Chapter 32

10.9K 194 15
                                    


Nagising akong may humahalik sa aking pisngi. Dahan dahan akong dumilat. Ang gwapong mukha ni Bryan ang gumising sa natutulog ko pang diwa. Masuyo niyang hinahaplos ang mukha kong nakakulong sa kanyang mga palad.

"I have to go. Kailangan ko munang umuwi para maligo at magbihis. Go back to sleep, it's only five am." Saad nito habang nakatitig ako sa mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko.

"Happy birthday ulit baby ko." Malambing kong tugon. Hinatak ko palapit ang mukha niya at dinampian ko ng halik ang dulo ng kanyang ilong. Bumangon ako upang makaupo, inabot ko ang drawer sa table na katabi ng kama ko. Binuksan ko ito at kinuha ko doon ang regalo ko sa kanya na nababalutan ng kulay puting wrapper na may maliliit na pulang pusong design. "I love you baby ko." Inabot ko ito sa kanya. Seryoso siyang napatingin sa hawak kong regalo.

"I told you not bother babe. Ayoko ng regalong nabibili, you're more than enough for me." Saad nito habang umuupo sa tabi ko. Nakangiting kinusot kusot ko ang gilid ng aking mga mata upang matanggal ang antok ko.

"Huwag kang mag-alala mura lang yan. Pero yung laman niyan mahal." Sagot kong pangiti ngiti pa rin.

"Ha?" Tila nainis ito sa sinabi ko. Mabilis niyang pinunit ang nakabalot na giftwrapper. Tumambad sa kanya ang isang puting kahon, agad niya itong binuksan. Sa loob ay nandun ang isang mukhang antique na picture frame, kung saan nakalagay ang picture naming dalawa habang nagboboating kami sa Burnham Park. Selfie yun. Nakangiti siya sa camera habang yakap ko siya sa leeg at hinahalikan ko siya sa gilid ng labi.

"I told you, mahal yang nasa loob. Mahal na mahal ko." Biro ko sa kanya. Niyakap ko ng mahigpit ang kanan niyang braso. "You like it?" Tanong ko.

"Yeah. Actually I love it. I love the person who's kissing me in this picture." Nakangiting tugon niya habang nakatitig sa cute na cute na picture naming dalawa.

"Ilagay mo yan sa tabi ng kama mo ha." Malambing kong sabi. Nakangiti itong tumango.

"Okay babe, I will." Masuyo nitong hinaplos ang mukha ko. "Come on, go back to sleep. Ipapasundo na lang kita kay Gavin mamaya. Magkita na lang tayo sa school." Muli akong humiga. Inayos niya ang kumot na nakatakip sa katawan ko. "I love you babe. Bye. I'll just close the front door when I got out."

Marami ng mga estudyante sa loob ng gym ng Xavier academy ng dumating ako dito. Ginala ko ang aking paningin sa stage na napapalamutian ng iba't ibang kulay ng banderitas. Nakita ko mula sa likod ng bench ng Xavier team na kumakaway sa akin si Susy. Agad akong tumakbo at umakyat sa bleacher na kinauupuan niya.

"Wow! Ganda natin ngayon ah." Tukso sa akin ni Susy matapos ko siyang dampian ng halik sa pisngi. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong itim na mini skirt at puting sando shirt na pinatungan ko ng kulay light gray na vest. Suot ko din ngayon ang akong ever reliable na black vans sneakers at syempre ang relong regalo ni Bryan sa akin.

"Huwag ka ngang ganyan. Kanina pa kaya ako ninenerbyos. Alam mo bang St. Benedict ang unang makakalaban ng Xavier ngayon?" Kinakabahang saad ko habang nakatingin ako sa gitna ng court kung saan inaayos na ng mga organizers ang gaganaping opening ceremony at parade ng mga team captain at muse ng bawat school na sasali sa intercollegiate meet.

Hinanap ng mata ko si Bryan. Nasa gitna na rin ito ng court, nakavarsity jacket ito at kausap ang isang matangkad at magandang babae na nakasuot ng maiksing puting shorts at blue tshirt na may nakaprint na malaking X sa likod. May hawak silang kulay asul na banner. Nakabuhol sa likod nito ang suot na tshirt kaya labas ang flat nitong abdomen at ang cute nitong pusod. Siya siguro ang bagong Miss Xavier Academy ngayong taon. Lumingon ang magandang girl at pinasadahan ng tingin ang bleachers. Tumigil ang mga mata nito sa isang lalaking nakaupo sa gawing kaliwa ni Susy. Nakasuot ito ng itim na maong at kulay puting polo shirt. May camera na nakasabit sa leeg nito. Natatakpan ang mga mata nito ng itim na salamin. Gwapo ito, mestiso at mukhang maykaya. May stubble sa panga nito na bumagay naman sa kanya. Mukhang mabangong bagong gising. Bahagyang ngumiti ang lalaki ng magflying kiss dito si Miss Xavier. Nagtanggal ito ng salamin at kinunan ng picture si girl habang nakangiti. Sa totoo lang ang cute nilang tignan. Nawala na ang insecurity na naramdaman ko kanina ng makita kong kausap nito si Bryan. Mukhang inlove na inlove ito dito kay Mr. Mestiso.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now