa parteng nakagatan na niya. Dahan dahan ko yung nginuya. Di ko alam kung bakit gusto ko yung idea na kinakain ko ang pagkain na nakagatan ng babaeng ito.

"Hmmm..taste great." Muli akong yumuko at kumagat sa hawak niyang parang brownies. Habang ngumunguya ako ay nilihad niya ang juice.

"Juice?" Yumuko ulit ako at sumipsip sa straw. I looked at her intently. Anong bang meron sa babaeng ito? Why am I feeling this way. Marahan itong ngumiti. Damn! The dimples did it. It practically took my breath away. She is not exceptionally beautiful. Simpleng ganda. Petite. Makinis na balat. But the damn dimples are perfect. So damn perfect.

"Come on B! Show me your new move." Sigaw ni Paolo. I want to kill him right now. Tinalikuran ko ang girl at bumalik ako sa court. That night I called Coach Arnel at sinabi kong kailangan ko ng sariling errand girl. Sinabi ko sa kanyang gusto kong sa akin na lang exlusively ang bagong errand girl. Pumayag naman ito. Di ko alam kung nahalata niyang may hidden agenda ako.

"My towel is inside the bag." Binato ko sa kandungan niya ang bag ko pagdating ko sa gym kinabukasan. Pagkatapos ay tumakbo na ako sa court. Nakita ko ang gulat sa mukha niya ngunit di ko yun pinansin. Ayaw kong mahalata niya ang nararamdaman ko.

"Pawis ako." Saad ko pagdating ng break. Umupo ako sa tabi nito. Inabutan niya ako ng tubig.

"Umm. Talikod ka. Punasan ko yang likod mo." Tumalikod ako sa kanya. Lumapit siya at tinaas ang laylayan ng jersey ko. Pinasok ang kamay niya sa loob at pinunasan amg likod ko. Ayan na naman ang pakiramdam na to. Erratic na naman ang tibok ng puso ko. Lalo na ng dumantay ang kamay niya sa balat ko. May hatid yung kakaiba sa buong sistema ko.

"Where is my chocolate thing?" Tanong ko pagtapos niyang punasan ang likod ko. I gave her money yesterday upang ibili ako ng kinakain niya.

"Ahhh..nandito sa bag ko. Wait lang kukunin ko." Nilabas niya ang mga yun sa bag niya. Binalatan ang isa at sinubuan ako. I like the feeling. Yung sinusubuan niya ako.

"Is this your favorite?" Tanong ko dito.

"Ahhh..oo chocolate flavor." Napangiti siya. Showing that dimples again. I want to grab her and kiss her. It took all my determination upang pigilan ang sarili ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now