Chapter 24

10.5K 209 10
                                    


"I thought you still like him. Akala ko mawawala ka na sa akin." Nakayuko siya habang nakatingin sa dumudugo na niyang kamay.

"Hindi totoo yan. Ikaw lang ang gusto. Ikaw lang ang mahal ko." Dahan dahan kong kinuha ang dumudugo niyang kamay. "Tignan mong ginawa mo, di ba shooting hand mo ito. Paano kung nadurog ang buto mo dito? Malapit na ang intercollegiate, paano kayo mananalo kung injured ka?"

"I don't care." Tuluyan ko na siyang niyakap.

"Huwag mo na ulit gagawin yun ha. Huwag na huwag mong sasaktan ang sarili mo." Humihikbing saad ko habang nakaluhod ako at yakap yakap siya ng mahigpit. "Halika na, punta tayong ospital. Kailangan matignan ng doktor yang kamay mo." Akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin siyang pumunta sa ospital pero walang imik siyang nagpahila ng hilahin ko siya patayo.

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ng doktor na wala naman daw fracture ang kamay niya. Bugbog lang daw at sugat ang matamo nito. May konting pamamaga dito pero kusa raw naman itong gagaling. Ginamot na lamang nito ang kanyang sugat at nilagyan ng dressing.

"Gusto mo na bang kumain ng lunch? Four pm na, baka nagugutom ka na." Tanong ko habang papalabas kami mula sa emergency room ng Notre Dame hospital.

"Can we just go back to the hotel and rest. My hand is throbbing. Did the doctor gave me any painkiller?" Medyo iritableng sagot niya.

"Yes, pero kailangan mo munang kumain bago ka uminom ng gamot." Marahan lang itong tumango.

"Magparoom service na lang tayo. Come on, I hate the sight of hospitals." Hinila na niya ako papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan niya. Pagkaupo namin sa likurang upuan ay agad nitong hiniga ang ulo sa kandungan ko. "I feel a bit dizzy babe. I think I'm going to be sick." Akala ko ay nagiinarte lang siya kaya kinapa ko ang kanyang noo. Medyo mainit nga ito.

"Okay ka lang ba? Bakit bigla kang nilagnat?" Tanong ko habang hinahaplos ang kanyang noo.

"I'm just tired. Physically. And emotionally." Mahinang sabi niya habang marahan itong pumipikit. Ewan ko, pero bigla akong naguilty. "I've been having this roller coaster of emotions since I meet you. Hindi lang siguro ako sanay." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa kanyang mga sinasabi.

"Sorry na. Di ko naman alam na mangyayari ito eh. Magmula ngayon good girl na ako. Hindi na ako magsusuot ng maiksing shorts. Di na ako makikipag-usap kahit kaninong lalake. Di na kita aawayin. Di na kita sasaktan. Di na kita susuwayin." Muli kong hinaplos ang kanyang noo. Mainit pa rin ito. Nakapikit pa rin ito pero alam kong naririnig niya ang mga sinasabi ko.

"Tss. Liar. You've always been like that. Ang tigas ng ulo mo." Marahan itong napangiwi. Marahil ay kumikirot ang sugat niya sa kamay.

"Okay ka lang ba? Bumalik na lang kaya tayo sa ospital." Talagang nag-aalala na ako.

"Kumirot lang itong kamay ko. I just need to sleep, hindi kasi ako nakatulog kagabi kasi wala akong katabi. Yung girlfriend ko mas piniling matulog katabi ang unan. Tapos biglang sasabihin sa akin kinabukasan na hindi siya pupunta sa game ko." Nakapikit pa rin siya habang sinasabi yun. Muli kong kinapa ang kanyang noo. Mas mainit ito kesa kanina. Di ko namalayan na nasa harap na pala kami ng hotel.

"Halika na. Nandito na tayo." Inalalayan ko siyang bumangon. Bumaba na ito matapos pagbuksan ng kanyang bodyguard. Nakaakbay ito sa akin habang lulan kami ng elevator. Nang makapasok kami sa hotel room ay wala na ang nabasag na lampshade. Napalitan na ng bago. Tila nanghihinang sumampa ito sa kama at humiga ng patagilid.

"Matutulog lang ako babe. Wake me up at seven." Tumango na lamang ako ng marahan. Umupo ako sa paanan ng kama upang tanggalin ang suot niyang rubber shoes. Tinira ko lang ang itim niyang medyas. Nang muli ko siyang lingunin ay mahimbing na itong natutulog. Tinanggal ko na rin ang suot kong sneakers at dahan dahan akong humiga sa kanyang tabi.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib. Tama nga si Alexa ang mga gwapong katulad nitong si Bryan ko ay may pagkabipolar at mahilig magpa-alaga. Ganito din siguro ang ugali nung sinasabi niyang Jb niya. Pare pareho ba silang mahilig manuntok ng dingding kung nagagalit?

Dati akala ko pag nakaramdam ka ng konting kilig para isang tao ibig sabihin mahal mo na ito. Hindi pala ganun kasimple ang magmahal. Pag nagmahal ka pala nagiging vulnerable ka. Maliligalig ang mundo mo.Tama si Bryan, para kang nakasakay sa roller coaster. Nagiging iyakin ka. Nagiging syonga ka. Nagiging oa ka. Nagiging sweet. Nagiging julalay. Nagiging uto uto. Nagiging possessive. Nagiging praning. Nagiging timang. Nagiging adik. Nagiging hopeless. Nagiging baliw. Nagiging corny. Nagiging totoong tao.

Ibang iba nung kami ni Matt. Dati okay lang sa akin kahit di kami magkita. Ayos lang kung may kausap at kalandian siyang iba. Walang bawal sa aming dalawa. Di kami nagkakasakitan ng damdamin. Di kami nag-aaway. Di kami nagkakasagutan. Carry lang. Walang pressure. Walang expectations. Walang paasa. Kaya nung umalis siya at mawala , nalungkot man ako ay natanggap kong di talaga kami para sa isat isa. Ganun lang kadali.

Pero pagdating sa gwapong ito imagination pa lang na mawawala siya waterfalls na ang luha ko. Titig pa lang niya one thousand heartbeat per minute na ako. Amoy pa lang niya bangag na ako. Isang araw ko lang di makita windang na ako. Isang utos lang niya uto uto na ako. Para akong timang sa kilig pag ngumingiti na siya. Ang oa ng mga drama namin sa buhay. Pareho kaming possessive. Bigla akong naging corny. Baliw na baliw ako sa kanyang. Adik na adik ako sa mga twenty minutes na churvahan namin ng labi. Pakiramdam ko bigla akong naging totoong tao.

Bumaba ako sa restaurant ng makaramdam ako ng gutom. Halos dumidilim na at makulimlim na naman ang langit, nagbabadya ng pag-ulan. Parang ang lungkot naman ng Baguio pag ganitong tag-ulan.

"Pwede bang makiupo? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Nakangiting tanong ni Paolo habang umuupo sa upuang nasa tapat ko. May dala itong isang bote ng San Mig light. Bahagya ko siyang nginitian habang sumusubo ako ng hamburger.

"Nagmumuni muni lang. Di ka ba sumamang mamasyal sa mga teammates mo?" Saad ko sa kanya. Umiling ito.

"I'm not a big fan of nature. Isa pa minu minutong tatawag si Mitch pag alam niyang gumagala ako. Masyadong praning yun eh. Feeling niya kahit saan ako magpunta nambababae ako." Humalakhak ito ng malakas. Lumabas ang maputi at pantay pantay nitong ngipin. Gwapo rin pala ito kahit medyo maitim. Ayon kay Bryan ay Italyano ang daddy nito kaya ganun ang kanyang kulay.

"Selosa pala ang girlfriend mo ano? Ikaw seloso ka rin bang katulad ni Bryan?" Muli itong natawa.

"Yeah. But I think mas malala ang sayad ni Bryan kesa sa akin. Actually sayo lang naman siya ganyan eh. Sa mga dati niya wala naman siyang pakialam. No offense meant Yumi ha. Ang daming naghahabol diyan kay Bryan. Ang gaganda at ang sososyal. Syempre sikat at gwapo, anak pa ng Bise Presidente. Mayabang yan at suplado nung nasa St Benedict pa kami. Never ko nga siyang nakitang ngumiti eh. Pero ngayon biglang naging totoong tao. Ngumingiti na." Tila amazed na amazed niyang saad.

"Alam mo bang yung huli niyang girlfriend bago naging kayo nag-isip pa ng magandang gimmick para sabihing mahal niya si Bryan. Nagpunta sila doon sa hot air baloon festival sa Pampanga. Habang nasa ere sila biglang may isang baloon na may malaking nakasulat na I LOVE YOU BRYAN. Ayun, pagbalik nila sa Maynila break na sila. Alam mo kung anong sabi sa akin ni Bryan? Sabi niya hiyang hiya daw kasi siya sa mga public display of affection. Ang corny daw ng ginawa ni Denise. Kaya nga natatawa ako ngayon pag naiisip ko yung sinabi niya noon. I mean look at what he's been doing lately. Kulang na lang magsex kayo in public." Muli itong humalakhak.

"Paolo!" Saway ko sa kanya.

"What? Di mo ba nakikita kung gaano kaaddict sayo si Bryan? Buksan mo nga yang mga mata mo. First time Yumi. This is the first time, na nakita ko siyang ganyan sa isang babae. I have known Bryan since we were in grade one. Halos dikit ang mga bituka namin. Feeling ko nga ibang Bryan ang nakikita ko ngayon." Bigla akong natulala sa kanyang mga sinasabi.

"Ha?" Yun lang ang tanging nasabi ko.

"One more thing, alam mo bang basketball ang buhay niya. Sabi kasi niya ito yung isang bagay na kaya niyang ipagmalaki dahil magaling siya dito bilang si Bryan, hindi bilang anak ng daddy niya. But look at what happened this morning, di ka lang pumunta sa game nagkaletse lestse na ang laro niya. Kahit kelan hindi nawalan ng focus sa laro si Bryan. Kanina lang."

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now