Chapter 35

9.6K 186 13
                                    


Tumingala ako sa langit paglabas ko sa bangko. Makulimlim ang langit, nagbabadya ng malakas na pag-ulan. Nayakap ko ang sarili ko dahil sa malakas na hangin na biglang sumalubong sa akin. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ng halos dalawang taon pakiramdam ko ay nakalaya na ako sa pagkakabilanggo. Wala na akong utang kay Maita Bernabe. Sa wakas ay nakumpleto ko na ang five hundred thousand pesos. Halos dalawang taon akong kumayod upang mabayaran ko siya, pero sadyang napakalaking halaga nito. One hundred fifty thousand lang ang naibayad ko. Noong isang buwan ay nagpasya akong ibenta na lamang ang munti naming bahay upang tuluyan na akong makabayad. Ngayon nga ay naideposito ko na ang kabuuan. Three hundred fidty thousand pesos. Malaya na ako. Malaya na ako kay Maita Bernabe.

Masakit sa akin na ibenta ang tanging alala sa buhay namin ni Nanay, pero kailangan kong gawin ito upang tuluyan ko ng mapatawad ang sarili ko. Sa ginawa ko kay Bryan. Sa pang-iiwan ko sa kanya. Sa pagbebenta ko ng pagmamahal ko. Walang araw sa nakalipas ng halos dalawang taon na hindi ko pinagsisihan ang aking ginawa. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun, ang araw na nawala sa akin ang dalawang pinakamamahal kong tao. Kailangan ko ng magmove on sa nakaraan. Ito na ang umpisa nun. Ang patawarin ang sarili ko.

Nakapa ko sa aking daliri ang singsing na bigay ni Bryan. Napatitig ako sa hugis pusong bato nito na kumikinang. Nakasuot pa rin ito sa daliri ko, hindi ko magawang tanggalin. Kung binenta ko siguro ito noon, matagal na akong nakabayad kay Maita Bernabe. Pero sadyang napakahalaga nito sa akin. Ang tanging alaalang iniwan sa akin ni Bryan.

He is back. Bumalik na siya ng Pilipinas. Dalawang buwan pagkatapos ko siyang iwan ay lumipad ito pabalik ng New York. Ngayon ay narito na ulit siya. Si Jaime Bernabe na kasi ang bagong halal na Presidente ng bansa. Noong isang buwan ay bumuluga sa telebisyon ang kanyang pagbabalik. Bilang anak ng Presidente ay dinumog siya ng mga press people sa airport. Humihikbi ako habang pinapanood ko siya sa telebisyon. Ibang iba na siya sa dating Bryan ko. Seryoso ang mukha nito, hindi ngumingiti. Maiksi na ang buhok nito, military cut. Nakasuot ito ng itim na salamin. Pati pananamit ay ibang iba na. Nakasuot ito ng stripes v-neck shirt at light gray Armani blazer. Sosyal na sosyal. Parang milya milya na ang kanyang layo. Hinding hindi ko na makakayang abutin pa.

"Good morning boss." Saad ko kay Jorge Rochi ang may-ari ng Jorge's restaurant kung saan ako nagtatrabaho bilang waitress. Nagtataka ako dahil alas dose na ng tanghali pero wala pa ring katao tao dito. "Anyareh? Bakit po wala tayong customer?" Tanong ko sa aking amo.

"We have a special customer. Pinasara niya ang buong restaurant dahil kakain yata sila ng girlfriend niya." Ibang klase rin ang mga rich. Kailangan ba talagang ipasara pa ang buong restaurant?

"Siguro wedding proposal yan boss." Tugon ko.

"I don't think so. I guess they just want some privacy. Sikat siyang tao, ayaw lang sigurong may mga press na lumapit sa kanila." Sagot nito habang sinusuri ang mga alak na nakadisplay sa bar. "Hindi ko na pinapasok yung ibang waiters. Okay lang ba kung ikaw na ang mag-asikaso sa kanila?"

"No problem boss." Nakangiting sagot ko. Actually, sanay na sanay na ako sa ganitong set up. Maraming sikat na tao ang kumakain dito. Mga artista, pulitiko at mga taong kilala sa lipunan at kayang magbayad ng mamahaling pagkain dito.

"Good. I'll just go to the kitchen and check our chef. Anytime ay darating na sila," Tinalikuran na niya ako upang pumunta sa kusina. Inayos ko sa pagkakatali sa bewang ko ang kulay light brown na apron na pinatong ko sa medyo maiksing skirt ng uniform ko. Nakapusod ang mahaba ko ng buhok. Napatingin ako sa salamin ng restaurant. In fairness, maganda ang aura ko ngayon. Naglagay kasi ako ng manipis na makeup.

Napalingon ako ng bumukas ng pintuan ng restaurant. Ewan ko pero biglang kumalabog ang dibdib ko ng may dalawang lalaking nakabarong ang pumasok sa restaurant. Luminga linga sila sa paligid. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sila sa akin. Abot abot ang kaba ko. Halos di ako makahinga. Kilala ko ang dalawa. Si Tim at si Gavin ang mga bodyguards ni Bryan. Pumasok ang dalawa pang nakabarong. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang niluwa ng pinto. Pagkatapos ng halos dalawang taon ay nakita ko siya ulit. Si Bryan Kenneth Bernabe. Nakasuot ito ng itim na v-neck shirt at light brown na Armani blazer. Nakakapit sa kanan niyang braso ang isang matangkad at mukhang modelong girl. Nakasuot ito ng kulay puting satin dress na hanggang gitna ng hita, showing her long slender legs.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon