Chapter 26

11K 180 20
                                    


Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa gilid ng Burnham Lake. As usual ay nakasunod sa amin ang dalawa niyang bodyguard at nakakalat sa tabi tabi ang lima pa. Unti unti na rin akong nasasanay sa kanilang presensya. Tanggap kong parte yun ng buhay ni Bryan.

"Gusto kong magboating. Sige na magboating tayo ha?" Tiningala ko siya with my puppy eyes.

"Babe hindi pwede. Pag may bumaril sa atin doon sa gitna mahihirapan sina Tim na maprotektahan tayo dahil malayo. Magbike na lang tayo." Nakangiti niyang sagot. Medyo nalungkot ako. Excited pa naman akong magboating.

"Parang ang sarap kasing magboating eh. Di ba talaga pwede? Sige na baby please." Pinalungkot ko talaga ang face ko.

"Ulitin mo muna yung sinabi mo." Wow! Nagchange color na naman ang mga mata niya.

"Sige na baby." Yun pala yung magic word. Ngumiti na siya ng malapad habang pinipisil ang ilong ko.

"Pasalamat ka mahal kita. Masyado na aking nagiging under." Nilingon nito si Tim. "Tim, marunong ka bang magsagwan?"

"Boss?" Nagtatakang nagkamot ng ulo si Tim.

"Marunong ka bang magsagwan nung ganung bangka?" Tinuro nito ang mga bangkang may design na parang swan. Napahagikhik ako. Di ko maimagine itong nagsasagwan ng ganung bangka, parang di bagay sa mukhang maton nitong image. "Gusto kasing magboating ni Yumi. Hindi ako marunong magsagwan. Pwedeng ikaw na lang?"

"Yes Boss." Sagot nito habang nagkakamot ng ulo.

"Tell the two to ride another boat and to stay close to us. May dala ba kayong binoculars?" Seryoso na ito habang nagbibigay ng instruction.

"Meron po Boss." Kinuha nito ang radyong nakakabit sa bewang niya at sinabi sa mga kasama ang instruction ni Bryan. Hinila na ni Bryan ang kamay ko papunta sa parking ng mga bangka ng nakitang papalapit na ang dalawa pang bodyguard niya.

"Let's go babe. Let's ride that weird looking boat." Gusto kong matawa sa sinabi niya.

Whew! Ang lamig pala dito sa gitna ng lake. Actually medyo kinakabahan ako dahil kumakapal na ang fog. Tama si Bryan delikado dito dahil di siya masyadong matatanaw nung apat na nasa gilid ng lake pag may nagtangka sa buhay niya dito. In fairness magaling din palang magsagwan si Tim. Pinakalma ko na lamang ang sarili ko. Gusto kong mag-enjoy.

"Wow! Ang ganda ng effect ng fog ano? Para tayong nasa ibang bansa." Yakap yakap niya ang bewang ko mula sa likuran. Yumuko ako at nilapit ang mukha ko sa tubig.

"Will you stop that babe? Mahuhulog ka." Saway niya akin.

"Di mo naman ako bibitawan di ba?" Nilingon ko siya.

"No. I won't let go." Touched ako dun. Promise.

"Mahal mo talaga ako noh?" Tanong ko habang nakatitig sa kulay brown niyang mga mata.

"Di pa ba obvious? Under na under na nga ako." Kailangan bang ulit ulitin yung pagiging under?

"Hmm..di bale spoiled ka naman sa akin eh. Quits lang tayo." Napangiti siya ng slight.

"Malapit na ang birthday ko." Bigla niyang pag-iiba ng topic.

"Talaga?" Kunwari ay hindi ko alam. Ten days from now twenty one na siya. "Ano bang gusto mong gift? Huwag masyadong mahal ha. Baka di ko maafford."

"Ikaw." Matipid niyang sagot.

"Ha?" Anong ibig niyang sabihin? Akong ng bahalang mag-isip. "Ano nga?"

"Ikaw nga..ikaw lang ang gusto ko. Wala ng iba. Nasa akin na ang lahat babe. Ayoko ng regalong nabibili. Basta nandun ka, basta kasama kita sa araw na yun. Yun na yung pinakagusto kong regalo. Yung presence mo." Ilang minuto akong hindi nakapagsalita. Wala akong maapuhap na sasabihin. Nagone thousand per minute na naman kasi ang heartbeat ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa batok ko.

GRAVITY (completed)Där berättelser lever. Upptäck nu