Chapter 16

10.5K 176 6
                                    


Nasa terrace pa rin si Bryan ng lumabas ako mula sa banyo. Humihitit ito ng sigarilyo habang may hawak na beer sa isang kamay. Nakatingin pa rin sa kawalan. Hindi ko na siya pwede pang sawayin dahil wala na akong karapatan. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong light blue cotton dress na above the knee ang haba. Pinatungan ko na lang ito ng navy blue na cardigan. Puting doll shoes na lang ang ginamit kong sapatos. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Naglagay din ako ng manipis na makeup. Bibihira kong gawin ito ang mag-ayos ng ganito. Lumapit ako sa bungad ng terrace.

"Mauuna na ako sa baba." Marahang sabi ko. Gulat siyang napalingon. Titig na titig sa mukha ko. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga dahil sa biglang gumuhit ng kirot sa gitna ng dibdib ko.

"Yeah. Sige, susunod ako." Ito ang unang conversation namin magmula ng maghiwalay kami. Sa mahigit isang linggo ay hindi kami nag-uusap. Kung may iuutos siya ay pinapadaan niya ito kay Paolo. Tulala akong nakatayo doon, ganito pala kahirap. Dahan dahan ko siyang tinalikuran. Tinakbo ko ang pintuan. Nakatayo sa labas ng kwarto ang dalawa sa mga bodyguards niya. Mabilis kong tinungo ang elevator.

"Wow! Ikaw ba yan Yumi! Potek, ang ganda mo naman." Malakas ang boses na bati sa akin ni Empoy pagpasok nila ni Caloy sa restaurant. Nasa harapan ko nakaupo si Bryan katabi si Paolo. Umupo si Empoy sa kaliwa ko. Katabi naman niya si Caloy.

"Shhh. Ang ingay mo nakakahiya ka." Hinampas ko siya sa braso. Natigilan ako ng salubungin ako ng galit na titig ni Bryan. Muli kong binalik sa pagkain ang atensyon ko. Five points!

"Yung usapan natin ha. Gigimik tayo mamaya." Bulong ni Empoy habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"Sige. Pwede na ba itong ayos ko?" Nilambingan ko pa ang boses ko.

"Oo naman. Siguradong maraming maiinggit sa amin ni Caloy dahil may kasama kaming kasing ganda mo. Di ba dude?" Baling nito kay Caloy. Nilingon ko ang mga kasama namin. Mukhang kanya kanya sila ng usapan. Kausap ni Paolo si coach. Si Bryan lang ang tahimik.

"Of course. Dahil umuulan ay di na tayo lalayo. Diyan lang sa tapat ay may bar, 18BC. Sumilip na kami doon ni Empoy kanina. Ang daming chicks." Humalakhak silang dalawa ni Empoy.

"Umiinom ka ba Yumi?" Tanong ni Empoy habang sumusubo ng cauliflower.

"Oo naman. Gusto ko ng tequila ha Empoy." Sagot ko. Sheet! Di ko pa natitikmam yun. Naririnig ko lang yun sa pag-uusap ng mga kaklase kong sosyal. Nag-angat ako ng tingin. Wooh! Nag-iba ng kulay ang mga mata niya. Talagang galit na. Pabagsak niyang nilapag ang kanyang tinidor.

"Excuse me! May I have your attention, after dinner ay magpahinga na ang lahat. Eight am ang call time natin. We have to be at SLC at exactly ten am. Players I'm sorry but you can't go bar hopping tonight. If we finish up early at talunin natin ang SLC ng dalawang magkasunod then you can have fun on Saturday night. After eating ay pwede na kayong umakyat." Mahabang speech ni coach.

"Coach pwede po ba kaming pumunta diyan sa katapat nating bar? Kaming tatlo lang po nila Yumi. Kahit po isang oras lang. Hindi naman kami players." Pakiusap ni Empoy.

"Okay but you should come back before twelve midnight. Don't drink to much, ayoko ng errands na puro may hang over." Pagpayag ni coach.

"Yes!" Sabay sabay kaming tatlo. Gulat akong napatingala dahil padabog na tumayo si Bryan. Mabilis itong nagwalk out palabas ng restaurant. Nakasunod dito ang tatlo niyang bodyguards.

Kahit umuulan ay medyo marami pa ring tao sa loob ng bar. Tama si Caloy, marami ngang magagandang turista ang nandun. Umupo kami sa bakanteng mesa na nasa malapit sa stage. Mukhang magaling ang bandang tumutugtog dahil ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Lumapit sa amin ang isang waiter.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon