Chapter 30

11K 175 7
                                    


Hindi ko yun inaasahan. Ang sabihin niyang ako ang unang babaeng minahal niya. Saang anggulo ko man kasi tignan ay hindi ko maintindihan kung bakit ako pa. Pero sabi nga nila sadyang mahirap intindihin ang ating mga puso. Hindi natin alam kung kanino ito titibok. Magmula ng sabihin niya ito sa akin ay hindi na ako muli pang nagtanong tungkol sa kanyang mga past relationships. Yun naman kasi ang importante, ang puso ni Bryan. Sa akin lang. Buong buo.

"Bes, papasok na ba si Bryan mo? Alam mo bang kalat na kalat na sa buong Xavier na hindi na raw makakapaglaro ng basketball si Bryan dahil injured daw ito." Saad ni Susy habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Hindi ko nga rin alam bes. Huli kaming nagkita nung Friday. Wala ulit text. Wala ring tawag." Malungkot kong tugon.

"Hay naku tigilan mo na nga yang pag-eemote mo. Ang mabuti pa idaan na lang natin sa pagkain yang lungkot mo. Ililibre kita ng pancit at sandwich, binigyan ako ni Mama ng dagdag baon dahil tinulungan ko siyang magtinda buong weekend." Nakangiting sabi ni Susy habang wala sa sariling tumango tango lang ako. Pagkapasok namin sa cafeteria ay agad kaming umupo sa mesang nasa bandang sulok. Pagkaupo namin ay biglang tumunog ang cellphone ni Susy, kinuha niya ito sa kanyang bag at agad binasa ang text.

"Bes, pupunta lang ako sa sandali sa faculty room. Nagtext sa akin si Maita, hinahanap daw ako ni Mr. De Leon yung prof namin sa Econ2. Hintayin mo na ako dito, sandali lang ako." Mabilis nitong tinungo ang pintuan. Naiwan ako doon na natulala sa kawalan. Paano naman kasi, miss na miss ko na si Bryan. Bigla akong napatingala ng may nakita akong dalawang pares ng kamay na humawak sa gilid ng mesang inuupuan ko.

"Hi, you seem to be alone. Can I join you?" Si Francis Asuncion ang nagsalita. Mukhang seryoso itong nakatingin sa akin habang nakatayo sa harapan ko.

"May hinihintay akong kaibigan. Marami pang vacant table, pwede ka naman doon." Malumanay kong sagot. May itsura din naman itong si Francis Asuncion pero medyo maitim ito at may ilan ilang taghiyawat sa mukha. Hindi katulad ni Bryan ko na walang kamantsa mantsa ang balat at walang wala kang itatapon sa lahat ng parte ng kanyang mukha.

"Look, Yumi right?" Tinignan ko lang siya. "Wala naman sigurong masama if I get to know you."

"Pasensya ka na ha pero kasi hindi ako komportableng nakikipaglapit sa isang taong di ko naman kilala at hindi ko alam kung anong agenda sa paglapit sa akin." Sabi ko. Tila may nakita akong pagkalito sa kanyang mukha, "Look Mr. Asuncion, alam nating pareho na hindi mo ako gusto. Isang buong semester tayong magkaklase sa dalawang subject last year pero ni hindi mo ako binibigyan kahit isang tingin. Bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin?"

"Sabihin na nating biglang nagbago ang taste ko sa babae." Seryoso nitong saad. Sasagot pa sana ako sa kanyang sinabi pero biglang may umupo sa tabi ko at umakbay sa akin. Sheet! Nandito na si Bryan.

"Are you really trying to provoke me?" Nanliliit ang matang tumitig ito kay Francis.

"Why? Are you scared dear cousin? Natatakot ka bang masulot ko ang girlfriend mo?" Sarcastic itong ngumiti.

"No. My girlfriend is not a slut like yours. I don't think that will ever happen dear cousin." Sarcastic ding sagot ni Bryan. Habang hinahawakan niya ang isang kamay ko at hinihila ako patayo. "By the way why don't you ask your teammate Eric kung nakailang beses sila ni Denise habang kayo pa." Ngumiti ng makahulugan si Bryan habang dinadampot nito ang mga dala kong libro. Naiwan si Francis na laglag ang panga. Mabilis niya akong hinila palabas ng pintuan habang nakaawang pa rin ang bibig ko dahil sa kanyang sinabi kay Francis.

"Babe, if you don't close your mouth I'm going to kiss you. Right here. Right now." Nangingiting saad ni Bryan habang hinihila pa rin ako. Mabilis na namin binabagtas ang daan papunta sa parking lot.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now