Chapter 49

9.6K 162 2
                                    


Puti at nakakasilaw na ilaw sa kisame ang bumungad sa akin ng magising ang aking diwa. Nasaan nga ba ako? Anong nangyari sa akin? Napabalikwas ako ng bangon ng bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Nakita kong tumayo mula sa sofa si Brix. Nag-aalalang lumapit ito sa kama kung saan ako naroon.

"Hey,kumusta na ang pakiramdam mo Bogs?" Humaplos ang isang kamay nito sa buhok ko. Napahawak ako sa braso nito. Kusang yumakap mga braso ko sa bewang ni Brix. Nagsimula na naman akong humikbi.

"Bogs, si Bryan? Nasaan si Bryan? Gusto kong makita si Bryan." Hysterical na ako. Muling humaplos ang kamay nito sa buhok ko.

"Shhhh..relax bawal sayo ang mastress baka kung anong mangyari baby mo." Ha? Anong baby? Bahagya ko siyang naitulak at tiningala.

"A-anong baby?" Napasapo ako sa ulo ko dahil tila na naman ako lumulutang sa hilo.

"You're five weeks pregnant. Magkakababy ka na Bogs." Buntis ako? Magkakaroon na kami ng little Bryan? God, ang bilis naman po atang natupad ng wish ko.

"B-buntis ako? Magkakababy na kami ni Bryan?" Marahang tumango si Brix. "Bogs, dalhin mo ako kay Bryan. Kailangang malaman niya ang good news. Sige na Bogs! Please!"

"S-sige. Sigurado ka bang okay lang ang pakiramdam mo?" Tumango ako. Inalalayan niya akong tumayo.

Abot abot ang kaba ko habang naglalakad kami ni Bogs sa pasilyo ng ospital. Sa tantiya ko ay maghahating gabi na. Tahimik sa buong paligid maliban sa panaka nakang pagtunog ng paging system ng ospital. Tila may bikig sa aking lalamunan. Habang patuloy ang pagtindi ng sakit na nadarama ko sa gitna ng aking dibdib. Malayo pa ay natanaw ko na ang mga nakatayong PSG. Nakita ko ang bulto ni President Bernabe. Nakaupo ito sa upuang nasa labas ng ICU. Nakayuko at sapo ng dalawang kamay nito ang kanyang noo. Larawan ng isang amang nag-aalala sa kalagayan ng kanyang kaisa isang anak. Na-angat ito ng tingin ng maramdaman ang presensya ko. Bigla itong tumayo at nilahad ang mga kamay. Napatakbo ako at sinugod ito ng yakap.

"Tito mabubuhay si Bryan di ba? Hindi niya tayo iiwan di ba?" Himihikbing sabi ko.

"Oo Yumi. Mabubuhay si Bryan. Matapang ang anak ko. Kaya niya ito." Sagot niya habang hinahagod ang likod ko. "Magigising siya ulit. Matutuloy ang pagpapakasal niyo." Tiningala ko siya. "He called me up this morning, masayang masaya siya. Sabi niya you're getting married tomorrow. Di na daw kayo makapaghintay kasi gusto na daw niyang magkaroon ng little Bryan. My son is just so happy. Mahal na mahal ka ni Bryan. I've seen how he was two years ago ng iwan mo siya. He was so broken. Mas wasak pa kesa nung mamatay ang mommy niya. Pero muling bumalik ang sigla niya when you two got back together."

"I feel guilty iha. Ako ata ang dahilan kung bakit ito nangyari sa anak ko. Politics is a dirty game. Marami akong lihim na kaaway. Hindi ko man lang naisip na maaring mangyari ang ganito. Sana'y ako na lamang. Sana hindi na lang siya. Bata pa si Bryan, marami pa siyang pangarap para sa inyong dalawa. He wants to give you the whole world. Ganun ka niya kamahal." Nagpahid ito ng sariling luha. Hinila niya ako sa bintana ng ICU. Napatitig ako sa nakahigang pigura ni Bryan. May nakakabit na tubo sa bibig nito. May monitor sa tabi niya na may linyang umaalon sa gitna. Heartbeat monitor. May kung anu anong wire ang nakakabit sa katawan nito. May benda ang buong tiyan at balikat nito.

"Two gunshot wounds. Isa sa balikat at isa sa abdomen. They have to operate dahil may mga organs na tinamaan ang bala. The next 48 hours is critical. If he survived it, then he has a big chance of recovering. Frankly speaking iha. I'm so scared. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko." At that moment nakita ako ang vulnerability ni Jaime Bernabe. Hindi Presidente ng bansa ang kaharap ko ngayon kundi isang amang natatakot mawalan ng kaisa isang anak.

Hilam na hilam sa luha ang mga mata ko habang hawak hawak ko ang isang kamay ni Bryan at dinadampian ng halik. Nakaupo ko sa gilid ng hospital bed niya. He look so pale. Maputlang maputla ang kanyang itsura. Ibang iba sa masiglang Bryan na kasama ko kaninang umaga. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sanay di na kita pinaalis sa tabi ko. Kaya pala ganun ang pakiramdam ko kanina. Ganito pala ang susunod nating pagkikita.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now