Chapter 7

12.8K 253 10
                                    


"Omg! What is he doing here?" Sigaw ng kaklase kong malandi. Kalalabas lang nito sa classroom namin.

"Shit! He's really here!" Bulalas ng isa pa. Di ko na lang yun pinansin. Likas na sa mga ito ang paglalandi walang bago dito. Nakayuko akong lumabas ng classroom. As usual ay tulala ako. Dinaanan ko lang at di pinansin kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko.

"Hey! Errand girl!" Malakas ngayon ang sigaw niya ha. Medyo nabingi ako doon. Bigla akong napatigil. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na yun.

Nakasandal siya sa dingding ng corridor. Nakashorts na pangbasketball at itim na tshirt. Nakahalukipkip ito habang nakatitig na naman sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" As usual napatulala na naman ako. Dahan dahan ko siyang nilapitan. Nag-aalisan na ang mga kaklase ko. Mukhang natakot sa pagsusuplado niya.

"What do you think?" Seryoso pa rin ito. Ayun. Nakita ko ulit yun. Ang pagkunot ng noo niya. Ang pagbabago ng kulay ng mata niya. Tumuwid na ito ng tayo. Hinagilap ng isa niyang kamay ang kanang kamay ko. Hinila niya ako paalis.

"San tayo pupunta?" Tanong ko. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pagdidikit ng mga balat namin.

"Let's eat. Gutom na ako." Hinila niya ako pababa sa hagdanan.

"Teka lang baka matapilok ako." Bahagya siyang bumagal sa paglalakad.

"Give me your bag." Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nilahad ang kaliwa niyang kamay. Inabot ko sa kanyang ang pink kong backpack. Sinabit niya yun sa balikat niya. Muli akong hinila pababa sa hagdanan. Napabungisngis ako ng tawa. Muli niya akong nilingon. "What's so funny?"

"Amin na yang bag ko. Ang sagwang tignan sayo. Ang laki laki mong tao nakabag ka ng pink." Pinipigil ko pa rin ang tawa ko. Lumingon siya. Tinitigan na naman niya ako. Seryoso. Di na ako umimik. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako. Naramdaman kong pinagsalikop niya ang mga daliri namin sa kamay. Mas nanginig ang buong katawan ko. Halos di ako makahinga.

Binagtas namin ang daan patungo sa parking lot. Natanaw ko ang kulay itim niyang sasakyan na ibang iba ang kinang kumpara sa mga sasakyang nandoon. Nakita kong may kinapa siya sa bulsa ng kanyang shorts. Pinindot niya yun. Umilaw ang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng passenger side.

"Sakay." Utos niya. Nagkaupo ko ay inabot niya sa akin ang backpack ko. Umikot siya sa driver's side. Pakaupo niya ay naamoy ko na naman ang banayad niyang pabango. Lumapit pa siya sa akin. Dikit na dikit ang dibdib niya sa braso ko. Inabot niya ang seatbelt ko. Kinabit niya ito. Ganun din ang ginawa niya sa seatbelt niya.

"Saan tayo pupunta?" Muli kong tanong ng buhayin na niya ang makina ng kotse.

"I said were going to eat. Di mo ba ako narinig kanina?" Umaatras na kami palabas sa parking lot. Natanaw ko na ang gate ng Xavier.

"Bakit isasama mo pa ako?" Nilingon niya ako at tinitigan sandali. Muli siyang tumingin sa kalsada. Hinagilap ng kanan niyang kamay ang kaliwang kamay ko.

"You want me to eat with someone else? Tapos ano? You're going to cry again?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Bahagya siyang ngumiti.

"Girlfriend mo ba yun? Yung kasama mo kanina?" Mahina ang pagkakasabi ko nun. Halos pabulong.

"Bakit? Nagseselos ka?" Muling sumeryoso ang mukha niya.

"Ha?" Gulat na naman ako.

"The answer is NO. She is not my girlfriend. Come to think of it, I don't even remember her name." Hinatak niya ang kamay ko palapit sa labi niya. Napapikit ako ng dumampi yun sa palad ko. Ramdam ko doon ang mainit niyang hininga.

"B-Bryan.." Yun lang ang tanging nasambit ko.

"Are you jealous Yumi?" Muli niyang tanong. Muli ring dumampi ang labi niya sa palad ko.

"Ha?" Omg! Nalilito na ako.

"Bakit ka umiyak?" Di ko namalayan na huminto kami sa gilid ng kalsada. Kinalas niya ang seatbelt niya at humarap sa akin. "Now tell me. Are you jealous?" Tinitigan na naman niya ako.

"Bryan, please....Hindi ako makahinga." Bulong ko. Nanginginig na ang buong katawan ko. Kinuha niya ang isang kamay ko. Dinala niya yun sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Tinitigan ko siya habang pabilis ng pabilis ang tibok puso ko.

"Can you feel that? That's my heart. It's been like that since the day I meet you. Hindi rin ako makahinga ngayon. Now tell me are you jealous?" Nakita ko ulit yun. Ang pagkunot ng kanyang noo. Ang pag-iiba ng kulay ng kanyang mga mata. Hindi ito nawala ngayon. Naroroon pa rin habang tinititigan ko siya.

"Oo..nagseselos ako." Halos mawalan ako ng hininga. Pumikit ako marahan. Di ko na ulit nagawang dumilat dahil naramdaman ko na yun. Ang pagdampi ng mga labi niya sa bibig ko. Marahan. Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang pagdiin ng mga halik niya.

Kusang yumakap ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Tinugon ko ang bawat atake niya sa bibig ko. First kiss ko to. Pero parang sanay na ang mga labi kong tumugon sa mga halik niya. Bahagya ko siyang naitulak ng kapusin na ako ng hininga.

"Di..na ako..makahinga." Bulong ko sa kanya. Nakayakap pa rin ako ng mahigpit sa leeg niya.

"Wala naman yun. Nagsayang ka lang ng luha." Bulong niya. Humigpit din ang yakap siya sa bewang ko.

"Nakakainis ka. Paiba iba ka ng kasama. Dinidisplay mo sila." Hinampas ko ang balikat niya.

"Hindi na." Dumampi ang labi niya sa leeg ko.

"Ang landi landi mo." Muling humampas ang palad ko sa malapad niyang likod.

"I will not do it again okay. Nakakarami ka na. Masakit." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Promise?" Napasinghap ako ng kagatin niya ang tenga ko. Muli ko siyang hinampas.

"Aray! Promise na nga. Masakit na ha." Di pa rin ako bumibitaw ng yakap. Baka kasi di na ito maulit. Di rin naman siya bumibitaw.

"Can we eat now? Di pa kasi ako kumakain ng lunch. I'm starving to death." Umayos na siya ng upo. Binalik muli ang kanyang seatbelt. Nahihiya akong yumuko. Hinagilap ulit ng kamay niya ang kaliwang kamay ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now