Chapter 15

10.7K 187 25
                                    


Bumalik kami sa dati ni Bryan pagkatapos nun. Para kaming strangers. Ako pa rin ang errand girl niya. Tagapunas ng pawis. Taga abot ng tubig. Tagabili ng mga kailangan niya. Bumalik din siya sa dati. Mas worse nga lang. Cold. Distant. Di ngumingiti. Di tumatawa. Wala ng emosyon sa mga mata niya. Light brown forever. Different girls sa lunchbreak. Di ko alam kung sinasadya niyang gawin yun upang saktan ako. Paulit ulit nabasag ang puso ko. Akala ko pag nabasag ang puso natin hindi na ito titibok pa para sa taong bumasag nito. Pero mali pala yun. Dahil ang bawat piraso ng basag kong puso tumitibok pa rin para sa kanya.

Suot suot ko pa rin sa daliri ko ang singsing na bigay niya. Hindi ko pa rin magawang hubarin yun at ibalik sa kanya. Siguro dahil nung binigay niya sa akin yun, sinabi niyang sinisimbolo nito ang kanyang puso. Pakiramdam ko kasi pag binalik ko ito sa kanya sumusuko na ako. Sa kaibuturan kasi ng puso ko umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin kasi ang basag kong puso na darating ang araw na lalapitan niya ako. Habang may dala siyang mighty bond. Isa isa niyang pagdidikitin ulit ang lahat ng piraso nito.

"Guys, may exhibition game tayo sa Baguio this coming weekend. This is very important because ang makakalaban natin ay ang pinakamagaling sa buong Northern Luzon. If we win the intercollegiate meet sila ang makakalaban natin sa Palarong Pambansa. At least we get to know kung may ibubuga ba talaga sila." Announce ni coach habang inaayos ko at tinutupi ang mga tuwalya at damit na ginamit ni Bryan. Nilagay ko yun sa loob ng kanyang backpack. Wala sa sariling inabot ko ito sa kanya. Kinuha niya yun ng hindi man lang ako tinatapunan kahit isang tingin.

"Caloy, Empoy and Yumi I'm afraid you have to go with us. Three days kasi yun. The players need your assistance. Aalis tayo tomorrow afternoon. No need to bring your cars. May bus na iproprovide ang school. Bryan three of your bodyguards will ride with us. Yung apat will just use another vehicle. That's your father's instruction." Saad nito habang nakatingin sa seryosong si Bryan. Tumango lang ito. Shit! Shit! Shit! Three days? Ilang oras nga lang na makasama ko siya ng ganito namamatay na ako. Three days ko pa kaya siyang makakasama? Bangkay na akong babalik ng Maynila.

Naglabasan na kaming lahat. Tulala pa rin ako habang palabas sa gate ng Xavier. Dumaan sa harap ko ang itim nitong Jaguar. Nakatop down yun. Kitang kita ko siyang seryosong nagmamaneho. Ni hindi niya ako nilingon habang humaharurot paalis. Kasunod ng dalawang sasakyan ng mga bodyguards niya. May kirot na naglandas sa gitna ng dibdib ko. Panaginip nga lang siguro ang lahat ng mga nangyari dahil mukhang di na niya maalala yung sinasabi niyang pagmamahal. Nakapa ko sa daliri ko ang singsing. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi. Totoo lahat yun.

Naalala ko ang pinangako ko noon sa sarili ko. Humadlang man ang lahat. Pati na ang buong mundo pero hinding hindi ko siya susukuan. Ngumiti ako ng marahan. Alam ko na kung ano ang gagawin ko.

Ngingiti ngiti ako habang nagbibihis. Ngayong hapon ang alis namin papuntang Baguio. Pinagpaalam na kami ni coach sa lahat mga prof namin. Dahan dahan kong hinila pataas sa hita ko ang maiksi kong maong shorts. Yes. Maiksi ito at may konting butas butas sa bandang laylayan. Boyleg naman ang panty ko kaya okay lang. Puting knitted sweater ang suot ko pang-itaas. Dinampot ko sa kama ang itim at malaki kong backpack.

"Nay, aalis na po ako." Paalam ko kay nanay. Dumaan muna ako sa karinderya.

"Mag-iingat ka sana anak. Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo? Hindi pa ba kayo okay ni Bryan?" May pag-aalala sa kanyang tinig habang nakayakap ako sa kanya. Alam niya lahat ng nangyari, wala akong nilihim.

"Okay lang po ako. Mahal ako nun, kaya niya yun ginawa." Yun naman talaga ang dahilan. Yun ang pilit kong sinasabi sa sarili ko. Kailangang yun ang paniwalaan ko para makaya ko lahat ng ito.

Nasa parking lot na ng Xavier ang bus na sasakyan namin ng dumating ako doon. Sa likod nito ay may nakapark na dalawang itim na Montero sport. Sasakyan ng mga bodyguards ni Bryan. Umakyat na ako sa loob ng bus. Naroon na ang iba pang players pati ba rin si Bryan. Ngumiti lang ako ng batiin ng mga teammates niya. Dumaan ako sa gilid niya, papunta sa bandang likuran. Nakita ko ang slight na pagkunot ng noo niya ng mapatingin ito sa suot kong maiksing maong shorts. Tila gumalaw pa ang kanyang mga panga. Wooh! Galit? One point Yumi!

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now