Chapter 33

10.6K 174 9
                                    

SPG

"Love? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Bryan? Kelan ka pa natutong magmahal ha?" Muling naging antipatika ang tono ng pagsasalita ni Denise habang pinapahid ang luha sa kanyang pisngi.

"Lately. When I met her." Seryosong tugon ni Bryan. Ngumiti ng mapait si Denise habang tumititig sa akin.

"Fine. Goodluck girl, sana magtagal kayo. Mukhang hindi mo pa talaga kilala si Bryan Bernabe. He is not the person that you think he is. There's more to that boyish look than meets the eye. Wait till somebody new comes along. Yung mas maganda at mas exciting kesa sayo. Then you will know how I feel right now." Mabilis na niya kaming tinalikuran. Napatulala ako sa kanyang sinabi. Gaano ko na nga ba kakilala si Bryan Bernabe?

"Don't tell me you believe her? Babe kung anuman ako dati, kinalimutan ko na lahat yun ng makilala kita. I don't want to lose you. I love you so much." Bulong niya sa akin dahil nakangiting nakatingin sa amin sina Jasper at Paolo.

"Relax Yumi. You got him around your little fingers. Ano ba kasi ang pinakain mo diyan sa boyfriend mo? Mukhang hindi na namin kilala. Ligawan mo nga si Yumi Jasper para naman malaman natin kung anong meron sa kanya." Tumatawang biro ni Paolo. Tinitigan sila ng masama ni Bryan.

"Gusto mong mamatay dito?" Seryosong saad ni Bryan. Muling humalakhak ng malakas si Paolo.

Halos hindi ako humihinga ng mag-umpisa na ang game. Paano naman kasi second quarter na pero agawan pa rin ng lead ang dalawang team. Gaya ngayon, leading lang ng two points ang Xavier. Di maikakailang magagaling din ang mga players ng St. Benedict na ang iba ay dating kateam ni Bryan. Nakahinga ako ng maluwag ng tumunog na ang buzzer. Hudyat na tapos na ang first half. Pawis na pawis si Bryan habang umuupo ito sa tabi ko.

"Babe, may sandwich ka ba diyan? I'm so tired and wasted." Tila nanghihinang saad niya habang nagtatanggal ng jersey. Gusto ko siyang sawayin sa kanyang ginagawa pero kita ko ang labis niyang pagod. Hinayaan ko na lang kahit alam kong nakatutok sa katawan niya ang mata ng bawat babae doon. Pinunasan ko ng hawak kong tuwalya ang basa niyang likod at inabot sa kanya ang isa pang jersey na tulad ng tinanggal niya.

"Magbihis ka na, baka malamigan yang likod mo." Seryoso kong saad. Ngumiti ito ng marahan. Sinabit lang niya sa balikat niya ang inabot kong jersey at di isinuot. Anong balak niya? Idisplay sa daan daang estudyante ang katawan niya? Namumula ako habang tinititigan siya ng matalim.

"Ang cute mong magselos." Di ko pinansin ang kanyang sinabi. Inabutan ko siya ng sandwich. "Di mo ako susubuan?"

"Malaki ka na. You can eat on your own. Labas lang ako sandali." Di ko na hinintay na sumagot ito. Bumaba ako ng bleachers at tinungo ang back exit ng gym. Umupo ako sa isang wooden bench.

"Hey, are you okay?" Nakatopless pa rin ito habang papalapit sa akin.

"Ano ba ang gusto mong palabasin Mr. Bernabe? Kailangan talagang idisplay ang katawan sa buong gym?" Di na ako nakapagpigil.

"Bakit ikaw? I told you not to wear clothes showing your legs pero ang hilig hilig mong sawayin ako?" Nagulat ako. First time kasing napikon ito sa akin. Galit kasi ang kanyang tono.

"So ano ito? Gantihan? O nagpapapansin ka lang dun sa exgirlfriend mo? Ano yan, para ready na para sa pool party mamaya?" Sarcastic kong tugon. Napangiti siya ng mapait.

"Why? Do you want me to go there?" Tila tuluyan na itong napikon sa akin.

"Di pumunta ka. Wala akong pakialam." Pinanliitan ko siya ng mata.

"Do you have any idea kung anong mangyayari doon pag pumunta ako?" Pinanliitan din niya ako ng mata.

"Yun naman ata ang gusto mo di ba?" Nagsisikip ang dibdib na tinalikuran ko siya. Tinahak ko ang daan paalis ng Xavier.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon