Chapter 21

10.5K 170 3
                                    


Isang magandang babae ang bumungad sa pinto ng buksan ito ni Bryan. Nakasuot ito ng isang maiksing bestida na kulay violet. Hapit na hapit ito sa maganda nitong katawan. Sobrang kapal nga lang ng make up sa mukha nito at akala ko ay may pupuntahang party.

"What the hell are you doing here?" Tila hindi nagustuhan ni Bryan ang presensya nito. Napangiti ang babae dahilan upang lumabas ang maputi at pantay pantay nitong ngipin.

"Tsk! Tsk! What a warm welcome brother dear." Sarcastic nitong saad habang pumapasok sa loob ng kwarto. Nanlaki ang mata nito ng makita ang mga nagkalat na balahibo sa buong kwarto. "Wooh! Pillow fight huh. And who is she?" Turo nito sa akin habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"She's my girlfriend. Why don't you just leave." Naiiritang sagot ni Bryan habang inaakbayan ako.

"Girlfriend? Really? I thought you have the hots for Alexa San Miguel, what happened?" Halata sa mukha nito ang pagkamangha. Nakaramdam ako ng konting kirot sa gitna ng dibdib ko. Sino si Alexa San Miguel?

"She's so crazy over your ex Jb Lagdameo remember? Yung kapatid ng fiance mo." Sarcastic ding tugon ni Bryan.

"Kaya ba biglang nag-iba ang taste mo?" Tila nang-iinsultong tanong nito habang nakatitig sa akin.

"Look Irish I don't have the time for this. Kung wala kang sadya sa akin just leave." Hindi ko alam pero bakit may pakiramdam akong ayaw pag-usapan ni Bryan ang tungkol kay Alexa San Miguel.

"Actually Tito Jaime asked me to fetch you. It's Congressman Almeda's birthday tonight at dapat daw nandun ka because he is your ninong. Sa Manor Hotel yun gaganapin, I'm giving you ten minutes Bryan. Were going to be late." Maarte nitong saad habang nilalagay sa gilid ng tenga niya ang kanyang takas na buhok.

"I have nothing to wear." Seryosong sabi ni Brayn sa kanya.

"Don't worry mommy bought your black armani suit. I'll wait for you at the lobby." Tumalikod na ito upang lumabas pero bago nito buksan ang pinto ay muli itong lumingon. "Oh! By the way Alexa will be there together with Senator San Miguel." Binuksan na niya ang pinto at tulayang lumabas. Bumalik ulit yun, ang bahagyang pagkirot sa gitna ng dibdib ko ng marinig ko ang pangalang Alexa.

"Babe, I really have to go. Sandali lang ako doon okay?" Marahan na lamang akong tumango at pinilit kong ngumiti. Ayokong magsalita, natatakot akong pumiyok ang boses ko dahil sa aking nararamdaman. Tinungo niya ang closet upang kumuha siya ng pamalit ng damit.

Nakatitig ako sa makulimlim na langit habang nakasandal ako sa sulok ng terrace. Ten thirty na ng gabi pero hindi pa siya dumarating. Kanina ko pa hawak hawak ang cellphone ko kaso ni isang text o tawag ay wala. Ang hirap pala pag bumabalik siya sa kanyang mundo at naiiwan ako. Parang nagiging ibang tao siya. Hindi ang Bryan na kilala ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na sinara ang pinto ng terrace. Inabot ko mula sa ibabaw ng upuan ang denim jacket ko. Matapos isuot ito ay mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at tinakbo ang pintuan palabas. Paglabas ko ng hotel ay agad kong pinara ang paparating na taxi.

"Mama alam nyo po ba kung saan ang Manor Hotel?" Tanong ko sa taxi driver pagsakay ko.

"Opo mam."

"Sige doon po tayo.." Kinakabahang sagot ko.

Tulala akong napatitig sa entrance ng hotel matapos akong umibis mula sa taxi. Parang gusto kong magsisi kung bakit pumunta pa ako dito. Nanliliit ako sa sarili ko habang naglalakad ako papasok sa entrance ng magarang hotel. Sadyang malayo nga ang agwat ng mundo naming dalawa ni Bryan, yun ang naisip ko habang naglalakad ako sa lobby ng hotel. Lakas loob akong lumapit sa front desk.

"Good evening. Saan po yung birthday ni Congressman Almeda?" Tanong ko sa lalaking nakauniporme na nasa front desk.

"Sa may garden po mam. Just go straight ahead. Pagdating nyo sa dulo matatanaw nyo na yung garden." In fairness friendly naman ito. "Kaya lang mam baka di kayo makapasok. Strictly formal attire po kasi doon." Tila nag-aalala ito sa suot ko.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon