Chapter 48

10.7K 171 9
                                    


Pagkalabas ko mula sa banyo ay nadatnan kong natutulog pa rin si Bryan. Wala itong damit pang-itaas. Nakadapa sa kama. Tila sobra itong napagod dahil sa pinaggagagawa namin kagabi. Matapos kasi naming magchurvahan sa rooftop ay sumunod naman sa elevator. Tapos ay sa kama bago kami makatulog. Marahan akong napangiti habang tinititigan ko ang perpektong mukha ng baby ko. Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit sabrang mahal ako ng gwapong ito. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ang makinis niyang mukha.

"Gising na baby ko. Aalis na ako." Bulong ko malapit sa kanyang tenga. Unti unting dumilat ang kanyang kulay brown na mga mata. Tumitig ito sa akin at pagkatapos ay ngumiti ng malapad. Wooh! Is this true? Si Bryan Bernabe ngumiti ng bagong gising? Awang ang mga labi ko.

"Good morning babe. You're leaving?" Bumangon ito paupo at sumandal sa headboard ng kama. Hinila nito ang isang kamay ko at sinimulang halik halikan sa palad. Ngiting ngiti pa rin ito. Anyareh? Sa pagkakakilala ko kay Bryan, masungit ito pag bagong gising. As in hindi talaga ngumingiti.

"May quiz pala ako sa first period. Nakalimutan ko." Tugon ko. Umusod ito upang maipatong sa balikat ko ang kanyang baba.

"Ganun ba? Wait for me, akong maghahatid sayo sa school." Tumayo ito at kumuha ng pantalon at tshirt sa closet. Mabilis niyang sinuot ang mga iyon. "Kumain ka na ba ng breakfast?" Marahan akong tumango.

"Kumain ako ng cereals bago maligo. Bilisan mo na baby ko. Late na ako." Napatingin ako sa suot kong relo. Alas otso na ng umaga. Eight thirty ang first period namin.

Palinga linga ako kay Bryan habang nagdadrive ito. His hair is unruly, ni hindi ata ito nagsuklay. But he still look so handsome and delicious. Parang vanilla ice cream na may chocolate syrup. Napangiti ito ng mahuli niyang titig na titig ako sa kanyang malapad na dibdib. Nagsalubong ang mga kilay nito na para bang may iniisip na kalokohan.

"Wanna tell me about it?" Tanong nito habang humahaplos ang isang kamay nito pataas sa aking hita.

"Iniisip ko lang na napakagwapo ng baby ko. Mukhang ang sarap sarap." Nakangiting tugon ko pero bigla akong medyo napangiwi. Meron kasing banayad na kirot na naglandas sa gitna ng aking dibdib. Muli kong tinitigan ang perpektong mukha ni Bryan habang nakaside view. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ang weird ha, bakit ako nakakaramdam ng ganito? Umusod ako ng upo at bigla ko itong niyakap ng mahigpit.

"Mahal mo ako?" Tanong niya habang dinadampian ng halik ang noo ko. Humaplos sa tiyan ko ang isa niyang kamay.

"Sobra sobra." Sagot ko..Kaya natatakot akong mawala ka sa paningin ko.

"Me too babe." Mahinang bulong nito. Di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami ng Xavier Academy. Lumapit sa akin si Bryan upang kalasin ang aking seatbelt. Hindi ko alam kung bakit, pero muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Bakit bigla akong nalungkot? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Naramdaman ko na ito noon, two years ago. When Bryan went to New York, sa airport nung ihatid ko siya.

"Pag hindi ako nakaalis ng maaga sa office, susunduin ka ni Gavin okay?" Anito habang ginaganti ang yakap ko. Bigla ko itong naitulak.

"Bakit si Gavin? Ayoko kay Gavin, gusto ko ikaw ang susundo sa akin." Inirapan ko siya at padabog na hinablot ang bag ko sa backseat. Nakangito itong nagkamot ng ulo, sabay hila sa isang kamay ko.

"Hey, huwag ng magtampo ang prinsesa ko. Okay, ako ang susundo sayo mamaya. Kiss mo na ako, baka late ka na." Nilapit nito ang mukha sa akin. Kinulong ko sa mga palad ko ang kanyang mukha. I gave him a mind blowing kiss. Yung halik na pangchurva. Yung halik na paborito ko.

"Hmmm..more." Daing nito. I open my mouth and entered my tongue. Litse! Umagang umaga naiinitan ako. Pagkatapos ko siyang halikan ay sinandal ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Bumalik na naman kasi yung nararamdaman ko. Magkahalong takot at lungkot.

GRAVITY (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant