Chapter 10

12.5K 242 16
                                    

"Anak gising na. Gusto kitang makausap sandali." Tinapik tapik ni nanay ang pisngi ko. Marahan akong nagdilat ng mata.

"Bakit po nay?" Tanong ko. Bumangon na ako at umupo sa gilid ng kama.

"Pwede ka bang lumiban sa klase ngayon? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Tinatrangkaso ako. Walang makakasama ang Nana mo sa karinderya. Sayang naman kung di tayo magbubukas, may mga ulam ng naluto." Pakiusap niya sa akin.

"Sige po nay. Next week pa naman yung exams namin. Huwag na po kayong mag-alala, kami na ang bahala sa karinderya. Magpahinga na lang po kayo dito sa bahay." Tumayo na ako upang pumunta sa banyo para maligo.

Habang nagbibihis ako ay binuksan ko ang bag ko upang kunin ang cellphone ko. Kailangan kong itext si Bryan na hindi ako makakapasok. Siguradong oa na naman yun pag nagkataon. Shemay! Asan ang phone ko? Natanggal ko na lahat ng laman ng bag ko pero wala doon ang cellphone. Isip.isip. Asan ba yun? Sheet! Hiniram nga pala yun kahapin ni Susy dahil nakinig siya ng music. Nakalimutan ko itong kunin sa kanya. Siguradong low bat na yun dahil paubos na yun kahapon. Paano si Bryan? Di ko memorize ang numero niya?

Maghapon akong hindi mapakali dahil alam kong hahanapin ako ni Bryan. Walang magpapakain sa kanya. Sabi niya nakareserve na sa akin ang lunchbreak niya. Paano kung may iba siyang sinabayan dahil wala ako? Nakaramdam ako ng lungkot.

"Ayos ka lang ba Yumi? Kanina ko pa napapansing di ka mapakali diyan?" Nag-aalalang tanong ni Nana. Alas singko na ng hapon. May ilan ilan pa ring kumakain ng meryenda dito sa karinderya.

"Po? Ahh. Opo Nana. Ayos lang ako." Sagot ko habang nakaupo ako sa isang mesa at nagtutupi ng table napkin.

"Santisima! Kagwapong bata naman ireng paparating." Bulalas ni Nana habang nakatingin sa labas ng pintuan. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Bumaba mula sa puting sasakyan si Bryan. Nakasuot pa rin ng pangbasketball may nakasunod sa likod niyang lalaking nakakulay puting barong. Malaki ang katawan nito at matangkad. Hula ko ay bodyguard niya ito.

Seryoso ang kanyang mukha habang papasok siya ng karinderya. Alam kong nagpipigil ito ng galit dahil namumula ang mukha niya. Tulala akong napatayo. Kahit si Nana ay tulalang nakatingin sa kanya. Huminto siya sa paglalakad ng may halos isang dipa na lang ang layo niya sa akin.

"Where have you been? I waited for hours. No texts. No calls. I've been calling you since this morning." Mahina lang ang pagkakasabi niya nito pero may diin ang bawat salita. Tila nag-aapoy ang kanyang titig

"Sorry." Halos pabulong yun. Napayuko ako dahil di ko siya kayang tignan.

"Bakit ganyan ang suot mo? You're here the whole day wearing that!?" This time alam kong talagang galit na siya dahil medyo malakas ang boses niya. Napatingin ako sa suot kong maong shorts at floral blouse. Anong big deal sa suot ko? Okay, medyo maiksi ang shorts at labas ang legs ko. Napalingon ako sa isang lalaking customer na nakatitig sa binti ko.

"Ah. Eh. Sorry na." Inis niya akong tinalikuran. Naglakad na siya palabas. Mabilis ko siyang hinabol. Inabutan ko siyang binubuksan na ang pintuan ng sasakyan. "Bryan! Sandali!" Hinawakan ko siya sa braso. Matalim ang titig na nilingon niya ako.

"What?" Damn! Naiiyak na ako.

"Sorry. Maysakit kasi si Nanay. Di kita matawagan kasi yung phone ko naiwan ko kay Susy kahapon. Sorry na." Yumuko na ako dahil pumutak na ang pinipigil kong luha. "Di ko naman alam na ayaw mong magsuot ako ng ganito. Di ko naman gagawin kung ayaw ko eh." Tiningala ko na siya. Nakita ko ang unti unting pagkawala ng galit sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim.

"That ugly guy over there is staring at your legs. I'm trying to control myself dahil gustong gusto ko ng basagin ang pagmumukha niya. Kaya sumakay ka na sa kotse kung ayaw mong dumanak ng dugo sa loob." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa likuran. Pagpasok ko ay pumasok din siya at tumabi sa akin. Driver din pala niya ang lalaking nakabarong.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now