Chapter 18

11K 175 11
                                    


"Bryan gising na. Eight thirty na baka malate ka sa basketball game nyo." Marahan ko siyang dinampian ng halik sa gilid ng labi. Hinatak niya ako ng yakap kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib.

"Hmmm.. You smell so good." Bulong niya habang nilalantakan ang leeg ko. Nakaligo na ako at nakabihis. Pilit akong kumawala sa yakap niya. Hinatak ko ang isa niyang kamay upang bumangon na siya sa kama.

"Bilisan mo ng bumangon diyan.Kanina pa tawag ng tawag si coach, nagpapanic na ata." Tinabihan ko siya sa pagkakaupo. "Ligo ka na. Hinanda ko na yung mga susuotin mo." Tumingin siya akin habang kinukusot niya ang kaliwa niyang mata.

"Sorry. I'm not a morning person. Give me five minutes, I'm not yet fully awake." Saad niya habang nakaupo pa rin sa gitna ng kama. Napatingin siya sa suot kong white shorts. "You are not wearing that shorts." Pinanliitan niya ako ng mata.

"Bryan naman. Hindi ito kasing iksi nung suot ko kahapon. See." Tumayo ako upang ipakitang hanggang gitna ito ng hita ko.

"Tatanggalin mo yan o ako mismo ang magtatanggal niyan sayo?" Seryoso na ito. Pumadyak ako.

"Anong gusto mo nakapanty akong pupunta sa game mo?" Nakangusong sabi ko.

"I'm serious babe. Come on, go and change into something more conservative." Inirapan ko siya.

"Hmp! KJ!" Dinampot ko ang backpack ko at magmartsa ako papasok sa banyo. Huwag ka na kasing magreklamo Yumi. Saway ko sa sarili ko. You're Bryan is back. Ikaw din, baka bawiin siya sayo. Nilapag ko sa lababo ang bag at binuksan. Naglabas ako mula dito ng isang itim na maong jeans. Mabilis kong hinubad ang shorts ko at sinuot iyon.

"Okay na ba Mr. Bernabe?" Tanong ko paglabas ko sa banyo. Ngumiti na ito ng malapad. Kung ganyang ngiti ba naman ang kabayaran ng pagsusuot ko ng pantalon eh di wow!

"Yeah. Good girl." Tumayo na ito mula sa kama at dinampian ng halik ang dulo ng ilong ko. "I love you babe." Bulong niya bago pumasok ng banyo. Kilig na kilig akong napaupo sa kama. Wala sa sariling sinuot ko ang puti kong sneakers.

"What time is it? Do I still have time to eat breakfast?" Tanong ni Bryan paglabas niya mula sa banyo. Nasuot na siya ng varsity uniform niya habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok.

"Nine fifteen na. Hindi pwedeng hindi ka kakain Mr. Bernabe. No breakfast, no basketball." Tumayo ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap sa bewang. Ang tangkad kasi di ko masyadong abot yung leeg.

"Ang higpit naman ng babe ko, daig pa si coach." Nakangiti siya habang dinadampian ng halik ang noo.

Nag-aakyatan na sa bus ang mga kateam ni Bryan pagbaba namin. Mabilis ko na siyang hinila papunta sa restaurant. May ilan ilang babaeng bakasyunista ang natutulala habang nakatitig sa gwapo at matangkad kong boyfriend.

"Huwag ka ngang masyadong magpapacute. Tingin ng tingin ang mga babaeng yun sayo." Nakanguso kong saad habang pinaghihila niya ako ng upuan. Pagkaupo niya ay ginalaw galaw at minasahe niya ang kaliwa niyang balikat. "Anong nangyari diyan? May injury ka ba?"

"Medyo masakit. Parang namamanhid." Hinila ko ang kaliwang braso niya at pinisil pisil ko yun ng madiin.

"Di ka naman left handed di ba?"

"Yeah. Pero kasi ginawang unan ng babe ko yan kagabi. Ang likot likot kasing matulog." Humampas ang kamay kong kanina lang ay pumipisil. "Aray!"

"I hate you!" Asik ko sa kanya.

"Hey, I'm not complaining. Come here I'm going to tell you a secret." Hinila niya palapit ang ulo ko. "Sbhgjkgiiimmf."

"Ha?"

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now