Chapter 23

10.7K 196 9
                                    

"Di ka ba nagpunas ng pawis? Basang basa ka." Hinahaplos ko ang likod ni Bryan habang mabilis niya akong hinihila pabalik sa loob ng gym.

"What do you want me to do? Humila ako ng babae diyan sa tabi tabi para magpunas ng pawis sa likod ko?" Okay. May point siya doon in fairness.

"Pwede naman si Empoy o kaya si Caloy."

"What?" May masama ba sa sinabi ko?

"Okay. Ako na." Mabilis kong binuksan ang dala niyang backpack at kinuha mula dito ang tuwalya. Mabilis kong pinasok ang kamay ko sa loob ng jersey niya at pinadaanan ng tuwalya ang basa niyang likod.

"Kiss mo na ako babe. Mag-uumpisa na ang laro." Yumuko ito ng bahagya. Fine! Binigyan ko na lang siya ng isang magaang smack sa labi.

"Tsss. Why the hell are you wearing that shorts?" Kumunot ang noo niya ng marealize na nakashorts ako. Parang gusto kong matawa dahil ngayon lang pala niya napansin ang suot ko.

"Pumipito na ang referee. Mamaya mo na ako sermunan." Muli niya akong tinititigan ng masama bago ito tumakbo sa loob ng court. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang seryosong titig ni Matt sa akin. Binalewala ko na lamang ito.

Halos lumipad ang puso ko dahil kauumpisa pa lang ng second half ay dalawang magkasunod na three point shot agad ang naipasok ni Bryan. Grabe! Ang sarap sa pakiramdam na ako ang dahilan kung bakit inspired na ulit siyang maglaro. Feeling ko ang haba haba ng hair ko.

"Wooo! Ibang klase ka Yumi! Ang lupet ng effect mo kay Bernabe!" Sigaw ni Empoy. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. Tinaas nito ang dalawang daliri bilang sign of peace. Inirapan ko siya.

Nang matapos ang third quarter ay leading na ang Xavier ng apat na puntos dahil sa apat na three point shot ng gwapo kong boyfriend. Hay! Pati ata mga estudyante ng SLC ay naging instant fan niya. Tumakbo siya at mabilis na umupo sa tabi ko ng humadyat ang pagtatapos ng third quarter.

"Hindi ko pa nakakalimutan yang tungkol sa suot mo. I'm still mad at you." Seryoso niyang saad habang binubuksan ang inabot ko sa kanyang bote ng tubig. Di na lamang ako nagsalita. Pinunasan ko na lang ang pawis sa likod at mukha niya.

"Para sayo lahat ng yun." Medyo supladong sabi niya habang nakayuko akong nakaupo sa tabi niya. Paanong di ako malulungkot eh kasasabi lang niyang galit siya sa akin.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko.

"Yung mga three point shot ko para sayo lahat yun." Huat??? For me??? Oa ba? Nanlalaki ang matang napatingala ako sa gwapo niyang mukha. "But I'm still mad at you." Hmp! May ganun ulit na banat.

"Bryan naman...ano kasi. Ahhhh....kasi....wala na akong ibang maisusuot. Kulang na ang dala kong damit.." Pagdadahilan ko. Sana effective.

"Tsss. Liar. Here itali mo yan sa bewang mo para di nalalaglag ang mata ng dating mong kaMU." Inabot niya sa akin ang varsity jacket niya. Ayun naman pala.. Si Matt na naman. Ginawa ko na lang ang gusto niyang mangyari, tinali ko na lang ang jacket sa bewang ko.

"Ayan di na nakikita. Smile ka na please." Malambing kong saad habang niyayakap ko ang kanan niyang braso. Wa epek. Seryoso pa rin. "Ang galing galing namang magshoot ng baby ko."

"What?" Weeh! Di mo talaga narinig? Napangiti na ako.

"Ang galing galing naman magshoot ng baby ko." Playback. Hihihi. "Love na love ko talaga tong baby ko." Muli ko siyang tiningala. May slight ng ngiti sa mga labi niya.

"Where do you want to go?" Tanong niya sa akin. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanyang braso.

"Ha?" Muli ko siyang tiningala.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now