Chapter 9

12.3K 209 10
                                    

Three thirty pa lang ay nasa gym na ako. Madalas kasi ay maagang pumupunta doon si Bryan kasama ang negro niyang kaibigan kaso alas kwatro na ay wala pa ito. Nahihiya naman akong magtanong kay coach Henry. Nang malaman niyang wala pa si Bryan ay umalis muna ito at sinabing babalik na lang ng four thirty. Hay, naiiyak na talaga ako. Bigla akong napatingala ng may maglanding na isang bouquet ng pink tulips sa kandungan ko. Nakatayo sa harapan ko si Bryan habang nakatitig na naman sa mukha ko. Seryoso kong sinalubong ang titig niya.

"Ano to?" Tanong ko habang tinataas ang hawak kong bulaklak.

"They are called flowers." Ewan ko kung iniinis niya ako sa sagot niya. "Tinda nung bata sa kalsada. Naawa ako kaya binili ko na." Weeh! Tulips? Imported na bulaklak binebenta sa kalsada? Gusto kong ngumiti pero pinigil ko yun dahil dapat ay galit ako sa kanya. Nilapag ko sa tabi ko ang bulaklak kahit gusto ko yung yakap yakapin at amuy amuyin.

"Saan ka ba nagpunta? Bakit nakapatay ang phone mo?" Pinanliitan ko siya ng mata. Tila pagod na pagod siyang umupo sa tabi ko.

"I know what you're thinking. Wala akong ibang kasama." Nababasa ba niya ang laman ng isip ko? Tila naiiyak akong yumuko at tumingin sa kamay kong nasa hita ko. Dinampot niya ang bulaklak na nasa tabi ko, muli niya itong binalik sa kandungan ko. "I bought them for you. I know your mad at me. Huwag ka ng magalit."

"Saan ka nga nagpunta? Bakit nakapatay ang phone mo? Sino ang kasama mong naglunch?" Sunod sunod kong tanong. Alam ko daig ko pa ang isang imbestigador sa inaasal ko. Pero masisisi nyo ba ako? Sa mahigit isang buwan kong pagkakakilala sa kanya, araw araw ay iba ibang babae ang kasama niyang kumakain ng lunch. Napangiti siya ng slight.

"Stop torturing yourself. I promised you I will not do it again." Pumulupot ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

"Saan ka nga galing?" Hindi pa rin ako convinced pero yakap yakap ko na ang bigay niyang bulaklak. Sabi kasi niya binili niya yun para sa akin.

"I was with my dad. I attended our company's board meeting. Sorry di kita natawagan, it was an emergency board meeting." Hinatak niya ako patayo. Binuhat niya ako pakandong sa lap niya. "Did you miss me?" Bulong niya habang dinadampian ng halik ang noo ko. Napalinga ako sa paligid. Pasimple kaming tinitignan ng mga teammates niya.

"Bakit nakapatay ang phone mo?" Malumanay ko ng tanong. Niyakap ko na siya sa leeg, wala na akong pakialam kahit sobra na kaming PDA. Sininghot singhot ko ang sosyal niyang pabango.

"Bawal kasi ang gumamit ng phone during board meetings. Huwag ka ng magalit. All my lunchbreaks are already reserved for you." Tulala akong napatitig sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"Naglunch ka na?" Malambing ko ng tanong. Syempre erased na lahat ng tampo at galit ko. Shemay! Ang haba ng hair ko. Umiling siya. "Bakit? Wala bang pagkain sa board meeting nyo?"

"Meron. Pero walang lasa." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

"Ha?" May slight na namang ngiting gumuhit sa bibig niya. Hay, kelan ko kaya mapapahalakhak ang supladong ito?

"You're not there. Walang magsusubo nun sa akin." Pakshet naman! Naiihi na ako sa kilig.

"Paano ka magpapraktis kung di ka kumain ng lunch? Baka magcollapse ka." Bumaba ako mula sa lap niya. Binuksan ko ang backpack ko. Kinuha ko doon ang baon kong sandwich na may palaman na star margarine. Sabi kasi ni nanay pampalakas daw ito at pampatalino. "Wala akong ibang dalang pagkain. Ito lang saka zest-o. Kaso nakagatan ko na." Malungkot kong sabi.

"Susubuan mo ako?" Malambing niyang tanong. Nakayuko akong tumango habang hinihila niya ako palapit sa kanya.

"Baka di mo ito magustuhan. Baka hindi masarap." Binalatan ko ang sandwich at nilapit sa bibig niya. Mabilis naman niya yung kinagatan. Akala ko ay masasamid siya o masusuka sa kinakain niya pero patuloy lang siya sa pagkagat at pagnguya sa hawak ko. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa maubos niya ang sandwich. Sunod kong nilapit sa bibig niya ang juice, sinipsip niya lahat ang laman nito.

"Thank you." Ngumiti na naman siya ng slight. Tumayo na siya. Yumuko siya at hinalikan ako sa ulo. Tumalikod na siya at tumakbo papunta sa gitna ng basketball court. Di ko napansin na nandoon na pala si coach.

Wala sa sariling umupo ako sa bleachers. Dinampot ko ang binigay niyang bulaklak. Niyakap ko yun at inamoy amoy. Ang ganda ganda, siguradong mahal ang mga ito. Pakiramdam ko panaginip lang talaga ang lahat ng ito. Kaya lang two days na ata di pa rin ako nagigising. Kung joke naman ito bakit ang tagal ng punchline? Ang totoo, takot na takot ako. Dahil kong trip trip lang ito para sa kanya, sobra akong masasaktan pag bigla siyang lumayo. Ito naman kasing puso ko sobra siyang mahal na mahal. Ayaw magpaawat.

Pinagmasdan ko siya habang naglalaro sa court. Ang matangkad at medyo payat niyang katawan. Ang makinis at walang kamantsa mantsa niyang balat. Ang gwapo niyang mukha. Ang light brown niyang mata. Ang pagkasuplado niya. Ang di niya pagngiti. Ang pagiging spoiled niya sa akin. Lahat ng mga yun mahal ko. Lahat lahat sa kanya mahal na mahal ko. Sobra sobra. Nakakatakot. Dahil nararamdaman kong hindi ito magtatagal. Sasaktan lang niya ako. Babasagin niya lang ang puso ko. Huminga ako ng malalim.

Mamahalin ko siya habang nandito siya. Habang ganito siya sa akin. Lulubusin ko ang lahat ng panahon at pagkakataon na pwede ko siyang makasama. Dahil kong lalayo na siya. Kung ayaw na niya. May mga alaalang maiiwan. Na minsan sa buhay ko nagmahal ako ng isang Bryan Kenneth Bernabe.

"Hey, why do you look so sad? Are you still mad at me?" Tanong niya habang pawis na pawis na umuupo sa tabi ko.

"Ha? Hindi na." Sagot ko. Binuksan ko ang dala niyang bag. Kinuha ko doon ang tuwalya. Pinunasan ko siya ng pawis sa likod at leeg.

"Don't overthink. Sometimes we end up hurting ourselves because we think too much." Tumayo siya at lumapit sa cooler. Kumuha siya doon ng isang bote ng avian water. Binuksan niya yun at tinungga.

"Mahirap iwasan ang pag-iisip. Lalo na kung nalalabuan ka sa sitwasyon." Saad ko. Seryoso siyang muling umupo sa tabi ko. Tila may malalim na iniisip. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Naroon na naman yun sa mata niya. Ang pagbabago ng kulay nito.

"Everytime I try to stay up there. Where I belong. Where I'm used to. There's something that's always pulling me to be here. Kung nasaan ka." Kung dati ay sandali ko lang nakikita ang pagbabagong yun sa mga mata niya. Ngayon, habang nakatitig siya ay nanatili yun. Matagal.

GRAVITY (completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ